CHAPTER 6

1K 49 3
                                    

Luzon Sky Deck, Bayleaf Hotel..
---

"Hi, Marshall," bati ng dalaga sabay beso sa binata. Wala namang nagawa si Marshall kundi tumugon at bumeso rin.

"Wait, guys, may sasabihin lang ako kay Aliana," sabi ni Marshall sabay takbo bago pa tuluyang makalayo si Aliana.

Sinundan naman ni Denise ng tingin, kung saan ang punta ni Marshall.

"Sino' ba yung babaeng 'yon? Mukha namang singlemom, Denise mind.

"Aliana! Saglit lang!" sigaw ni Marshall. Lumingon naman si Aliana.

"Oh, Marshall?" Nakangiti itong humarap sa binata, kitang-kita ang ganda nito.

"Ah, Aliana, pwede ko bang makuha ang number mo? O, pwede ba kitang yayain mag-dinner mamaya? Yun ay kung okay lang sa'yo..." sabi ni Marshall, halatang nahihiya habang pigil-hiningang naghihintay ng sagot.

"Hmm... okay! Wala naman akong gagawin mamaya," nakangiting sagot ni Aliana.

Hindi mapigilan ni Marshall ang ngumiti. "Paano, sunduin na lang kita mamaya?" masayang tanong ni Marshall.

"Mr. Marshall... ano nga ba ang apelyido mo?" tanong ni Aliana habang pilit na inaalala ang pangalan ni Marshall. "Marshall P-Perez... Oo, tama, Marshall Perez," utal-utal na pagsisinungaling ni Marshall.

"Okay, Mr. Marshall Perez. 8 PM hanggang 10 PM, okay ba 'yon?" malambing na tanong ni Aliana.

"Yess! Sobrang okay," masayang sabi ni Marshall.

"See you later, Mr. Perez," paalam ni Aliana sabay talikod at umalis na.

Sinundan naman ng tingin ni Marshall si Aliana habang papalayo ito, halos tumalon sa tuwa bago bumalik sa mesa kung saan naroon ang mga kaibigan.

"Yesss! Yesss!" bulong ni Marshall sa sarili, halos hindi mapigilan ang kilig.

"Tignan mo si Marshall, pre. Lakas ng amats, kinakausap ang sarili," bulong ni Jake kay Gian, na napatingin din.

"So, guys, saan na nga tayo?" tanong ni Marshall sabay upo sa tabi ni Cole.

"Tamang-tama, ito na po ang order niyo, mga sir," sabi ng waiter habang iniaabot ang pagkain.

"Oww, sakto, gutom na ako," sabi ni Jake na halatang gutom na nga.

"Mr. Marshall Lim?" tawag ng isang babaeng nasa gilid nila. Agad lumingon si Marshall, nagulat na may babaeng tumawag sa kanya.

"Sh*t, sorry. Marshall Lim nga pala... ikaw ano nga-"

"Denise Lleba," sabi ng babae, inabot ang kamay kay Marshall. Tumugon naman ang binata at nagpalitan sila ng malagkit na tingin.

"Pwede ba akong makisali sa inyo?" tanong ni Denise, sabay upo sa tabi ni Marshall.

"Yeah, sure," sagot ni Gian.

Nagpatuloy ang kwentuhan at tawanan ng grupo, pero ang usapan ay nauwi sa negosyo dahil naroon si Denise at hindi sila makapag-topic tungkol sa party noong isang gabi.

-----------

Samantala, sa kabilang bahagi ng resto...

"Aliana?! Ate Aliana!" sigaw ni Maloi at Sheena, na naunang dumating. Maya-maya pa'y dumating na rin si Stacey.

Agad itong lumapit sa kanila na halatang badtrip. Napabuntong-hininga bago naupo at inayos ang buhok.

"Oh, bakit ganyan ang itsura mo? Para kang papatay ng langaw," nakakunot-noong sabi ni Maloi.

"MY MARSHALL" ( MIKHAIA )Where stories live. Discover now