Twenty Two

34 1 0
                                    

Bada's POV

"Here you go po Miss Bada." I was shocked when the receptionist handed me over the key card. I looked at her in question. Mukha namang na-gets nya yung pagiging clueless ko sa nangyayari.

"Ah, I'm sorry po Ma'am. We were informed beforehand by Sir H that if someone named Bada Lee comes here and looks for him, just give her his Penthouse keycard.." Napataas ang kilay ko. 'Eh paano kung hindi ako si Bada Lee at sinabi ko lang na Bada Lee ang name ko? Hay nako Hyeokjae hindi ka nag-iisip!'

The receptionist smiled at me. "Don't worry ma'am, bukod sa sikat kayo sa social media, Sir H ensured that everyone will know who you are po. He showed everyone your picture po, just to make sure na kilala namin kayo kapag nagpunta kayo dito." Surprised? More than! 'Sana naman yung maayos na picture ko ang ipinakita mo Hyeokjae'


Out of curiosity, I asked her kung kailan pa ito ibinilin ni Hyeokjae sa kanila and was surprised na it was the same day we met again sa welcome party ng JJ 'Napaka-advance namang mag-isip.' Nailing na sabi ko sa sarili ko.

Wala na akong nagawa kung hindi ang ngitian nalang sya at maglakad papunta sa elevator. Hyeokjae's condo is totally opposite in my condo's direction kapag galing sa Wild Waves, kaya nailing nalang ako noong naalala kong sabi nya daw eh along the way yung condo nya. 'Talk about para-paraan talaga ha?'


He gave me his address way back pa pero hindi ko din alam bakit ngayon lang ako napadpad dito? Ah, naalala ko na, natatakot akong baka makasalubong o makita ko yung babae niya dito. Turns out Ate pala niya yon! 'hays, simula ngayon, proper communication na talaga ang goal ko hindi jumping to conclusion. End na ng assumera era ko.'

Tinext ako ni Ate kanina, sabi nya nasa unit nya lang daw si Hyeokjae. After naming magusap three days ago, Sabi nya mas ok dawn a pahupain ko muna yung emosyon ko kasi baka mas lalong maging magulo kung pareho kaming mataas ang emotions. Mas ok daw yung kalmado din ako.

I made a lot of thinking and reading for the past three days. Gusto kong itama lahat to pero ayokong isipin nyang ginagawa ko lang to dahil alam ko na kung anong sitwasyon niya. Gusto kong iparamdam sa kanya na mahal ko siya at totoo kung ano mang ipinakita, 'well minus the part na nag-maldita ako kasi nagselos ako sa ate nya' at ipapakita ko pa sa kanya.

Ate Hanah 'yes, close na kami kaagad' said that between the two of them, Hyeokjae's willingness to work on being better is higher. His test and psychiatric interviews shows positive impact however, noon pa daw yun noong ok pa kami at hindi na siya umiinom ng gamot ulit. Muli na naman akong nakaramdam ng galit sa sarili ko. 'tanga-tanga ko din kasi madalas!'

Mabilis akong pumasok sa unit nya. His unit exudes cleanliness, minimalism, elegance, and luxury. Lalaking lalaki yung dating. Though I was expecting na puro dark shades yung nasa bahay niya, the interior is really something you'll admire kahit pa halos puro kulay itim yung gamit.

Mabilis akong dumiretso sa kwarto nya. Syempre, naibriefing na ako ni Ate kung saan ang room nya. Sa lahat ng katangahan na nagawa ko nitong mga nakaraan, isa sa mga natutunan ko at tumatak sa isip ko ay ang wag magpadalos dalos kapag gagawa ng desisyon o ng plano. Kaya I really planned everything going here.

I even call Ate the next day after we meet para itanong kung pwede kaming magpa-appointment sa psychiatrist ni Hyeokjae. Para lang alam ko yung tamang approach. Mamaya hindi pwedeng i-apply sa kanya yung mga articles na nabasa ko online, mabuti na yung may background ako from reading and syempre from experts.

Ayoko noong nalaman ko lang na ganito siya basta na ako susugod. I want to help him and in order to do that, I need to also learn first the proper ways to help him. Hindi pwede yung umasa sa feelings ko. Mental health issues are complex and it's best to have a proper plan and knowledge dealing with someone suffering from it.

Unchaste ConnectionWhere stories live. Discover now