CHAPTER 25

706 36 4
                                    

Flashback

Napadaan kami ni Charles sa isang bar sa Makati, dahil sa dito ang way papunta ng condo, pinagmasdan ko lang ang mga taong lumalakad na pa-giwang-giwang sa kalsada. Biglang may isang sasakyan na umagaw ng atensyon ko.

"Wait...wait, Charles, stop the car," halos mapamura ako nang bigla siyang prumeno.

"Ano bang meron?" inis niyang tanong, tila nagtataka.

Bumaba agad ako at sinipat ng mabuti ang sasakyan na nakaparada. Kay Marshall nga!

Nagmadali akong pumasok sa loob ng bar. "Alliana!" sigaw ni Charles, pero di ko na siya pinansin.

Mabilis kong nakita si Marshall sa bar counter, naka-puyod ang buhok niti at kulay pula, kaya't agad ko siyang natunton. Ramdam ko ang galit ko sa bawat hakbang, lalo na't may babaeng kumakapit sa braso niya, halos ipalamas na niya ang boong katawan niya kay Marshall.

"I'll teach you a lesson, bitch!"

Nagalit ako at mabilis kong hinablot ang buhok ng babae, kinaladkad ko siya palayo kay Marshall, at napaupo ang babae sa sahig.

End of flashback

--

"So! Bakit ka nasa bar, ha?!" Sigaw ni Alliana, halos yumanig ang buong condo ni Marshall

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"So! Bakit ka nasa bar, ha?!" Sigaw ni Alliana, halos yumanig ang buong condo ni Marshall.

"Fvck! Ang ingay mo! Ano ngayon kung nasa bar ako? Ha?! I can do whatever I want! Ikaw lang ba may karapatan lumandi?!" sagot ni Marshall, galit na galit.

Lumapit si Alliana, "Anong sabi mo?!"

"I said, lumandi!" Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Marshall, at agad na tumalikod si Alliana, napakapit sa railing ng hagdan.

"Look, love... I didn't mean it. I'm sorry, love. I'm really sorry..."

"Huwag mo akong hawakan! Uuwi ako sa amin ngayon!" Sigaw ni Alliana, paakyat na sana sa hagdan nang hawakan ni Marshall ang kanyang kamay at lumuhod sa harap niya.

"Love... please, I can't lose you. Please forgive me, Alliana. Please, don't leave me," nakaluhod ito, umiiyak habang nakikiusap.

Napakagat-labi si Alliana, hindi makayanan ang nakikitang paghihirap ng kasintahan. Yumuko siya at hinaplos ang pisngi ni Marshall. "Sssh... tahan na," mahinahong sabi niya habang pinupunasan ang luha ng kasintahan. Hindi maintindihan ni Alliana ang bigat ng nararamdaman ni Marshall.

"Please, don't leave me, Alliana. Hindi ko kaya," paulit-ulit na sabi ni Marshall, halinhinang hinahalikan ang mga kamay ni Alliana, para bang isang santo itong sinasamba.

"Sshhh... hindi ako aalis," niyakap niya si Marshall ng mahigpit. Ilang sandali pa, huminahon si Marshall. Gusto ulit itinanong ni Alliana, ngunit bago siya makapagsalita, bumitaw si Marshall sa yakap nito at nagsimulang magpaliwanag.

"MY MARSHALL" ( MIKHAIA )Where stories live. Discover now