Bada's POV
Nagising ako na parang minamartilyo sa sakit ang ulo ko. Napatingin ako sa kisame, nasa kwarto ko ako. I look at myself at nakita kong nakabihis ako ng pantulog. Napangiti ako ng mapait ng maalala kung sino ang huli kong nakita kagabi. Oo, masakit ang ulo ko pero mas masakit ata ang puso ko.
Ilang beses akong huminga ng malalim para mawala ang nakabarang pakiramdam sa lalamunan ko. 'Fuck!'
Kagabi, habang nagpapakalasing ako, naisip ko na kung paano ako makikipag-laro kay Hyeokjae. Sumisingit pa din sa isip ko na tanungin ko nalang sya para matapos na, pero bakit pa? Magsisinungaling lang din naman sya kapag nahuli, tapos ano? Hindi ko man lang siya masasabihan ng 'nice game!' kasi ako lang naman ang napaglaruan?
No. I'll make sure to play with him. Sisiguraduhin ko na hindi ako ang talo kapag nagsawa na kaming maglaro.
Akmang tatayo ako sa kama ng bigla akong mapalingon sa pintuan dahil pumasok ang taong may gawa ng lahat ng kaguluhan sa puso at isip ko ngayon.
Agad siyang ngumiti ng makita ako. May dala siyang tray na puno ng pagkain. 'wow, ang galing talagang mang-uto' I internally roll my eyes.
Mabilis siyang tumabi sa akin at tiningnan ako sa mga mata. "Headache?" Malambing nyang sabi habang marahang hinawakan ang pisngi ko. Kung hindi ko siguro alam yung totoo nyang kulay, baka kilig na kilig na ako ngayon.
Nagulat ako ng bigla nya akong halikan ng mabilis sa labi. "Good morning pala!" He said while flashing his signature eye smile. Nahigit ko ang hininga ko. 'Fuck, ang hirap yata kapag ganito kagaling ang kalaban ko.' Pero hindi ako magpapatalo.
Ngumiti ako sa kanya at mabilis siyang hinila para sa mas mainit na halik. I kiss his lips hard. I bite it hard. Alam kong nasugatan ko siya dahil nalasahan ko ang dugo niya pero hindi ako tumigil. Hindi din naman siya tumigil. His kiss on me is gentle, kabaligtaran ng halik ko sa kanya.
Ng matapos ko syang halikan ay nakita ko pang kinagat nya ang parteng nasugatan sa labi nya, parang gusto nyang itago sa akin. I can see worry in his eyes. So, I started to act on my plan.
"Aw, baby, sorry, nasugatan kita!" Kunwaring sinusuri ko ang labi nya.
"Okay lang baby, wala to." He gave me another smile. "Kain ka na muna? Ipinagluto kita."
I look at the tray and saw several food. 'nakakainis talaga! Ang daming kayang gawin!" Napasimangot ako.
"Ayaw mo ba nung food? Pwede naman kitang ipagluto ng iba kung ayaw mo nyan.." he told me smiling. Napangiti din ako at nanghingi ng ibang pagkain. Enough for him para mapagod sa pagluluto.
Our days continues like that, if someone will see us, for sure sasabihin nila inaalipin ko yung isa. So? Deserve naman nya yun!
He never failed to ask me if may problema ba, or if okay kami o kung may gusto akong sabihin but I always shut him off. Ayoko. Ayoko pang tapusin to. 'o ayoko lang malaman ung totoo sa kanya mismo?"
Tuloy pa rin siya sa madalas na pag-alis, pero medyo nababawasan na ngayon ang pagkawala nya at madalas pa hindi ako pumapayag, nakikita ko na minsan hirap na hirap talaga sya kapag hindi ko sya pinapayagan basta nalang umalis, pero wala naman siyang magawa. Well, pupuntahan lang naman nya yung magandang babae nya.
We continue our set up, madalas halos sa unit ko na sya tumira. Todo asikaso siya sa akin. Minsan sinasadya kong may maiwanan lalo na kapag malayo yung location ng engagements ko para wala syang ibang choice kung hindi ipag drive ako.
Bilib nga ako sa fighting spirit nitong si Hyeokjae eh. Sa iba iba siguro sumuko na, pero sya tuloy pa rin. Well, I'm rewarding him with good fuck every time so bakit naman siya magsasawa di ba?
YOU ARE READING
Unchaste Connection
RomanceA Bada Lee and Howl Lee AU. Disclaimer: This Bada X Howl story is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner...