CHAPTER 36

643 35 9
                                    

I recommend listening to the music while reading
"MULI BY ZACK"


Continue..

Nang makaalis si Marshall sa venue, dumeretso siya sa isang bar, binabalak na ibuhos ang sama ng loob sa alak. Halos sampung bote na ang kanyang nainom, at ang bartender ay nag-aalinlangan na siyang bigyan pa dahil nagsisimula na siyang magwala.

Hawak ang isang bote ng whiskey, nagsasayaw si Marshall sa gitna ng bar, wala na sa sarili at lubos na lasing. Isang babae ang lumapit at bigla siyang hinalikan. Sa sobrang kalasingan, gumanti siya ng halik at tila nawala sa katinuan, yakap-yakap na ngayon ang babae.

"Putangina mo! Shota ko yan!" galit na sigaw ng isang lalaki bago ito sumugod at sinuntok si Marshall. Napahiga si Marshall sa sahig at pilit na tumayo, ngunit agad siyang kinuyog ng tatlong lalaki at pinagsusuntok sa sikmura at mukha. Nababalot na ng dugo ang mukha ni Marshall habang ang mga tao sa paligid ay nagsisigawan. "Hoy! Tama na!" sigaw ng babaeng nasa gilid, sinusubukang umawat. "Tama na, Vince! Tangina naman!" sabi pa ng isa pang kasama.

Dahil sa dami ng taong nakapalibot, hindi agad makapasok ang bouncer. Napilitan itong magpaputok ng baril upang tumigil ang away. Nang tumigil ang mga lalaki, wala nang malay si Marshall sa sahig kaya't agad siyang dinala ng bouncer sa ospital.

---

Samantala sa kabilang bahagi naman sa loob ng venue, kung saan tuloy-tuloy lang pagdiriwang. Si Don Rodolfo naman ay hindi ito mapakali. Kilala niya ang anak at alam niyang may matinding pinagdadaanan ito. Biglang nag-vibrate ang kanyang telepono. Pagkabunot nito mula sa bulsa, nagulat siya nang makitang tawag ito mula sa telepono ni Marshall.

📞

"Hello? Magandang gabi po..." boses ng isang babae ang sumalubong, ikinagulat ni Don Rodolfo.

"Sino ka? Nasaan ang anak ko?"

"Sir! Ito po ba ang pamilya ni Mr. Menandro Marshall Lim?"

"Ako ang tatay niya! Sino ka ba?" Halos nanginginig si Rodolfo sa kaba.

"Sir, ang anak niyo po ay nasa St. John Hospital, kasalukuyang isinugod sa ER dahil nasaksak po siya."

Halos mabingi si Rodolfo sa narinig. Napansin iyon ng kanyang asawang si Ofelia at ni Don Elmundo, na agad na nagtanong, "May problema ba, hon?"

"Si Marshall... isinugod sa ospital! Tara na!" Halos naglulupasay si Ofelia. "Ano? Diyos ko! Ang anak ko!"

Nagmamadaling lumabas ang mag-asawa, at tinawagan ni Rodolfo ang mga kaibigan ni Marshall, sina Jake at Cole, upang ipaalam ang nangyari. Si Don Elmundo naman ay natulala sa narinig, at agad napansin ni Alliana ang pagmamadali ng pamilya Lim palabas.

Sa di-kalayuan, nakita niya si Becky, kasama ang mga bodyguards, na nagmamadali rin. Hindi na nagdalawang-isip si Alliana at nagtanong, "Ano'ng nangyari?"

"Hindi ko rin alam hija, pero nagmamadali ang pamilya Lim sa paglabas."

Biglang may tumapik sa balikat ni Alliana. Paglingon niya, si Jeremy iyon. "Alliana, nasa ospital daw si Marshall. Nasaksak siya at nasa ER ngayon."

"Ano? Saan?" tanong niya, gulat na gulat.

"Sa St. John Hospital."

Wala na siya sa sariling takbo palabas, iniwan si Charles sa loob, at agad na sumakay sa sasakyan. "Sa St. John Hospital! Bilisan mo!" utos niya, halos lumuluhang nagmamadali.

"Marshall, I'm sorry. Sana maayos ka..." bulong ni Alliana sa sarili, habang tuloy-tuloy ang luha.

---

"MY MARSHALL" ( MIKHAIA )Where stories live. Discover now