I recommend listening to music while reading.
"I will carry you by selahFan"Continue..
"Oww... may bisita pala dito," sabi ni Alliana, lumapit sa mesa ni Marshall at inilapag ang pagkaing dala.
Napansin ni Becky ang asawa ni Marshall at tila nairita, pero pilit na nagpakita ng maayos na pakikitungo. "Hmm... may meeting kasi kami ngayon," sabi ni Becky, pilit itinatago ang inis.
"Ah, ganon? Kaya iniintay mo din siya dito, tama?" tanong ni Alliana, may bahid ng asar.
"Oo... why? Is there any problem, Ms. Arceta?" tugon ni Becky, halatang nasusuklam sa presensya ni Alliana.
"Misis Lim," ani Alliana, sabay ngiti na tila inaasar si Becky. "Remember, I'm the wife... hmm?"
Tumaas ang kilay ni Becky, pero bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto at pumasok si Marshall, natigil ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
Diyos ko! Bakit nandito ang asawa ko... bulong ni Marshall sa sarili, halatang kinakabahan.
"Love! Surprise!" masiglang sabi ni Alliana bago lumapit at hinalikan si Marshall sa labi, tila iniinis si Becky na alam niyang naiinggit.
"You're not supposed to be here, love. Dapat nagpapahinga ka," ani Marshall, nag-aalala.
"Eh namimiss kita, at pinagdalhan pa kita ng pagkain. Sorry kung napuyat kita kagabi," sagot ni Alliana, nakangiti.
"No, no! Ayos lang, I'm fine, baby," sagot ni Marshall, sabay sulyap kay Becky na halatang umiinit sa selos.
Matunaw ka sa inggit, bulong ni Alliana habang sinulyapan si Becky.
"Ah-erm! Maybe next time na lang ang meeting natin, Marshall. Masiyadong... maasim dito sa office mo," sabi ni Becky, may halong sarkasmo.
"Wait, Becky..." sabi ni Marshall, lumayo kay Alliana at hinawakan ang braso ni Becky para pigilan. "Hintayin mo na lang ako sa conference room."
Wow, itutuloy talaga ang meeting? isip ni Alliana, sumimangot.
"Fine!" maiksing sagot ni Becky bago tuluyang lumabas ng opisina.
Nang umalis na si Becky, binalingan ni Marshall si Alliana na ngayon ay nakasimangot na at nakatingin sa bintana.
"Kailangan pa talagang ituloy ang meeting na yan... sa babaeng 'yon?" galit na sabi ni Alliana, nakataas ang kilay at nakacross ang mga braso.
"Love, I'm sorry. Kailangan ko lang ayusin ang negosyo na meron kami ng mga Tan. Sana maintindihan mo," sabi ni Marshall, yakap siya mula sa likod at ipinatong ang mukha sa balikat ni Alliana.
"Please, baby. Wag ka nang magalit, ginagawa ko ito para sa atin."
Humarap si Alliana sa kanya at nagsalita, "Hmm... promise me na hindi ka papaakit doon ha? Pag nalaman kong may tinatago ka sa akin, Marshall, pupugutan kita!"
Nakaramdam ng kaba si Marshall pero ngumiti pa rin. "Promise, baby. Huwag ka nang magalit. Kakainin natin yang dala mong food mamaya pagkatapos ng meeting ko, ha?"
"Hmm... sige, aantayin na lang kita dito," ngumiti si Alliana at hinalikan siya.
Ramdam ni Alliana ang paglalim ng halik ni Marshall kaya't bigla siyang pumiglas. "Oh, stop na. Baka kung saan pa tayo mapunta. Magka-scandal pa tayo dito."
Natawa si Marshall. "Come on, pwede naman dito, ha?"
"Siraulo! Office 'to, hindi bar, love!" sabay niyakap siya nang mahigpit ni Marshall at kiniliti sa leeg.