CHAPTER 40

566 35 11
                                    

Flashback...

"Jake, Cole! Kayo lang ang nakakaalam ng lahat ng ito... kaya siguraduhin ninyong gagawin ito ng maayos. Kailangan maniwala si Alliana na patay na si Marshall," madiin na utos ni Ofelia, ang boses niya puno ng panggigigil.

"Tita, pero—"

"Ofelia, mahal, hindi natin kailangang gawin ito. Maraming paraan para protektahan ang anak natin," sabat ni Rodolfo, pilit na nagmamakaawa.

"Enough!" mariing sagot ni Ofelia, ang galit bumabalot sa kanyang mga mata. "Ikaw, Rodolfo! Masyado kang boto sa babaeng iyon! Tingnan mo ang nangyari kay Marshall dahil sa kanya!"

"Tita—" muling sabat ni Jake.

"Hindi! Hindi na mababago ang pasya ko. Ilalayo ko si Marshall sa babaeng iyon! At walang sinuman ang dapat makaalam. Nagkakaintindihan ba tayo?" mahigpit na sambit ni Ofelia, titig na titig sa dalawang binata.

"Hon—" muling pagmamakaawa ni Rodolfo.

"No, Rodolfo. Kapag sinuway mo ako, mawawala kami ng anak mo sa buhay mo. Mamili ka," sabi ni Ofelia, matalim ang boses at determinadong determinadong ipatupad ang kanyang plano.

Wala nang nagawa si Rodolfo kundi ang sumunod. Alam niya kung gaano kapanganib ang galit ng asawa kapag hindi nasusunod ang kagustuhan nito.

"Sige na, Jake, Cole… sundin ninyo ang utos niya," malungkot na sabi ni Rodolfo.

"Tito, mahal ni Marshall si Alliana. Ano na lang ang magiging epekto nito sa kanya, lalo na ngayon na nasa ospital pa siya at hindi pa nagigising," sabi ni Jake, halata ang pag-aalala sa boses.

"Wala akong magawa, hijo. Alam kong kapag sinuway ko si Ofelia, mawawala sila sa akin, at hindi ko kakayanin iyon," sagot ni Rodolfo, marahang tinatapik ang balikat ni Jake.

"Nagkakaintindihan ba tayo, Cole? Jake?" tanong muli ni Rodolfo, seryosong nakatingin sa dalawang binata.

"Opo, Tito," sabay na sagot nina Cole at Jake, kahit mabigat ang kanilang kalooban.

Sa kabila ng kanilang pagsang-ayon, hindi maalis sa isip ni Jake ang iniwang pangako ni Marshall kay Alliana. Tumalikod siya sa plano, alam niyang baka ikawasak ng dalawa ang balitang ito.

Lingid sa kanilang kaalaman, unti-unti nang nagigising si Alliana mula sa coma.

---

Umalis na sina Jake at Cole para puntahan si Alliana. Maya-maya pa ay dumating ang doktor.

"Mr. and Mrs. Lim, check ko lang po ang pasyente," sabi ng doktor.

"Sige, tuloy ka," sagot ni Rodolfo, habang nakatingin kay Marshall.

Matapos ang ilang sandali, natapos din ang pagsusuri ng doktor kay Marshall.

"Anong balita, Doc?" tanong ni Rodolfo, puno ng kaba.

"Successful po ang operasyon na ginawa namin sa kanya. Ngunit... maaaring pag-gising ng anak ninyo ay wala siyang maalala."

"Ano?!" sabay na sigaw ng mag-asawang Lim, hindi makapaniwala.

"I'm sorry, Ma'am, Sir... pero posibleng may amnesia si Marshall. Maaaring magkaroon siya ng mga alaala, pero hindi magiging madali ang proseso."

Nagpapaalam na sana ang doktor nang bigla siyang pigilan ni Ofelia.

"Saglit!" madiin na sabi ni Ofelia.

"Yes po, Mrs. Lim?"

"Gusto kong ipaalam mo na patay na ang anak ko," utos ni Ofelia, malalim ang boses.

"Huh? Pero, Mrs. Lim, hindi po tama—"

"Titirplehin ko ang bayad mo! Basta sumunod ka lang. Magkano? Sampung milyon? Dalawampung milyon?" pangungumbinsi ni Ofelia, hindi nagdadalawang-isip.

"Ofelia, hon! Sobra na ito... hindi ito tamang paraan!" pag-aalalang sabi ni Rodolfo.

"Manahimik ka, Rodolfo!" mariing sagot ni Ofelia, hindi natitinag.

"Pero, Mrs. Lim..."

"Kung hindi ka susunod, mawawalan ka ng lisensya bilang doktor."

Natigilan ang doktor, halatang nag-aalangan pero napilitan. "Wag po, Mrs. Lim. Papayag na po ako..."

"Good," sagot ni Ofelia, may ngisi sa kanyang mukha.

"Sige po, Ma'am, Sir... mauna na po ako," sabi ng doktor at tuluyang umalis.

---

Habang bumabalik sa silid ni Marshall, matindi ang tensyon sa pagitan ng mag-asawang Lim. Si Rodolfo, bagaman natatakot, ay nag-iisip na pigilan ang plano ng asawa. Samantala, si Ofelia ay determinado sa lahat ng paraan na ilayo si Marshall kay Alliana. Ngunit hindi niya alam, sa pag-gising ni Marshall, isang bagong yugto ang magsisimula—isang yugtong maaaring hindi niya kontrolado.

End of flashback..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

PILIPINAS..

"Hon... ayos na ba itong suot ko?"

Lumapit si Alliana at inayos ang kwelyo ng kanyang damit, bago pinisil ang kanyang pisngi. "Oo naman, ang pogi mo nga eh. Hmm... pogi-pogi," pabirong sabi ni Alliana.

"Soss! Bolera ka talaga. Pero seryoso, gusto ko nang makasal sa'yo, yung totoong kasal Alliana. " sagot ni Charles, may ngiti sa labi.

"Hindi pa nga kita sinasagot, pero nasaan ba ako ngayon? Nasa piling mo, Mr. Folk, di ba?"

"Kaw talaga..." niyakap siya ni Charles mula sa likod, pinaparamdam ang init ng pagmamahal nito.

Huminga nang malalim si Charles bago muling nagsalita. "Naiisip mo pa rin ba siya...?"

Sandaling natahimik si Alliana, tila nag-iisip, bago humarap kay Charles. "Hindi... matagal na siyang wala, Charles, okay? Kahit nagsimula tayo sa isang arranged marriage, natutunan kitang mahalin. Hindi lang dahil matalik tayong magkaibigan noon, kundi dahil ipinakita mo sa akin kung gaano ka kabuting tao." Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito.

"Love you, hon," bulong ni Charles, puno ng pagmamahal sa kanyang boses.

Ngumiti si Alliana at mahigpit siyang niyakap, ramdam ang init at katapatan sa kanilang mga yakap.

"Let's go na, Mrs. Folk. Hehe, ang sexy mo ngayon," sabi ni Charles, sabay iniikot si Alliana.

"Bolero ka talaga, Bai," sagot ni Alliana, sabay ngiti sa kanya.

Inihatid na ni Charles si Alliana sa opisina nito, kung saan meron na itong sariling negosyo na siya mismo ang nag-pundar at nagsumikap upang maitayo. Dahil sa pagiging sikat na modelo ni Alliana, maraming negosyante ang lumalapit sa kanya at gustong mag-invest sa kanyang negosyo.

Madalas silang mag-away ni Charles dahil sa selos, ngunit palaging naaayos ito at nauuusapan nila ng maayos.

"Ingat, hon... susunduin kita mamaya," sabi ni Charles sabay halik sa mga labi ni Alliana. Bago ito tuluyang bumaba ng sasakyan.

"Goodluck din sa meeting mo..sigaw ni Alliana, bago tuluyang pumasok sa kompanya.

Nagtungo na din si Charles kung saan ang napag-usapan na Meeting ng kanyang client na si Peter robles..
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

This is it Pancit :)))

To be continue..

"MY MARSHALL" ( MIKHAIA )Where stories live. Discover now