Four

74 1 0
                                        


Bada's POV


Kitang-kita ko kung paanong tumaas ang kilay niya dahil sa gulat na gulat kong reaksyon I can see in his eyes how amusing he find my reaction was at dala na rin siguro ng pag-kainis sa kanya nitong mga nakaraang araw, wala akong nagawa kung hindi ang mabilis siyang irapan.

I was about to shut the door in his face ng bigla kong marinig ang tili ni Lusher!

"Bada Lee!! Yow yow yow!" Mabilis kong idinungaw ang ulo ko sa ng pinto ng unit ko only to see her walking with Tatter, Eunki, Hulk, Minseo and Yejun, masaya silang naglalakad papunta sa unit ko. Nauna lang pala ng kaunti si Hyeokjae sa kanila.

I looked at Hyeokjae confused, nginisian niya lang ako ng nakakaloko 'Shit, Bada, ilang beses mong ipapahiya sarili mo sa harapan ng lalaking yan?'


"Ano ba namang reaksyon yan Bads! Para ka namang nakakita ng multo!" Tuwang tuwa si Lusher sa reaksyon ko habang derederetsong pumasok sa pinto ng unit ko.

Lusher explained to me na may urgent project pala kami, magpeperform daw kami bukas para sa isang biglaang event. Hindi na daw sana papayag si kuya YJ kaya lang nakiusap daw yung may pa-event na mag-perform ang Just Jerk. It's was a charity event and they want us to perform para daw makatulong sa paghikayat ng mga tao, kaya pumayag na din si Kuya.

Kuya YJ was supposed to inform me earlier pero rest day ko nga daw pala kaya kila Lusher nalang niya sinabi para sabihin sa akin. Sobrang busy din kasi nila ngayon, nag-aayos sila ng papers para sa panibagong branch ng academy. At dahil hindi daw ako sumasagot sa tawag, they just decided to go to my condo. Since I have my own dance studio sa unit, they decided na dito nalang kami mag-practice. 'Kung makapagdesisyon sila, akala mo bahay nila.'

"Kaya naman pala hindi sumasagot! Anong trip mo sa buhay at umiinom ka mag-isa? Senti senti?" Nailing nalang ako ng maalala ko ang ginagawa ko kanina bago sila dumating.

Biglang pasimpleng lumipad ang tingin ko sa taong dahilan ng pagkakagulo ng sistema ko. Sakto namang nakatingin din sya sa akin. Agad ko siyang tinaasan ng kilay, he only bite his lips in return 'Taena, dadaanin na naman yata ako sa pakagat kagat labi nya.' Sa loob loob ko.

"Senti agad? Hindi ba pwedeng nagpapaantok lang? O bored lang sa buhay?" I stated while cleaning up the mess in my living room so we can start our agenda.


"Mag-jowa ka na kasi para hindi ka nabo-bored. 25 years ka ng bored sa buhay." Sabay sabay na nagtawanan sila Lusher, Tatter and Eunki. Huling huli ko naman ang pasimpleng pag-ngisi ni Hyeokjae. 'Kung alam mo lang kung gaano ka-exciting ang buhay ko dahil dyan sa kasama niyo Lusher!' I can taste the bitterness in my mouth as I said that on my mind.

Wala akong nagawa kung hindi ang irapan silang lahat at nagmamadaling pumunta sa kitchen para takasan ang mga susunod pa nilang pang-aasar sa akin.

Nakita kong busy na sila sa pagtingin sa laptop ni Minseo ng bumalik ako galing sa kitchen.

"Oh kaya mo naman ba? Baka lasing ka na?" Tatter asked me after I lazily sat on the carpet.

"Dalawa't kalahating bote lang ng Tanduay Ice yung nainom ko Tatti, tuwid na tuwid pa akong mag-isip." Agad naman silang nagtawanan sa sagot ko. 'pero pagdating jan sa lalaking tahimik na nakaupo sa sofa mo, laging baliko ang isip mo.' Mabilis akong bumuntong hininga sa na-isip.

Mabilis kaming nagplano ng mga gagawin given the limited time we have left para makabuo ng sayaw at makapag practice. 3PM pa naman daw yung event pero mabuti na yung polishing nalang kami bukas.

We are all busy sharing ideas. Paminsan minsan kong nasusulyapan si Hyeokjae at madalas ko din siyang mahuling sumusulyap sa akin, pero dahil natatakluban ng cap ang mukha nya, no one notices that except me. 'ang galing talaga mag-tago!'. He was really quiet and professional. He is sharing his ideas at nakikipagbiruan din naman sa kanila but I feel like parang may pagka reserve din sya.

Unchaste ConnectionWhere stories live. Discover now