CHAPTER 45

473 26 0
                                    

Lumipas ang isang buwan mula noong huling gabi naming magkasama ni Rebecca. Simula noon, hindi ko na siya muling nakita. Ang tanging iniwan niya ay isang sulat na nabasa ko pagmulat ko kinabukasan.

 Ang tanging iniwan niya ay isang sulat na nabasa ko pagmulat ko kinabukasan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dear Menandro Marshall Lim,

I've been thinking about this for a while, and as difficult as it is, I believe it's time for me to let you g. I love you, but I've realized that sometimes love means giving each other the freedom to grow, even if it's apart.

We've shared so much, but if we're being honest, I feel that holding on might not be what's best for either of us anymore. I want you to be happy, and if that means finding that happiness without me, then I'll step back.

This doesn't change how much I care for you, and you'll always have a special place in my heart. I just hope you find the peace and joy that you deserve.

Take care of yourself, always.
Rebecca Tan.

--

Sa nagdaang mga araw, ipinagpaliban muna ni Menandro ang paghahabol kay Alliana matapos niyang malaman na kasal pa rin ito sa dating asawa. Nanatili siya sa ibang bansa, mas piniling ayusin ang lahat bago bumalik ng Pilipinas, umaasang sa kanyang pagbabalik ay magkakaroon siya ng pagkakataong muling makasama si Alliana o, higit pa roon, ang makapiling siyang muli.

Noong una, pilit na humadlang ang kanyang ina sa desisyon niyang makipaghiwalay kay Rebecca. Ngunit sa kabila ng lahat, napagtanto ni Ofelia na ang anak niya'y mas magiging masaya kung susundin nito ang tunay na nararamdaman. Bagaman nasaktan si Menandro noon sa paghahabol kay Alliana, batid ni Ofelia na mas matindi ang sakit na dinaranas ng anak ngayon-ang paglayo sa taong mahal niya at ang pagkukulang na sana'y nasa piling na niya ngayon.

Nakatayo si Menandro sa harap ng bintana, malalim ang iniisip habang hawak ang basong may alak. Bumukas ang pinto at narinig niya ang isang masiglang boses.

"Oh! Kailan ka nga ba babalik sa Pilipinas?" tanong ni Peterson.

Lumingon si Menandro, nginitian ito bago sumagot, "Tingin mo ba, may babalikan pa ako?"

"Sus! Hiwalay na sila ni Mr. Folk at Alliana. Panahon na para bumawi ka kay Alliana," ani Peterson, may kumpiyansang ngiti.

Ngumiti lang si Menandro, itinaas ang baso, at bumulong, "Cheers."

"Cheers for the better you.."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

PILIPINAS

PILIPINAS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"MY MARSHALL" ( MIKHAIA )Where stories live. Discover now