Continue..
.
."Alright, thank you so much sa full effort niyo, guys, especially you, Alliana. You did very well!" sabi ng director, at nagpalakpakan ang lahat.
"Btw, Alliana, asan si Charles?" Nilibot ni Alliana ang tingin sa paligid at nagkibit-balikat.
"Okay, sige, mag-uwian na kayo," sabi ng director.
Umupo muna si Alliana, hinilot ang batok niya, at saka sumandal para magpahinga. Kinuha niya ang cellphone para kontakin ang kasintahan, nagpapasundo na rin dahil naubusan ng gas ang sasakyan niya.
📞
Sampung beses na niyang tinawagan ang kasintahan, pero hindi pa rin ito sumasagot. Napahinga siya nang malalim, iniisip kung gaano nga ba ka-busy si Marshall dahil buong araw na siyang hindi nito nakakausap.
Inayos niya ang mga gamit niya at lumabas na ng studio, abala sa pag-aabang ng taxi nang biglang may kumalabit sa likod niya.
"Hoi! Hatid na kita!" narinig niyang sabi.
Nagulat siya at lumingon, "Charles! Nanggugulat ka naman!"
"Sorry, hindi ko sinasadya. Tara na, ihahatid na kita. Gabi na rin, baka hinahanap ka na ni...pinsan."
"Pinsan?" nagtatakang tanong ni Alliana, taas-kilay.
"Yes, guess what? Pinsan ko si Marshall, ang fiancé mo," ngumiti si Charles.
"Hmm... sige na nga." Sumakay na si Alliana matapos siyang pagbuksan ni Charles ng pinto.
---
"Argh! Ang bobo niyo! Get out of my office, now!" sigaw ni Marshall, galit na galit.
Agad namang nagmadali ang mga tauhan ni Marshall na lumabas.
"Hoi! Ngayon ko lang nakita si Senyorito na nagalit! Jusko, nakakatakot!"
"Pwede ba, manahimik ka na dyan? Ayusin mo na ang trabaho mo baka masesante pa tayo."
"Girl, anyare? Dinig dito sa labas ang sigaw ni Sir Marshall!"
"Hayst, ewan, ayos naman ang proposal namin kanina. Ngumiti pa nga siya. Pero nitong after lunch, mainit na ulo niya."
"Bro, nakakatakot talaga itsura ni Senyorito," bulong ng isa sa mga staff pagkalabas nila sa opisina ni Marshall.
---
"Rubi!" sigaw ni Marshall. Nanginginig naman si Rubi nang pumasok sa opisina.
"Si-sir, bakit po?" utal na sagot nito. Malalim siyang tinitigan ni Marshall bago magsalita.
"Tawagan mo ang direktor ni Alliana. I-email niya sa akin lahat ng photoshoot photos ngayong araw. Ngayon na, bilisan mo!" galit na utos niya.
"Opo, sir," mabilis na sagot ni Rubi bago siya tumakbo palabas para tawagan ang direktor ni Alliana.
"What the hell are you doing, Alliana?" galit na bulong ni Marshall sa sarili, habang mariing nakuyom ang mga kamao niya at nagdikit ang mga bagang sa inis.
Sa lalim ng iniisip ni Marshall, maya-maya ay tumunog ang laptop niya-na-email na ng direktor ni Alliana ang lahat ng photos. Hindi maipinta ang reaksyon ni Marshall sa mga nakita niyang larawan ng kasintahan.
"Rubi!" muling sigaw niya, tinatawag ang sekretarya.
"Sir, yes, boss?" Sa taranta, hindi na alam ni Rubi ang sinasabi niya. "Sorry, sir, bakit po?"
Tumayo si Marshall mula sa upuan. "I-print mo lahat ng pictures na nasa email ko. Now!"
Agad namang lumabas si Marshall ng opisina at mabilis na nagtungo sa parking lot, binuhay ang makina ng kotse, at mabilis na nagmaneho patungo sa isang bar sa Makati.