--Event
-------Masayang sinalubong ni Marshall ang mga kaibigan niya.
"There you are! Pocha!, ang laki ng pinagbago mo, pre!" sabi ni Jake, tila hindi makapaniwala.
"Haha! The last time na binisita ko to si Marshall sa condo niya doon sa Paris, may babaeng nakapatong sa kanya," biro ni Cole, sabay tapik sa balikat ni Marshall.
"Tang-" hindi naituloy ni Gian ang sasabihin nang may biglang sumulpot na babae sa kanilang grupo.
"Hey, Marshall Lim! Ako nga pala si Beverly Guevara," malanding sabi nito, iniabot ang kamay kay Marshall.
"Nice to meet you, Ms. Guevara," magalang na sagot ni Marshall, sabay ngiti sa dalaga.
Umalis din si Beverly sa grupo ng mga lalaki, ngunit nag-iwan ng malagkit na tingin kay Marshall.
"Woooh! Mukhang may mabibitin patiwarik dito si Marshall!" biro ni Gian, sabay tawanan ng lahat.
"Kampay para sa bagong tagapagmana ni Don Rodolfo Lim!" masiglang sigaw ni Jake, itinaas ang wine glass. "Cheers!" sabay-sabay na sigaw ng lahat ng bisita.
Habang lumalalim ang gabi, unti-unting nagpaalam ang mga bisita ni Don Rodolfo. "Maraming salamat sa imbitasyon," sunod-sunod nilang sabi habang palabas ng mansyon.
Samantala, si Marshall at ang mga kaibigan niya ay patuloy pa ring nag-iinom.
"Anak, Marshall, magpahinga ka na. Bukas pupunta tayo sa mga Guevara para sa opening ng bagong branch ng kompanya nila," paalala ni Don Rodolfo. Tumango si Marshall habang tinatapik ng ama ang kanyang braso bago ito umalis.
"Pocha, trabaho agad, pre?" pabirong tanong ni Jake. "Mag-enjoy muna tayo! Punta tayo sa Xylo-ang dami do'n mga magaganda at malalaki-" hindi naituloy ni Jake ang sinasabi dahil binatukan siya ni Cole.
"Ahh! Grabe ka, pre!" daing ni Jake habang hinahaplos ang kanyang ulo.
Nagtawanan ang grupo hanggang sa magdesisyon silang magsiuwi na.
"Paano? Bukas, hangout tayo?" tanong ni Cole.
"Oo nga, namiss ka namin, pre!" sabat naman ni Gian at Jake.
"Sige na, basta siguraduhin niyo na may dessert don!" pabirong sabi ni Marshall, sabay tawanan ulit.
"Yahoooo!" sigaw ni Jake.
"Kita-kits, guys! Goodnight," sabi ni Cole, sabay kamay kay Marshall bago umalis.
----------------------------------
Sa kabilang bahagi naman...
---------------------------------------Buong araw na nagpahinga si Alliana dahil sa pagod ng biyahe.
"Ughhh!" ungol niya, tila inaantok pa mula sa mahimbing na tulog.
Kumatok ang ina niyang si Belinda sa pinto ng silid. "Alliana, anak? Gising ka na ba?" tawag nito mula sa labas.
Agad namang bumangon si Alliana at binuksan ang pinto.
"Yes, Mommy. Ano meron?" tanong nito, nagtataka.
Napansin ni Alliana ang dalang unan ng ina. "Mommy? Bakit may dala kang unan? Tatabi ka ba sa akin?" malambing na tanong nito.
Agad siyang niyakap ni Belinda. "Miss na miss kita, anak," sabi nito, halos maluha na.
Matagal nang labis ang pangungulila ni Belinda kay Alliana, lalo na nang magpasya silang mag-asawa na doon ito manirahan sa Amerika para mag-aral, kasama si Manang Fe. Ginawa nila ito upang hindi mapahamak si Alliana dahil sa mga pagbabanta noong eleksyon.