Good bye
Gabi na at mas dinapoan ako ng hiya, paano ba naman ay paulit-ulit ang pag check ni tita at Alvrighte saakin dito, hindi ko nga alam if ever na may picture na ako sa cellphone niya para tuksoin ako this upcoming Monday.
“ May assignment tayo, diba?“ Tanong ko kay Alvrigte at inayos ko ang aking pagkakaupo.
“ Yes, so don't stress yourself at... mag pahinga ka ng maayos para sabay na tayong gumawa bukas, we both have a lot of time tomorrow if you’re gonna be fine.“ He said and smiled, it's just like he is giving me a chance to just think about my own health, ganda ng ugali niya ngayon ah! Nakain nito? Adobo?
“ Noted, puppy tuko.“ Sabi ko. Haluh, nahahawa na ako ng tukmol, maryosep.
I noticed his face was blushing this time, magaling na ata akong mag pakilig ngayon ah, try ko nga sa aso (charot) hindi pala yun tao.
“ Your face is turning read.“ Panunukso ko sa kaniya. Ngayon kita tutuksoin din, tignan natin kung maka palag ka pa.
“ No, it's just a fake blushing face. “ Pagrarason pa nito, hindi naman ako uto-uto para mag rason pa siya, tsk. But I understand him, gawain ko kasi ’yan minsan.
Napansin ko ang pagod at inaantok nitong mga mata, hindi pa ata siya natutulog kanina? Tindi naman niya, insomnia lang?
“ Hindi ka pa inaantok?“ Tanong ko kahit alam ko namang oo na, halos kasi gabi na at kanina pa ata siya pabalik-balik dito para bantayan ako eh, sana all.
Ipinikit niya ng mariin ang mga mata niya, hindi ko alam kung napansin niyang tinitigan ko siya “ No, how about you? You should take a nap now.“ He said softly. Nap? Pahinga lang? Kaunting tulog? Susss!
“ Gusto ko ng music.“
“ I can sing for you to sleep.“ He said.
“ Dito ka ba natutulog?“ Bigla kong tanong.
“ Yes, pero sa sofa nalang ako matutulog since you are here.“
Ang sama ko na ba? Kaya niya bang matulog ng hindi gumagalaw sa sofa, para hindi lang mahulog? Ayuko kaya ng gano’n.
“ Sorry, pero itatry kong maka uwi na buk—“ He cut my words.
“ No, they might hurt you again, hindi mo ba nakikita ’yang pasa mo sa mukha? Kung gusto mo lang ngang pakasohan ’yan na lolo mo because of what he did to you, I will support you.“ Ani ng lalaki, kaso masiyado ng matanda ang lolo ko para iparanas pa sa kaniya ang mga paghihirap sa selda, at may kapit din siya, kaya if ever na gustohin ko man, wala naman akong laban.
“ Pfft, ’wag na. It's just a piece of my fear, wala pa sa kalahati iyon.“ Mangangalahati palang.
“ Don't be so reasonable.“ He said.
“ I am not being reasonable, I am just telling the truth.“ I said. Bumalik ako saaking pagkakahiga at tinitigan ang lalaki.
“ I think, you intentionally want me to melt.“ He said na ikinatawa ko, baliw ata ’to.
“ Apaka assuming mo!“
“ At least you're smiling.“ He said like he got the best gift ever, sana all.
“ I want to sleep, inaantok na ako.“ Pagbabago ko sa usapan.
“ You can sleep now, tutulongan mo pa ako sa assignment natin.“ Pagbibiro nito. Ay wow, pinanindigan niya na ata na Google app ako? Sapakin ko siya eh.
“ Good night.“ Sabi ko at ipinikit na ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pag ayos niya sa kumot ko at pag hawak niya sa aking buhok, hindi pa naman kasi ako tulog, kakapikit ko palang kaya.

YOU ARE READING
MEMORIES WE CAN'T FORGET
Teen FictionAni nga nila'y ang sarap ng buhay estudyante. Masarap nga talaga ang buhay estudyante at hindi ko iyon itatanggi, lalo na't may tao kang hinahangaan na iyong kaklase. dalawang mag-aaral na isa lamang ang pinapasukang paaralan, mag-aaral na hindi mo...