--
"Becky, hindi ako nakikipaglandian! She's my wife, and she's pregnant. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya ngayon," sagot ni Marshall, pilit pinapakalma ang sarili.
"So, ako, Marshall? Paano ako?" tanong ni Becky, tila humihingi ng paliwanag.
"Becky, kung ano man ang namagitan sa atin noon, matagal na tayong tapos," madiing sabi ni Marshall.
-HINDI!!
"Anong meron, Marshall?!" sigaw ni Alliana, namumuo ang galit sa kanyang mga mata. Akmang susugod siya kay Becky, ngunit mabilis siyang pinigilan ni Marshall at mahigpit na niyakap.
"Love, no! Hindi ito ang iniisip mo," sabi ni Marshall, sinusubukang pakalmahin ang asawa.
"Shut up, Alliana! Wala kang alam sa nangyari sa amin ni Marshall!" sagot ni Becky, nagpapalitan ng tingin ng galit.
"Tama na, love," pakiusap ni Marshall, hawak ang mga braso ni Alliana.
-ARGH!!!
"Bakit, Marshall? Ano meron sa inyo ng babaeng 'yan?!" tanong ni Alliana, hindi naitago ang sakit sa kanyang boses.
"Love, please. Magpapaliwanag ako sa tamang panahon-"
"Love, makakasama sa baby natin ang magalit ka. Please, calm down-"
"Marshall! Sabihin mo na kasi na bago siya ay meron tayong-" singit ni Becky, pero mabilis na pinutol ni Marshall ang sasabihin nito.
"Shut up, Becky! Wala tayong 'tayo'!" madiin na sigaw ni Marshall, pilit na iniiwas ang tingin sa asawa.
"Alliana! Alliana, sandali!"
-NO!! NO!! WAG MO KO IWAN..
"Alliana!!!" sigaw ni Marshall, tumigil ang mundo sa kanyang paningin nang makita ang asawa na nakahandusay sa kalsada, duguan at walang malay.
Mabilis na isinugod ni Marshall si Alliana sa ospital. Pagkarating doon, sinalubong agad sila ng doktor.
"Mr. Lim! Ano pong nangyari?" tanong ng doktor, halata ang pag-aalala sa boses.
---
"Marshall... ang baby natin..." mahina nitong sabi, puno ng sakit ang tinig.
ANG ANAK KO..
"Sshh... love, kalma ka lang," sabi ni Marshall habang mahigpit na hinahawakan ang kamay nito, kahit na ang sarili niyang puso ay tila nabibiyak.
Pumasok ang doktor, kasama si Belinda, at seryoso itong lumapit kay Alliana. Mahinahon siyang tiningnan ng doktor, bakas ang lungkot sa kanyang mukha.
"Mrs. Lim," maingat na simula ng doktor, "kailangan niyo pong magpakatatag. Ginawa na po namin ang lahat, pero... hindi kinaya ng baby niyo. Patawad po."
IM SORRY!!
---
"Hey, love... okay lang ba ang suot ko?"
"Alam mo, love, kahit anong suot mo, napakagwapo mo pa rin,"
---
"Putangina mo! Shota ko yan!"
"Hoy! Tama na!" sigaw ng babaeng nasa gilid, sinusubukang umawat.
"Tama na, Vince! Tangina naman!" sabi pa ng isa pang kasama.
--
"ALLIANA!!! sigaw ni Menandro. Pawis na pawis na nagising ito, hawak ang dibdib at hingal na hingal, tila habol ang kanyang hininga. Ramdam pa rin niya ang bigat ng panaginip, ang sakit sa boses ni Alliana, ang desperasyon sa kanyang mga mata, at ang dugong nagmarka sa kanyang mga kamay.