After 5 years
"CALIFORNIA"
----------
"Love... kailangan ko nang umalis."
"Ha? Bakit?"
"Teka, wait! Antayin mo ako... wait..."Napabangon si Marshall mula sa pagkakahiga, napahawak siya sa kanyang ulo at huminga nang malalim.
"Arrgh!! Sino ka ba? Bakit lagi kang nasa panaginip ko..." bulong niya sa sarili.
"Babe... is there something wrong?" tanong ng kasintahan, malambing ang boses, kaya't nilingon niya ito.
"Wala, babe..." Mahigpit niya itong niyakap at hinalikan sa labi.
"Masakit ba?" muling tanong ng kasintahan, ang pag-aalala sa mukha nito.
"Wala, babe... biglang sumakit lang ang ulo ko." Mahigpit na niyakap ni Marshall ang kasintahan, tila humahanap ng kasiguraduhan sa yakap nito.
Hindi mapakali ang isip ni Marshall. Bawat gabi, paulit-ulit ang panaginip-misteryosong babae, hindi niya makilala, ngunit tila may malalim na koneksyon. Ramdam niya ang sakit sa ulo at ang kirot sa puso, na para bang may mahalagang bagay siyang hindi maalala.
"Babe..." tawag ng kasintahan, na ikinagising muli ni Marshall sa iniisip. "Parang may bumabagabag sa'yo. Gusto mo bang pag-usapan natin?"
Ngunit paano niya sasabihin ang hindi niya rin maunawaan? Ang panaginip na paulit-ulit, ang mga tanong na hindi mabigyang kasagutan.
"Hindi na, babe..." muling hinalikan ni Menandro ang kasintahan.
Kumalas naman ang dalaga mula sa halik. "Menandro, hmm... saan na naman tayo nito mapupunta?"
"Babe naman, oh... pabitin ka, eh."
"Hindi... tama na. Kaw talaga. Sige na, magbihis ka na, mag-aasikaso na ako ng almusal natin."
"Pero babe..." hirit uli ni Menandro, kinikiliti siya sa bewang, na ikinatawa ni Rebecca.
"Ano ba! Babe... nakikiliti ako, isa pa ha! Menandro..."
"Menandro Lim!" nakakunot noo siya habang nakatingin sa kasintahan, ngunit ngumiti lang si Menandro, tila nang-aasar.
"Hehe, ito na po, Ms. Rebecca Tan... magbibihis na po," biro niya.
Naunang tumayo si Rebecca at sinimulang isuot ang kanyang bra, pasulyap-sulyap kay Menandro habang kinukumpuni ito, halatang inaakit.
"Oh! See? Tapos ginaganyan mo pa ako, babe... ugh, nakakainis ka!" Hihilahin sana ni Menandro siya pabalik sa kama, pero mabilis siyang nakaiwas at humagikgik, asar na asar si Menandro nang nahulog siya sa kama.
"Haha, ano ba, babe! Tama na kasi, ayan tuloy nahulog ka!" tawa ni Rebecca.
"Ikaw kasi, eh..." napamaktol si Menandro habang dahan-dahang tumayo.
"Arghh! Ang sakit!"
"Huh?! Saan?" mabilis na lumapit si Rebecca, pero huli na, dahil biglang niyakap siya ni Menandro sa bewang, nilinlang lang siya nito.
"Menandro naman, eh!" hinampas siya ni Rebecca sa balikat, ngunit nginitian lang siya ni Menandro.
"Babe... ang swerte ko sa'yo," malambing niyang bulong, sabay hagod sa buhok ni Rebecca, at inayos ito sa tainga niya.
"Hmm... bolero! Bitiwan mo nga ako."
"Hindi nga, babe. Kasi, nasa'yo na ang lahat-maganda, sexy, matalino, mabait, at higit sa lahat, mahal mo ako," aniya, puno ng pag-ibig ang mga mata.