CHAPTER 30

661 34 12
                                    


Kinabukasan, maagang nagising si Marshall upang ihanda ang almusal ni Alliana. Tahimik siyang nagluluto sa kusina, maingat na pinipilit huwag mag-ingay upang hindi maistorbo ang mahimbing na tulog ng asawa. Nang magising si Alliana, naamoy niya agad ang mabangong garlic rice, crispy bacon, at sariwang prutas na nakahain sa mesa.

Pagbaba niya, sinalubong siya ni Marshall na may bitbit na tasa ng mainit na tsokolate. "Good morning, love," bati nito, sabay abot ng tsokolate sa kanya.

Nagulat si Alliana, hindi inaasahan na nandito pa si Marshall. Karaniwan kasi, bago pa siya magising, nasa opisina na ito. "Love? Wala ka bang pasok ngayon?" tanong niya, may pagtataka sa boses.

Ngumiti si Marshall, tila tuwang-tuwa sa reaksiyon ng asawa. "May pasok, pero pinagpaliban ko muna. Gusto ko naman na mag-spend ng umaga kasama ka. Alam mo naman, mahalaga ka at ang baby natin," sabi niya, sabay hawak sa tiyan ni Alliana.

Napangiti si Alliana, ramdam ang kilig sa puso. "Ang sweet mo naman ngayon. Kung ganito ka araw-araw, baka lalo akong ma-spoil."

"Deserve mo naman ang lahat, love," sabi ni Marshall, bago siya tinabihan sa mesa. "Kaya ngayong umaga, hindi ako boss, hindi rin ako businessman. Ako lang ang asawa mong handang pagsilbihan ka."

Tahimik silang kumain, nag-eenjoy sa presensiya ng isa't isa. Napalitan ng masayang tawanan at malalim na pag-uusap ang dating mga alalahanin.

Habang magkasamang nag-aalmusal, napansin ni Marshall ang paminsang pagsimangot ni Alliana, kaya't agad siyang nagtanong, "May nararamdaman ka bang hindi okay, love?"

"Medyo pagod lang siguro, pero okay lang ako," sagot ni Alliana.

Hinaplos ni Marshall ang kamay ng asawa at seryosong tumingin sa kanya. "Promise mo sa akin na kung may maramdaman kang hindi tama, sasabihin mo agad, ha? Ayokong nahihirapan ka, lalo na't buntis ka."

Tumango si Alliana, nararamdaman ang sincerity ng asawa. "Oo, love. Pangako. Alam kong nandyan ka lagi."

Pagkatapos ng almusal, binuksan ni Marshall ang blinds para pumasok ang sinag ng araw, at inayos niya ang mga bulaklak sa vase sa mesa. Tahimik nilang tinamasa ang init ng umaga, nagpapasalamat sa simpleng mga sandaling magkasama.

Sumapit ang gabi, at tila tuluyan nang nakalimutan ni Marshall ang usapan nila ni Becky tungkol sa negosyo. Ang telepono niya ay naka-silent mode; tanging kay Alliana lamang nakatuon ang atensyon niya.

---

"Argh! I hate you, Marshall!" sigaw ni Becky habang paulit-ulit siyang tumatawag ngunit walang sagot.

Napagdesisyunan niya ang pagkalas sa partnership sa mga Lim.

Dahil sa biglang pag-alis ng Charlotte Folk Company mula sa kompanya, agad na naalarma si Don Rodolfo.

---

Nagpunta na ang mag-asawa sa kanilang silid at magkayakap na nakahiga. Tila napipikit na ang mata ni Marshall dahil sa pagod, matapos ang ilang araw na puyat. Samantalang si Alliana, gising na gising pa. Napansin ni Alliana na tulog na ang asawa, kaya't naiinis ito.

"MARSHAL!!!" sabay siko kay Marshall. Nagulat si Marshall nang magising, agad itong napabalikwas at humarap kay Alliana.

"Love? Bakit, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Marshall, habang nakahawak sa asawa.

"Natutulog ka agad! Gising pa nga ako!" Inis na sabi ni Alliana.

Napabuntong hininga si Marshall, tinitigan ang asawa. "Love, inaantok na kasi ako," sagot niya, nakasimangot.

"Saka ka matulog pag tulog na ako!" Pasigaw na sabi ni Alliana at tumalikod sa asawa.

Walang nagawa si Marshall kundi sundin ang asawa. Hinaplos niya ito at niyakap nang mahigpit, pinagmamasdan kung makakatulog na si Alliana. Tila naguguluhan si Marshall, ang mata niya ay unti-unting dumidilat dahil sa antok, ngunit pinipilit niyang huwag matulog, ayaw maunahan si Alliana.

Halos mag-umaga na nang makatulog si Alliana. Nang tuluyan na itong mahimbing na natulog, saka lang nakatulog si Marshall..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan...

Pagdating ni Don Rodolfo sa opisina ni Marshall, napansin niyang wala pa ang anak.

"Rubi! Tanghali na, bakit wala pa si Marshall?"

"Si-sir, hindi ko po alam-" naputol ang sagot ni Rubi nang bumukas ang pinto. Sumulpot si Marshall, mukhang bagong gising at tila binagyo ang anyo. Nakalabas ang polo, magulo ang buhok, at tabingi ang necktie. Kitang-kita ang bakas ng puyat sa mukha nito.

"Ano'ng nangyayari sa'yo!" sigaw ni Don Rodolfo, kitang-kita ang pagkadismaya.

"I'm sorry, Papa. Inasikaso ko lang si Alliana," sagot ni Marshall, pilit na inaayos ang sarili.

"Lintik na bata ka! Tatlong buwan pa lang ang tiyan ni Alliana, pero ganiyan ka na? Ganiyan ka na ka-miserable?!"

"Pa, hindi miserable ang buhay ko! Naglilihi lang talaga si Alliana, at medyo mahirap..."

"Alam ko! Pero tingnan mo ang sarili mo, anak. Para kang walang asawa na hindi mo inaalagaan ang trabaho mo."

Tahimik lang si Marshall habang inaayos ang mga dokumento sa mesa.

"Isa pa, bakit hindi ka sumipot sa meeting kay Ms. Tan? Alam mong isa siya sa may pinakamalalaking shares sa kompanya!"

"I'm sorry, Papa."

"Hindi sapat ang sorry, Marshall! Gawan mo ng paraan na maayos ang gusot na 'yan! Dapat hindi kumalas ang pamilya TAN sa atin," madiin na sabi ni Don Rodolfo.

"Pero Pa-"

"Walang pero-pero, Marshall! O aalisin kita sa posisyon mo."

Napabuntong-hininga si Marshall, "Pa..." ngunit agad na lumabas ang ama, na idinabog pa ang pinto ng opisina.

Napabuntong-hininga si Marshall matapos umalis ng kanyang ama. Alam niyang mahirap ang kalagayan niya ngayon sa pagitan ng pamilya at negosyo, ngunit kailangan niyang pag-isipan nang maigi kung paano niya maaayos ang lahat ng ito nang hindi isinasakripisyo si Alliana.

----

Tanghali na ng magising si Alliana at napansin niyang wala na ang asawa niya. Agad niyang naisip na tawagan ito at mag-sorry, lalo na't alam niyang tinanghali ang asawa sa pagpasok dahil hindi siya pinatulog. Hanggat hindi pa siya nakatulog, pinili niyang maghintay, kaya't hindi na rin siya nakapagpatawad sa sarili.

Labis ang pag-aalala ni Alliana kay Marshall. Natatakot siya na baka magsawa ito sa ugali niya, at higit sa lahat, hindi rin siya nakapagbigay ng pansin kay Marshall kagabi dahil sa init ng ulo niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili, marahil dahil na rin sa kanyang pagbubuntis.

Subalit, nang tawagan ni Alliana si Marshall, tila hindi ito sumasagot. Sinubukan niyang tawagan si Rubi, ang sekretarya ni Marshall, ngunit wala ring sagot mula rito. Dahil dito, nagdesisyon si Alliana na puntahan na lang si Marshall sa opisina, dala ang paborito nitong pagkain. Alam niyang hindi ito kumain kanina at nag-aalala siyang baka hindi pa ito kumain habang nagtatrabaho.

Nakarating si Alliana sa kompanya ni Marshall, at agad siyang binati ng mga staff sa loob. "Good morning, Ms. Lim!" Napansin ni Rubi ang asawa ng kanyang amo, at nanlaki ang mata nito nang makita si Alliana. Nahinto siya sa paglalakad.

"Go-good morning, Ms. Lim. A-ano po ginagawa niyo dito?" Utal-utal na tanong ni Rubi, tila kinakabahan.

"Ahh! Ihahatid ko lang itong pagkain kay Marshall. Nandiyan ba siya?" tanong ni Alliana, na hindi pinansin ang tensyon ni Rubi.

"Ah-eh... Ms. Lim, nasa meeting pa po siya," sagot ni Rubi, nag-aalangan.

"Ah, ganon ba? Sige, aantayin ko na lang siya sa opisina niya." Tumuloy si Alliana sa paglalakad, ngunit agad siyang sinundan ni Rubi.

Nako, yari na!

Bubuksan na sana ni Alliana ang pinto ng opisina ni Marshall nang hinarangan ito ni Rubi. "Ms. Lim... wala po dito si Sir, nasa conference pa po eh..." mahinang paliwanag ni Rubi.

"Oo nga! Kaya nga dito ko na lang siya aantayin." Nakataas ang kilay na sagot ni Alliana, tinitigan si Rubi. "Umalis ka na dyan!" galit na sabi ni Alliana, itinulak ang pinto.

"Pero Ms. Lim..." huling sabi ni Rubi bago tuluyang nakapasok si Alliana sa loob.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
:)))))

"MY MARSHALL" ( MIKHAIA )Where stories live. Discover now