Nakababa na ako sa taxi kaya binayaran ko na ang taxi driver (alangan namang ’yung upoan ang bayaran ko) halos mag tinginan ang mga estudyanteng papasok pa lamang sa loob ng school, hindi ko alam kung bakit. Nakita ko ang isa sa mga subject teachers namin na matandang lalaki na si sir Arnold.
“ Good morning po sir!“ Masayang ani ko dito at nginitian ako, naka tingin ito sa likoran ko habang naka ngiti, hindi ko alam kung bakit, pero bakit nga ba talaga? Una naka tingin ang mga estudyante, tapos naka ngiti naman ngayon si sir. Titignan ko na sana ang likoran ko kung may tao ba o wala ng biglang mag salita si sir.
“ Sige na’t baka malate ka pa, first subject pa naman ninyu ang PE.“ Sambit nito. Oo nga pala, may PE pala kami ngayon (walang kaayosan ’yung MAPEH namin, dapat pang tatlo pa ’yun eh).
“ Sige po, mauuna na po ako.“ Pagpapaalam ko kay sir Arnold tyaka ko ito kinawayan. Deretso lamang ang lakad ko ng mapansin maramdaman kong hindi masiyadong mabigat ang bag ko’t naka tingin din ang mga estudyante saakin, mga problema nito sa buhay.
Lumingon ako ng naka simangot habang naka kunot ang aking nuo. Kaya naman pala magian at naka tingin saakin ang mga estudyante kasi may isang malaking tuko sa likoran ko.
“ Baliw kana ba?“ Malumanay kong tanong sa kaniya habang pagalit ang tuno ng aking boses pero hindi naman talaga ako galit.
“ Baliw sa’yo.“ Pabiro nitong banat kaya kinurot ko ang kaniyang tagiliran habang naka ngiti, “ Aray, kinikilig kana niyan?“ Dugtong ma nito.
“ Napaka assuming mo!“ Malakas kong sambit habang ako ay naka ngiti parin.
“ Sana all.“ Sambit ng isang boses lalaking estudyante pero hindi ko na ito tinignan, basta lalaki siya’t wala din akong pake, hinawakan ako ni Alvrighte saaking braso at mas inilapit sa kaniya, para kaming mga baliw dito habang naglalakad.
Nasa pinto na kami ng aming classroom ng biglang mag silingonan ang aming mga kaklase, ngayon lang ata sila naka kita ng lalaki at babaeng magkaibigan, para naman silang mga bagong pinganak.
“ Wow, the muse and escort are laughing together!“ Pangtutukso ni Ivan at tumayo ito para pumonta sa harap kung saan kami naka upo. Nag ka tinginan kami ni Alvrighte ng masama habang naka kunot ang aming parehong nuo tyaka binitawan niya ang pagkakahawak niya saaking braso.
“ Ano kayang reason, biglang himalang hindi sila magkaaway ngayon, they are like couples!“ Malakas at naka ngiting parang nangtutukso ding Ani ng lalaking pa naming kaklase na si Denver, pumatongo din ito sa harapan naming dalawa ni Alvrighte habang naka ngiti at sinisiko si Ivan.
“ We are friends, it's normal to laugh together if both of us are happy.“ I said with the straight pronunciation of the English language.
“ Oh... Tama na, pag nag e-english ka pa naman eh napipikon ka.“ Singit naman ni Clara habang nasa harap na namin siyang dalawa dahil sa laki ng gilid na puwedi niyang daanan eh, pinaghiwalay pa at sa gitna ng dalawang lalaki siya dumaan.
“ Btw, friends? I thought both of you are enemies since the first day of school in short...“ Hindi tinuloy ng president namin ang sasabihin niya at tinignan tignan niya pa ang mga estudyanteng naka upo tyaka itinaas taas pa ang kaniyang dalawang kamay habang naka ngiti.
“ The first day that both of you met!“ Sabay sabay at malakas na sambit ng mga kaklase namin, yeah. Alvrighte and I are enemies, people can change and the relationship between me and Alvrighte can change too (’wag mong sabihin na baka maging couple kami in real life, no way).
“ Oh, Tama na ang panunukso, excuse me students.“ Gulat kong tinignan si ma’am Latina, our teacher in MAPEH subject. Pumasok kami ng madalian at umupo ng maayos saaming mga kaniya kaniyang upoan.
YOU ARE READING
MEMORIES WE CAN'T FORGET
Teen FictionAni nga nila'y ang sarap ng buhay estudyante. Masarap nga talaga ang buhay estudyante at hindi ko iyon itatanggi, lalo na't may tao kang hinahangaan na iyong kaklase. dalawang mag-aaral na isa lamang ang pinapasukang paaralan, mag-aaral na hindi mo...