CHAPTER 18

763 28 3
                                    

The next day..

Nagising si Alliana at napansing wala sa tabi niya ang binata. Kinapa niya ang cellphone at tiningnan ang oras, saka unti-unting bumangon. "Ah, grabe, ang sakit..." reklamo niya habang iniinda ang hapdi. Napatigil siya nang mapansin ang isang sulat sa lamesa.

"Hey, baby... take this medicine :") . I made breakfast for you. Make sure to eat before heading to your shoot. I love you, and thank you for last night-you were amazing, baby."

Napangiti ang dalaga sa mensahe ng kanyang kasintahan at dahan-dahang tumayo, naglakad papunta sa kusina.

--

"Good morning, sir!" bati ng mga staff sa lobby. Ngumiti naman pabalik si Marshall dito.

"Grabe, ang hot talaga ni sir..." bulong ng isa sa mga staff sa gilid.

"Ang swerte talaga ni Ms. Alliana," dagdag pa ng isa.

Pagdating ni Marshall sa opisina, sinalubong siya ng kanyang assistant na si Rubi, na may hawak na ilang dokumento.

"Good morning, sir Marshall!" bati ni Rubi, sabay abot ng mga papeles. Napansin niyang mukhang magaan ang mood ni Marshall ngayong araw. "Mukhang masaya kayo ngayon, sir," may halong biro niyang sabi.

Ngiti lang ang sinagot ni Marshall, hindi maitago ang alaala ng gabi nila ni Alliana. "Oo naman, Rubi. Magandang araw ngayon." Naupo siya sa kanyang desk at binuksan ang mga dokumento sa kanyang harapan. "Ano bang schedule natin para sa araw na ito?"

"Well, sir, meron po kayong meeting mamayang 10 AM kasama si Mr. Tan para sa finalization ng contract proposal.

--

"Good morning sa aking gwapong anak!" Bumukas ang pinto at bumungad ang ama niyang si Don Rodolfo. Nagulat si Marshall at agad na tumayo. "Papa!" ngumiti siya at niyakap ang kanyang ama.

"Iwan mo muna kami Rubi." Utos nito sa Sekretarya, tumango at agad na umalis.

"Well, mukhang masaya ang gising ng anak ko. Magkaka-apo na ba ako?" Inakbayan siya ni Don Rodolfo, may ngiti sa labi.

"Papa, kasal muna bago tayo makarating sa ganyang usapan," sagot ni Marshall, sabay ngiti.

"Aba, kailan ba ang kasal? Gusto ko na magka-apo, Marshall. Tumatanda na kami ng mama mo."

Ngumisi si Marshall. "Mamaya, magpo-propose na ako kay Alliana. Kapag pumayag siya, bukas na bukas din, kasalan na agad!" biro niya.

"Good! Ako na ang bahala sa lahat. Ang kasal niyo ang magiging pinakamaganda sa buong bansa," sabik na sagot ni Don Rodolfo.

Nagsalin si Marshall ng alak at iniabot sa ama. "Nga pala, anak, may okasyon daw ang pamilya Tan. Ipapakilala nila ang bagong CEO ng Charlotte Folk Company. At balita ko, may signing contract siya sa atin?"

"Yes, papa. May meeting kami mamayang 10 a.m.," tugon ni Marshall.

"Good," sabi ni Don Rodolfo, ngunit may maingat na tono. "Pero Marshall, ingat ka. Balita ko, napakaganda ng anak ng mga Tan. Baka magka-ano ka-"

"P-Papa!" mabilis na putol ni Marshall. "Hindi ako ganun. Si Alliana lang ang mahal ko." Tumikhim siya at uminom ng alak, may bahagyang ngiti habang iniisip ang nalalapit na proposal.

--
Nakarating si Alliana sa studio para sa bagong endorsement niya para sa kumpanya ni Becky Tan. Isang malaking kompanya ito, kaya't excited siya sa pagdating niya.

"Good morning, Miss Arceta," bati ng isang staff, at ngumiti siya bilang tugon.

Pinagbuksan siya ng security bago tuluyang makapasok sa studio.

"MY MARSHALL" ( MIKHAIA )Where stories live. Discover now