CHAPTER 32

441 37 5
                                    

I recommend listening to music while reading.
"Bakit pa ba by Jay-ar"


Continue..

Nanatili si Marshall sa labas ng kwarto, tila natigilan sa labis na pagsisisi, hindi alam kung paano haharapin si Alliana at sabihin ang tungkol sa pagkawala ng kanilang anak. Napaupo siya, hinawakan ang kanyang ulo, at pilit pinapakalma ang sarili.

Lumapit si Cole at nilagay ang kamay sa balikat ng kaibigan. "Tol, ano ba talaga ang nangyari?" tanong niya.

Naglabas ng malalim na buntong-hininga si Marshall, pilit na pinipigilan ang pagluha. "Nahuli niya kami ni Becky na nagtatalo sa conference room… Gusto ko nang tapusin ang lahat, pero si Becky, nauna nang nagsalita. Hindi naintindihan ni Alliana, at bago ko pa naipaliwanag, tumakbo siya. Paglabas ko... nakita ko na lang siyang nakahandusay. Tangina, tol, kasalanan ko 'to."

Hinapit ni Cole ang balikat ni Marshall, pilit na pinapalakas ang loob ng kaibigan. "Bro, wag mong sisisihin ng sobra ang sarili mo. Kailangan lang na marinig ni Alliana ang paliwanag mo—kailangan niyang malaman ang totoo mula sa'yo."

Umiling si Marshall, hindi mapigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha. "Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako, Cole—hindi lang dahil kay Becky... kundi dahil nawala ang anak namin."

Biglang lumapit si Ramon, ama ni Alliana, at bago pa makareact si Marshall, isang malakas na suntok ang dumapo sa kanyang mukha. "Hayop ka!" sigaw ni Ramon. "Pinagkatiwala ko sa'yo ang anak ko! Tapos ganito ang gagawin mo?!" Tila narinig ang sinabi ni Marshall.

Agad na pumagitna si Jake, hinatak palayo si Ramon. "Tama na po, Tito," sabi niya, pilit na pinapakalma ang ama ni Alliana.

Lumuhod si Marshall, nanginginig ang mga kamay habang nakatingala kay Ramon. "Dad, I'm sorry," nauutal niyang sabi, ang boses niya ay halos sumabog sa sakit. Pilit siyang inaangat ni Cole, ngunit nanatili siyang nakaluhod, nilalamon ng pagsisisi at pighati.

Biglang dumating ang mga magulang ni Marshall, sina Don Rodolfo at Ofelia, at nagulat sa nakitang tensyon. Agad na lumapit si Rodolfo kay Ramon. "Hoy, ano bang ginagawa mo sa anak ko?!" galit na sigaw ni Rodolfo.

Humarap si Ramon kay Rodolfo, ang mga mata'y puno ng galit. "Tanungin mo yang anak mo kung bakit nandito si Alliana ngayon. Tanungin mo siya kung bakit nawala ang apo mo."

Binalingan ni Rodolfo si Marshall, hindi makapaniwala. "Marshall... anong ibig sabihin nito?"

Tiningnan ni Marshall ang kanyang ama, ang boses niya'y puno ng hinanakit at galit. "Kasalanan mo 'to, Pa. Kung hindi mo lang ako pinilit na makipagkita kay Becky… kung hindi mo lang ipinilit na magtulungan kami, sana hindi aabot sa ganito."

Napahinto si Ofelia, tulala sa bigat ng mga salitang binitawan ng anak, habang si Rodolfo naman ay natigilan, hindi alam ang sasabihin.

Bago pa sila tuluyang magkasagutan, biglang lumabas si Belinda mula sa kwarto ni Alliana, kitang-kita ang takot sa kanyang mukha. "Ramon, si Alliana... gising na siya," mabilis niyang sabi, puno ng pag-aalala.

Agad na tumayo si Marshall at pumasok sa kwarto ni Alliana, habang si Belinda ay tumakbo para tawagin ang doktor. Pagpasok niya, nakita niya si Alliana, ang mukha’y basang-basa ng luha at puno ng lungkot.

"Marshall... ang baby natin..." mahina nitong sabi, puno ng sakit ang tinig.

"Sshh... love, kalma ka lang," sabi ni Marshall habang mahigpit na hinahawakan ang kamay nito, kahit na ang sarili niyang puso ay tila nabibiyak.

Pumasok ang doktor, kasama si Belinda, at seryoso itong lumapit kay Alliana. Mahinahon siyang tiningnan ng doktor, bakas ang lungkot sa kanyang mukha.

"Mrs. Lim," maingat na simula ng doktor, "kailangan niyo pong magpakatatag. Ginawa na po namin ang lahat, pero... hindi kinaya ng baby niyo. Patawad po."

Namutla si Alliana, dahan-dahang hinawakan ang kanyang tiyan habang ang luha ay muling bumagsak. "Hindi... hindi totoo ‘yan…" bulong niya, pilit hinahaplos ang kanyang tiyan. "Andito siya… hindi pwedeng wala siya!"

Lumapit si Belinda, niyakap ang kanyang anak nang mahigpit. "Anak… kailangan mong tanggapin… magpakatatag ka," sabi niya, habang siya rin ay tahimik na umiiyak, sinusubukang pakalmahin si Alliana.

Nakatitig si Marshall, ang dibdib ay tila dinudurog ng sakit at pagsisisi habang nakikita ang pagdurusa ni Alliana. Dahan-dahang tiningnan siya ni Alliana, ang lungkot sa kanyang mukha ay unti-unting napalitan ng galit.

"Marshall..." mahina ngunit may panginginig ang boses ni Alliana. "Wala na ang anak natin… at kasalanan mo 'to."

Napalunok si Marshall, hindi makapagsalita habang nakatitig sa kanyang asawa. Dahan-dahan namang umiwas ng tingin si Alliana, tahimik na umiiyak habang tuluyan niyang isinara ang sarili sa kanya, ang sugat sa pagitan nila ay mas malalim kaysa sa anumang maaari niyang mabayaran.

Dalawang linggo na ang nakalipas, at ngayon ay maaari nang lumabas si Alliana mula sa ospital. Nag-aayos na ang ina niyang si Belinda, habang si Marshall naman ay abala sa opisina. Tila hanggang ngayon, hindi pa rin natitinag ang galit ni Alliana sa kanya, at ayaw niyang makita ang asawa.

"Anak, hanggang kailan ka magagalit sa asawa mo?" tanong ni Belinda, hablot ang pag-aalala sa boses.

"Wala akong panahon para pag-usapan siya, Mommy! Uuwi na ako sa bahay, at ayaw ko siyang makita."

"Pero anak... hindi tama ito. Bigyan mo ng pagkakataon si Marshall na magpaliwanag."

"Sinabi nang ayoko!" mariing sagot ni Alliana. "Lahat ng nakita at narinig ko mula sa babaeng impokrita na 'yon ay sapat na! Babayaran niya ang ginawa niya!"

"Anak... pakiusap, huwag mong hayaang lamunin ng galit ang puso mo. Baka pagsisihan mo rin ito balang araw."

Huminga nang malalim si Alliana, saglit na nagdalawang-isip. Parang may bahaging gusto niyang makipag-ayos sa asawa, pero sa tuwing bumabalik ang alaala ng nangyari, nauupos ang natitirang pagnanais niyang magpatawad.

"Ma’am Belinda, ready na po ang sasakyan," sabi ng driver ni Alliana.

Nagtungo na ang mag-ina sa sasakyan, ngunit habang papaalis sila, inabutan sila ni Marshall at agad nitong hinawakan ang mga kamay ni Alliana upang pigilan siyang umalis.

"Alliana… love… pakiusap naman, bigyan mo ako ng pagkakataon," nagsusumamong sabi ni Marshall, hindi inaalis ang tingin sa asawa.

"Bitiwan mo ako, Marshall! Wala akong oras para makipag-usap sa’yo!" madiing sabi ni Alliana, hindi man lang siya nilingon.

"Love… please, makinig ka naman sa akin," pilit ni Marshall, ngunit mabilis na inalis ni Alliana ang kamay niya at tumuloy na sa loob ng sasakyan. Napapailing naman si Belinda, tila naaawa sa sitwasyon ng kanyang manugang.

Nagpumilit si Marshall, muling hahawakan sana si Alliana nang biglang pigilan siya ng mga bodyguard ni Alliana.

"Tama na po, Sir," sabi ng isa sa mga guwardya habang isinara ang pinto ng sasakyan. Pagkaalis ng sasakyan, naiwan si Marshall na tulala, ang luha'y bumagsak sa kanyang pisngi habang pinapanood ang papalayong sasakyan.

---

Sa loob ng sasakyan, tahimik na nakatingin si Alliana sa bintana, ngunit hindi niya maitago ang kirot sa kanyang dibdib. Mahigpit ang hawak ni Belinda sa kamay ng anak.

"Anak," mahina niyang sabi. "Kahit masakit, minsan kailangan natin harapin ang mga bagay na gustong iwasan ng puso natin."

Hindi umimik si Alliana. Ngunit sa likod ng kanyang galit at pagkadurog, may munting bahagi sa kanya na tila humihiling ng kapayapaan—isang kapatawaran na hindi niya alam kung handa na siyang ibigay.

Sa kabilang banda, si Marshall ay bumalik sa opisina, ngunit tila hindi matahimik ang kanyang kalooban. Desperado niyang iniisip kung paano niya mapatutunayan ang kanyang pagsisisi at pagmamahal kay Alliana, sa kabila ng pagkakasalang hindi niya matakasan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pa vote ✨️ :(((

"MY MARSHALL" ( MIKHAIA )Where stories live. Discover now