Bada's POV
"Hanah Lee.." she said using her sweet and angelic voice. However, the next thing she said is already enough for me to let go of her hand and drain all the life I have in me.
"I'm Hyeokjae's Wife."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sabihin niya yon. Nakatingin lang ako sa kanya, her face is filled with a genuine smile.
'tangina, kabit ako? Pumatol ako sa may asawa? Nagmahal ako ng may asawa?' Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko.
Kitang kita ko ang biglaang pagbabago ng emosyon sa mukha niya, napalitan ito ng pagaalala at saya. Mabilis niya akong niyakap dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Rinig na rinig ko ang paghugot ng hininga nila Lusher at Tatter.
"Oh shit! I'm sorry, I'm sorry, please don't cry..." she said habang yakap ako ng mahigpit at hinihimas ang aking likod.
"I'm just kidding, I'm his older sister..please don't cry.." rinig na rinig ko kung paanong manginig ang boses nya. Na para bang naiiyak na din sya. Pero natigilan ako sa sinabi nya, para bang kusang huminto ang paligid. 'ano daw sabi? Older sister? Ate? Kapatid?'
Kumalas sya sa yakap ko at tumingin sa akin ng nakangiti habang nangingilid din ang luha sa mga mata. "Sorry, gusto ko lang naman malaman magiging reaksyon mo if gagawin ko yun, you know, my brother really loves you, and I'm so happy na girlfriend ka na nya tapos biglang hays, ewan ko ba!"
"Girlfriend???" 'Girlfriend?' sabay sabay na tanong ng tatlong bibe sa tabi namin, at kasabay din ng tanong ko sa sarili ko. 'kailan mo pa ako naging girlfriend ha Hyeokjae?'
Sobrang daming tanong sa isip ko. Halo halo na yung emosyon ko. Simula noong araw na magising ako at wala na sya, to his message, to not being able to contact him tapos ngayon napaniwala pa ako ng ate niya doon sa 'I'm Hyokjae's wife' na yun, tapos eto pa, girlfriend daw ako!
Nakatulala lang ako sa kanya. Rinig na rinig ko ang mga OA na reaction nung tatlo sa tabi namin pero parang nakulong kami sa mundo naming dalawa. She's looking at me happily, but there's also an evident sadness in her eyes.
Muli nya akong nginitian ng masuyo at hinawakan ang aking kamay. "Ikaw talaga ang ipinunta ko dito eh... Pwede ba tayong magusap?"
Nanatili akong walang imik, pilit prinoproseso lahat ng nalaman ko, all this time hindi niya babae ito kundi ate nya? Hindi totoo na may wife sya o girlfriend, ay teka ako daw ang girlfriend eh! 'Fuck ka Hyeokjae! Binabaliw mo na naman ako!'
Hindi pa din ako makapagsalita. Kahit bawalin si Lusher at Tatter sa pag-iingay hindi ko magawa. Sa sobrang ingay nila, para na din nilang inannounce sa buong JJ na girlfriend nga ako ni Hyeokjae.
She guides me to go to her car. Nagtaka pa ako ng mabilis na humabol si Eunki. May pinagusapan sila and Eunki is hesitating to let her go but she said she's with me naman daw. In the end, Eunki said na susunod nalang daw sila.
We ended up at the same coffee shop where I saw Hyeokjae before.
She's still smiling tenderly at me. Hindi pa din ako makapagsalita. Kanina ko pa pinaglalaruan ang mga daliri ko. Actually, ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula.
Napapitlag ako ng bigla nyang hawakan ang mga kamay ko sa ibabaw ng table. Maybe she saw that my hands are shaking, pero nung hinawakan nya ang kamay ko, napansin kong nangangatal din sya.
Huminga muna sya ng malalim bago ako muling nginitian. "I'm sorry pala kanina, gusto ko lang masigurado na may nararamdaman ka din para sa kapatid ko bago kita kausapin, ayoko namang magbago ang kung ano mang tingin mo sa kanya dahil lang sa kinausap kita."
YOU ARE READING
Unchaste Connection
RomanceA Bada Lee and Howl Lee AU. Disclaimer: This Bada X Howl story is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner...