"Rubi, anong schedule ko ngayon?"
"Sir, may meeting po kayo kay Ms. Tan, 9 a.m." Napakunot-noo si Marshall; hindi niya alam na may meeting sila.
"Meeting? Kailan pa?"
"Ah, sir, si Don Rodolfo po sana ang ka-meeting niya, pero ayaw po ni Ms. Tan. Ikaw daw po ang gusto niyang kausapin."
"Argh! Becky, anong kalokohan 'to?!" bulong ni Marshall.
"I-cancel mo. Ayoko siyang kausapin."
"Pe-pero sir, magagalit po ang papa niyo," depensa ni Rubi.
"I said, i-cancel mo!"
"O-opo, sir." Lumabas na ng opisina si Rubi. Huminga nang malalim si Marshall at napahilot sa noo.
---
Si Alliana naman ay paalis na ng condo para mag-grocery dahil wala siyang pasok. Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa mall at nagtungo sa supermarket. Pagkatapos ng pamimili, sinubukan niyang tawagan ang kasintahan kung sakaling may ipapabili ito.
📞
Sampung tawag na, at hindi pa rin sumasagot. Napabuntong-hininga si Alliana. Araw-araw ganito si Marshall-tila sa gabi lang ito nagpapakita, at pagkatapos ng gabi ay nawawala na.
"Hayst, love, miss na miss kita," bulong niya bago magtungo sa parking lot.
Pagdating sa parking lot, inilagay niya ang mga pinamili sa likod ng sasakyan. Paalis na sana siya nang biglang may humila sa kanyang braso.
"Alliana, baby!" sabi ng lalaki na walang emosyon.
"E-Eddie?!" Nanlaki ang mata ni Alliana sa takot. "Anong ginagawa mo dito?!"
"Ano pa? Susunduin ka na," sagot ni Eddie sabay hila kay Alliana.
"Ano ba! Nasasaktan ako!" pagpupumiglas ni Alliana.
"Hindi! Akin ka, Alliana! Akin!"
"Aray! Eddie, please, nasasaktan ako!" Pilit niyang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nito.
"Bitiwan mo siya!" Sigaw mula sa isang pamilyar na boses, at nagulat si Alliana nang makita si Eddie na natumba sa sahig. Inundayan pa ito ng suntok ng bagong dating.
"Charles!" sigaw ni Alliana. Tuloy-tuloy ang pagsipa at pagsuntok ni Charles kay Eddie, at puno na ng dugo ang mukha nito.
"Tama na! Charles, tama na!" Hinila ni Alliana si Charles para awatin siya. "Ano ka ba?!" Napayakap siya sa binata, pilit na pinipigilan ito.
Dahan-dahang tumayo si Eddie, paika-ikang nagsalita, "Hindi pa tayo tapos, Alliana!"
Akma sanang susugurin ulit ni Charles si Eddie, pero mahigpit siyang niyakap ni Alliana.
"Charles, tama na sabi!" At sa wakas, kumalma si Charles sa sigaw ni Alliana.
"Nasaktan ka ba? Saan masakit?" tanong ni Charles sabay yakap kay Alliana. Nagulat si Alliana, pero niyakap na rin niya ito pabalik, alam niyang nag-aalala lang ito. Ilang saglit pa, bumitaw si Charles sa yakap at hinaplos ang pisngi niya. Nagkatitigan sila nang ilang segundo bago bumalik sa ulirat si Alliana, marahang inalis ang kamay ni Charles sa pisngi niya.
"Thank you," malambing na sabi ni Alliana. "Kung di ka dumating, baka ano na'ng ginawa nun sa akin."
"Sino ba kasi siya? Parang galit na galit sa'yo," tanong ni Charles habang marahang hinihimas ang braso ni Alliana, napansin kasi niyang namumula ito dahil sa pagkapit ni Eddie.
"Wala na 'yun, mawawala rin 'yan..." muli silang nagkatitigan, at ngumiti si Charles.
Biglang kumalas si Alliana sa mapanuksong tingin ni Charles at sumakay sa kotse. "Sige na, kailangan ko nang umalis. Salamat, Charles. Hindi ko na alam kung paano pa makakabawi sa'yo." Pinagbuksan siya ni Charles ng pinto, at nang sumakay na siya ay binaba pa ang bintana.
Nilapit ni Charles ang kanyang mukha sa bintana. Napatitig si Alliana.
"Dinner mamaya, pwede ba?" tanong ni Charles. Ngumiti lang si Alliana at nag-iling. Alam niyang nagseselos si Marshall kay Charles, lalo na't malalaman nitong nagkita na naman sila.
"I'm sorry, Charles, hindi ako pwede sa ganun. Alam mo naman, 'di ba? Ikakasal na ako. Ayoko rin na isipin nila ng masama ang pagkakaibigan natin." Tumango naman si Charles at ngumiti.
"Pero kasi... hayst, okay, kahit lunch na lang bukas, or kahit kailan pwede ka," malambing na tono ni Charles. Tumango si Alliana at ngumiti. "Sige na. Thank you, ha?" Itinaas na niya ang bintana habang si Charles ay naiwan na nakatayo, pinagmamasdan siyang umalis.
"Mahuhulog ka rin sa akin, Alliana."
--
Habang abala si Marshall sa pagperma ng mga dokumento, biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. "Oh, Rubi, ano kailang-" Hindi niya natapos ang sasabihin nang makita kung sino ang pumasok. "Ms. Tan... ano'ng ginagawa mo dito?!" Agad siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan.
"Bakit? Masama bang dumalaw sa partner ng kompanya ko, Mr. Lim?" Mapanuksong tingin ang ipinukol ni Becky habang dahan-dahang lumalapit kay Marshall. Halos hindi maalis ang tingin ni Marshall, lalo na nang mapansin niya ang bahagyang pagsilip ng dibdib nito. Hindi niya namalayan na nasa harap na pala siya ng dalaga.
Hinawi ni Becky ang kanyang mukha, at para bang may magnet itong dala dahil napasunod si Marshall, humarap dito nang hindi sinasadya.
"Sayang naman, Mr. Lim, hindi mo 'to matitikman... may fiancée ka na kasi." Napalunok si Marshall habang dahan-dahang dumampi ang mga kamay ni Becky sa kanyang dibdib. Parang estatwa si Marshall, hindi magawang pigilan ang dalaga habang itinulak siya ni Becky pabalik sa upuan. Napa-upo si Marshall, at tila napako ang tingin sa dalaga. Pumwesto si Becky sa kanyang kandungan at sinimulang halikan siya, isang mapusok at mainit na halikan, nagsasalubong ang kanilang mga dila.
Biglang bumukas ang pinto, at bumungad kay Alliana ang eksenang iyon-ang isang babae na nakakandong at humahalik sa kanyang kasintahan. Nabitiwan ni Alliana ang bitbit niyang pagkain, dahilan para mabulabog ang dalawang naglalampungan.
"ALLIANA!" Nanlaki ang mata ni Marshall at agad siyang napatayo. Wala nang sinabi si Alliana at tumakbo ito palabas ng opisina.
"Alliana! ALLIANA!" sigaw ni Marshall habang hinahabol ang kasintahan.
"Sir!! Sir!!!" Malakas na yugyog ang ginawa ni Rubi upang gisingin si Marshall.
"ARGH!!!" sigaw ni Marshall nang magising siya, habol-hininga.
"Sir, binabangungot po kayo!" sabi ni Rubi, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Napahilamos si Marshall sa mukha, tila hindi makapaniwala sa napanaginipan niya. Kinuha niya ang telepono at nakita ang 10 missed calls mula sa kanyang kasintahan. Agad niya itong tinawagan, puno ng kaba at pag-aalala.
📞
"Baby, I'm sorry, nakatulog ako... hindi ko nasagot ang mga tawag mo."
"Ayos lang, love. Alam ko naman na busy ka rin... at saka maaga pa naman ah. Mukhang napagod ka talaga," tugon ni Alliana.
"Hayst, oo, dala na rin siguro ng pagod. Hehe, pinagod mo kasi ako kagabi eh," pabirong sabi ni Marshall.
"Haha, ikaw talaga! Sige na, umuwi ka ng maaga mamaya ha? Magluluto ako para sa'yo."
"Okay, love... thank you. I love you so much, Alliana."
"Mas mahal kita, Marshall."
End call
---
Habang nasa kalagitnaan ng pagmamaneho si Alliana, bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit ng ulo at pagsusuka. Nagmadali siyang huminto sa gilid ng daan at bumaba ng sasakyan upang masuka.
Matapos mailabas ang sama ng pakiramdam, huminga siya ng malalim at bumalik sa sasakyan. Pinakalma muna ang sarili bago muling nagpatuloy sa pagmamaneho.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Eeey ka muna Eeey 😝🤙..
-Pa vote mga langga .. ✨️