Xylo..
Sa Xylo Bar, masaya ang ambiance, puno ng makukulay na pailaw, at umaalingawngaw ang musika. Isa ito sa mga kilalang bar sa lungsod, pagmamay-ari ng pamilyang Bernardo.
Sa eksklusibong mesa, nakareserba lagi ang upuan para kina Cole, Gian, at Jake tuwing pupunta sila rito para uminom. Mula sa mesa nila sa itaas, tanaw ang dance floor at mga taong nagsasayaw sa ilalim ng ilaw.
"Naks! Pogi naman ng isang Gian! Pakiss nga!" pabirong sabi ni Jake habang nilalapit ang pisngi kay Gian.
"Kadiri ka, pre! Nilalabas mo na naman yang bakla mong side!" inis na sagot ni Gian, sabay tulak kay Jake.
"Ang tagal ni Cole at Marshall! Saan na kaya ang mga iyon?" reklamo ni Gian habang nagsasalin ng alak sa kanyang baso.
"AHHH! P**a, Jake! Anong klaseng inumin 'to? Ang anghang!" reklamo ni Gian, hindi maipinta ang mukha dahil sa lasa ng alak.
"Eh gago ka! Ano! May sili?!" sabi ni Jake, na naputol ang biro nang makita niya sina Cole at Marshall na papalapit na sa mesa.
Nanlaki ang mga mata nina Gian at Jake nang makita ang suot ni Marshall.
"Anak ng patola! Bakit ganyan ang porma mo? Parang masyado mo namang ginalingan, pre!" biro ni Jake kay Marshall, na nahihiya na tila nalalamangan na sa itsura ng kaibigan.
Nagtawanan sila at umupo sa mesa, nagpatuloy sa inuman at tawanan, habang nagiging mas masaya ang gabi.
-----------
Sa kabilang bahagi ng kwento...
Habang nag-aayos ng buhok si Aliana, sunod-sunod ang tunog ng kanyang cellphone, kaya't agad siyang napatingin dito at binuksan ang group chat.
GC:
Stacey: "Xylo tayo, guys! Papunta na ako!"
Maloi: "Wow! Simula nang natuto kang mag-inom, lumilipad ka na ng mag-isa ah!"
Sheena: "Oo nga! Siguradong naka-all pink ka na naman! Trending ka na naman sa social media!"
Stacey: "Mga OA! Bilisan niyo, may mga pogi ako nakita dito. Libre ko na!"
Stacey: "Yung isang pa-virgin d'yan na kakauwi lang ng Pinas, sumama ka naman, Ate Aliana!"
Aliana: "Excuse me! Virgin pa ako, okay? Muntik lang..."
Maloi: "HAHA! Aliana, tara na! Sunduin ka namin."
Sheena: "Ate Loi, pasundo pleaseee..."
Maloi: "Oo na, Shee! Diyos ko, apat na taon ka nang palaging nakikisakay."
Stacey: "Ano, Aliana? Sasama ka o sasama ka?"
Aliana: "Oo na, magre-ready na ako."
Maloi: "Yown! See you, guys."
Sheena: "Waiting na ako, Ate Maloi."
Matapos ang chat, agad na nag-ayos si Aliana. "Ugh, ano ba isusuot ko?" tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang kanyang wardrobe, nahihirapan pumili.
----------------------
Boys..Samantala, patuloy ang inuman ng tropa.
"Woah! Isa pa, pre! Shot-shot-shot!" sigaw ng mga barkada kay Marshall habang iniabot ni Jake ang isang baso ng alak.
"Potang**! Ang pangit ng lasa! Hindi na kaya, nahihilo na ako," reklamo ni Marshall habang pinipilit lunukin ang alak, halatang hindi sanay uminom.
Biglang sumulpot ang apat na babae, at isa-isa silang lumapit sa tropa.