Bada POV
Nagwawalang ring ng cellphone ko ang gumising sa akin. Masakit ang ulo ko at umiikot ang paningin ko dahil halos hindi na ako makatulog kakaisip kay Hyeokjae.
I rolled my eyes thinking about it again. 'Grabe Bada, huling taong iniisip mo kagabi at unang taong iniisip mo ngayon ay iisa!"
Mabilis kong kinuha ang unan para itakip sa tenga ko, naiirita ako dahil sabay ng tumutunog ngayon ang cellphone at doorbell ko.
"Ahhhhh!!!!! Kung sino ka mang walang magawa sa buhay patulugin mo ako utang na loob!" Sigaw ko kahit alam kong hindi ako maririnig ng kung sino mang nasa labas dahil soundproof ang kwarto ko at ng kung sino mang tumatawag kasi hindi ko naman ito sinasagot.
Bahagya akong kumalma ng sa wakas ay mawala ang ingay, pero pansamantala lang pala yun dahil sabay na naman silang tumunog.
I exaggeratedly puff the air on my mouth and without looking at it, sinimulan kong kapain ang cellphone ko. Mabilis kong sinagot ang tawag at inilagay sa tenga ko.
"Anong kailangan mo?!" Galit kong singhal sa kung sino mang nasa kabilang linya. Sa init ng ulo ko at inis na nararamdaman ko, wala akong pakialam kahit sino pa itong istorbo sa tulog ko ngayon!
I heard him laugh a little. "Init naman ng ulo ng baby ko..." Mabilis kong naimulat ang mata ko at napaupo sa kama. Agad kong napukpok ang ulo ko ng pagtingin ko sa cellphone ko ay si unregistered number pala ang tumatawag. 'sige Bada, panindigan mo yang unregistered number pero kabisado mo naman heart, mind body and soul.'
I cleared my throat a few times before putting my phone back in my ears.
I can still hear him laughing. " Baby, are you finally awake? If yes, please open your door. I've been standing here for almost an hour now, and I'm afraid the guard will come here any moment now to escort me out.." sabi nya habang halata ang pagpipigil ng tawa.
Disoriented, I didn't understand what he meant.
"Ha?" Is the only answer I can say.
I heard him laugh a little loud now. "God, you're so cute. Please open your door, I'm outside." biglang nanlaki ang mga mata ko ng magets ko ang mga sinabi nya, nasa labas sya at kanina pa naghihintay! Dali dali akong lumabas at tumakbo sa pinto.
Saktong pagbukas ko ng pinto at nakita ko syang nakatayo sa harapan ko ng fresh na fresh ay saka ko narealize na kakagising ko lang nga pala, puyat, walang suklay o hilamos, ni hindi ko man lang chineck ang itsura ko sa salamin!
Agad kong isinara ang pinto bago pa man siya makapagsalita. Mabilis akong bumalik sa kwarto para ayusin ang itsura ko kahit papano.
I can hear my phone ringing again. I answered it and immediately told him to give me two minutes.
He laughed and said 'Alright'.
Nasampal ko ng mahina ang sarili ko ng pagharap ko sa salamin ay nakita ko kung gaano ako ka-wasted compared sa fresh, mabango at masarap niyang look kanina. 'masarap talaga?' Napailing ako habang naghihilamos. 'oo, masarap, masarap na masarap.' Sabay irap sa sarili ko.
I can see myself blushing while I brush my teeth as I realize what I'm thinking.
Para akong sinapian ni the flash na nakapag ayos ng katawan at nakapagpalit ng damit in less than 5 minutes.
Agad kong binalikan ang pinto ko. Hindi man lang ako nakapag-react o nakapagsalita dahil kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang agad na pagpulupot ng isang kamay nya sa bewang ko at paglapat ng labi nya sa mga labi ko.
YOU ARE READING
Unchaste Connection
RomanceA Bada Lee and Howl Lee AU. Disclaimer: This Bada X Howl story is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner...