Two

34 0 0
                                    


Bada's POV


"Wag mong sabihin na pass ka na naman Bads?" I rolled my eyes as Lusher keeps on asking me to join them later.

"Sige na kasi Bads! Everyone will go no! Saka minsan lang sa Bar magpa-welcome party si Kuya YoungJ! Madalas samgyup samgyup trip non!"

"Oh eh anong masama sa samgyup? Nabusog ka na, hindi ka pa nalasing!" umiiling na sabi ko sa kanya. 'basta ako isinumpa ko na yang alak na yan! Hinding hindi na ako titikim nyan lintik!'

"Ay Hala si Ate, sobrang trauma ka ba talaga sa nangyari sayo one year ago? Aba, simula non' hindi ka na namin napapasok sa bar ah!" tumatawang sabat naman ni Tatter. Kanina pa nila ako pinipilit sumama sa party ng JustJerk mamaya, they are welcoming new members and since we are regular instructor here at close kami sa may ari, kasama kami palagi sa mga ganap nila.

"Ayoko nga, kung nagpasamgyup nalang sila kuya YoungJ baka sumama pa ako."

"Ay and KJ mo talaga kapag inuman na! Hindi ka naman dating ganyan!!"

"Ok, ganito nalang..." Lusher looks at me with a mischievous glint in her eyes.. Kaagad ko naman syang tinaasan ng kilay. "Hindi ka na naming pipilitin, basta share mo samin ano nangyari 1 year ago, noong dinare ka naming uminom ng vodka sa labas ng private room natin?" taas baba ang kilay na tanong nya habang nagpipigil ng ngiti. 'heto na naman po tayo' sa isip isip ko.

Simula ng gabing yon, lagi nalang nila akong kinukulit tungkol sa nangyari. Basta maisingit nila, talagang kinukulit nila ako.


One year ago, sa sobrang saya naming dahil kakatapos lang namin pumirma sa JRA, nagkayayaan kaming uminom to celebrate. At syempre nakatuwaang maglaro ng truth or dare with a twist- bawal mag truth, dapat puro dare lang. Oh di ba pang sira-ulong laro? I was dared to go outside our private room and get a vodka shot sa bar counter, syempre easy sabi ko, lasang chocolate daw kasi yung vodka sabi ni Lusher. 'Chocolate my foot!'

Ok na ok naman yung dare, sobrang dali lang naman kung hindi lang ako parang nabudol nung lalaking lumapit sa akin. Hanggang ngayon inaaway ko pa din ang sarili ko sa katangahan ko ng gabing yon. 'One-night stand talaga Bada? Sa ganon mo lang sinayang yung virginity mo na 24 years mong iningatan? God! Hindi mo man lang inalam kahit yung pangalan lang!'

"True! Isang taon ka na naming kinukulit about dyan eh, never kang nagshare!" I shoot them an annoying glance. Hindi talaga sila susuko basta chismis.

"Wala nga, di ba sabi ko sumakit yung tiyan ko after ko matikman yung vodka! Kaya umuwi nalang ako. Kundangan ba naman kasi itong si Lusher sabihing lasang chocolate yun, nag straight ako tapos lasang demonyo pala!"

Tatawa tawa naman si Lusher na para bang proud pa sya sa ginawa niya noon.

"Maka-lasang demonyo naman to, nakatikim ka na ba non?" Lusher and Tatter looked at each other and did a high five that makes me feel more annoyed.

'Oo, gwapong demonyo' I immediately cursed myself ng maisip ko yun kasabay ng pagflashed sa isip ko ng mukha ng 'gwapong demonyong' yun.

"Eh sino kasama mong umuwi?" napabuntong hininga ako ng marealize kong hindi pa din pala sila tapos.

"Ako nga lang! Paulit ulit tayo dito, isang taon nyo na ako kinukulit at isang taon ko na ding sinasabi sa inyo na ako lang mag-isa"

"At isang taon na din naming sinasabi na hindi kami naniniwala! Sa sobrang pag-aalala naming sayo sumugod kami sa condo mo pero wala ka! Inabot na ng lowbat cp ni Tatter kakatawag sayo tapos sasagot ka ng tawag hapon na?"

"Agree! Agree! tapos ilang araw kang hindi nagpakita sa amin? Sabi mo umuwi ka sa bahay nyo pero tinanong ko kapatid mo hindi naman daw! Tsk. Umamin ka na kasi." Sabay nilang inilapit ang mga mukha nila sa akin habang tinitingnan ako ng may pagdududa.

Unchaste ConnectionWhere stories live. Discover now