CHAPTER 23

612 29 16
                                    

CHALIAH
.
.
.
As usual, nagising si Alliana na wala sa tabi ang kasintahan. After they made love, hindi niya talaga ito naaabutan sa umaga dahil maaga itong umaalis papuntang opisina.

"Hay, Marshall... parang wasak na wasak ako," bulong niya sa sarili.

Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa kitchen, at may napansin siyang isang note na iniwan ni Marshall.

"Sorry love, hindi kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo. Nagluto ako ng breakfast mo-kainin mo 'yan at inumin mo 'tong gamot para mawala yung sakit. I love you, Alliana."

Napangiti siya; ganito lagi ang pakulo ng boyfriend niya tuwing may nangyayari sa kanila.

Makalipas ang ilang oras, umalis na si Alliana sa condo at nag-drive papunta sa shoot niya. Sa gitna ng pagmamaneho, hindi niya napansin na paubos na pala ang gas, kaya tumirik ang kotse sa daan.

"Omg! Bakit ngayon pa... ang tanga ko naman, walang gas." Napagdesisyunan niyang mag-taxi na lang at ipa-pick up na lang ang kotse sa mga bodyguards ni Marshall. Kinuha niya ang ilang gamit sa sasakyan at naghintay ng taxi, pero walang dumadaan sa lugar. "Ugh! Ang init-init dito."

📞

"Love, please answer my call..." bulong niya habang tinatawagan ang boyfriend niya.

Naka-sampung tawag na siya pero wala pa rin itong sagot.

"Nasa meeting siguro yun kaya naka-silent ang phone... hay, love, ang init..." Tumingala siya at nagpaypay, nag-unbutton ng dalawang botones ng blouse dahil sa sobrang init. Kitang-kita na ngayon ang cleavage niya.

Nagtaka si Alliana nang may humintong kotse sa harap niya. Ilang sandali, bumukas ang bintana sa front seat.

"Charles?" gulat na sabi ni Alliana habang nagpupunas ng pawis dahil sa init.

"Ano nangyari sa'yo?" tanong ni Charles nang may pag-aalala, sabay baba ng kotse para lapitan siya.

"Naubusan kasi ako ng gas. Tatawag sana ako kay Marshall para sunduin ako, kaso... busy yata, nasa meeting."

"Tsk! Grabe ang init dito, hinahayaan ka pa ng fiancé mo? Ihahatid na kita." Sa gulat ni Alliana, naramdaman niyang hinawakan siya ni Charles sa bewang para i-guide sa front seat at pagbuksan ng pinto. Hindi na lang niya ito pinansin, iniisip na baka nag-aalala lang talaga si Charles sa kanya.

"Ang pogi niya. Alliana, stop it. Mali ang iniisip mo!" bulong niya sa sarili.

"Saan ba ang punta mo? At ang dami mo yatang dala. Lalayas ka ba?" biro ni Charles at ngumiti kay Alliana. Napatawa naman si Alliana.

"Ibaba mo na lang ako sa may highway, magta-taxi na lang ako para hindi kita maabala." Malambing na sabi ni Alliana, pero ngumiti lang si Charles.

"No! I insist. Ihahatid na kita. Papunta rin naman ako sa studio. May photoshoot ako ngayon kasi walang makuhang male model si Becky, kaya ako na lang nag-volunteer." Nagulat naman si Alliana sa narinig.

"Talaga?! Eh doon din ang punta ko. Pero hindi, ibaba mo na lang ako sa kanto at magta-taxi na ako. Baka kung ano pa isipin ng fiancée mo pag nalaman kasama mo ako." Napatawa si Charles sa sinabi ni Alliana.

"Seriously? Si Becky? Mabait 'yun at kahit kailan, hindi nagseselos kahit sino pa ang kasama ko. Malaki ang tiwala niya sa akin. Ako nga madalas ang nagseselos eh." Ngumiti lang si Alliana at ibinaling ang tingin sa bintana, pinagmamasdan ang paligid.

"Okay, sabi mo eh..." mahina niyang bulong.

"Ano?! May sinasabi ka ba d'yan? Minumura mo na ata ako ah!" Biro ni Charles.

"MY MARSHALL" ( MIKHAIA )Where stories live. Discover now