CHAPTER 9

945 43 5
                                    

Gabi ng pagkikita..

Pinayagan si Alliana ng ama niyang lumabas, pero kasama dapat ang kanyang fiancé na si Eddie. Wala naman siyang pake kahit na kasama si Eddie, kaya't nagpunta silang dalawa sa Xylo Bar. Pagdating nila, agad na umorder si Eddie ng bucket ng beer. Hindi alam ng marami na isa pala itong party boy, kaya't natuwa si Alliana-perfect timing sa gusto niyang gawin.

Habang tumatagal, nagiging mas relaxed na si Alliana, medyo tipsy na at sumasayaw na sa gitna ng dance floor habang nakatingin lang si Eddie sa kanya. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alliana, may isang lalaking nakamasid sa kanya mula sa counter.

Maya-maya, nagpaalam si Eddie na magbabanyo. Tumango lang si Alliana, hindi pinansin ang pag-alis nito. Pagkalipas ng ilang minuto, naramdaman niyang may bumubulong mula sa likod niya.

"Alliana, dito lang pala kita makikita." Malamig ang boses ni Marshall.

Napalakas ang paghinga niya, at nang lingunin niya ang lalaking bumulong, nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya akalain na sa ganitong sitwasyon pa sila magkikita ulit-lalo pa't iniiwasan niya itong makita.

"Marshall," aniya, nanunuyo ang lalamunan, "anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin, Alliana. Bakit mo ako iniwan sa ere?"

Habang nag-uusap sila, palabas na si Eddie ng banyo, pero naharang siya ng isang babaeng nagkakainteres sa kanya simula pa nung pumasok sila ni Alliana. Samantala, si Alliana ay tuloy pa rin sa pagsayaw, tila walang pake kay Marshall.

"Alliana," sambit ni Marshall, may diin sa kanyang boses pero pabulong. Hinila niya si Alliana palapit sa kanya. "Please, sumama ka na sa akin, Alliana."

Napahinto si Alliana, tila hinihintay kung ano ang susunod na gagawin ni Marshall. Sa isip niya, gusto niyang sumama, pero paano ang mga magulang niya at ang plano para sa kasal?

"Please, Marshall, let's just dance," bulong ni Alliana. "Kailangan ko lang kalimutan ang lahat, kahit sandali lang." Humarap siya kay Marshall, nakapulupot ang mga braso sa leeg nito.

Pero alam ni Marshall na lasing si Alliana at hindi tama ito. Nagdesisyon siyang buhatin siya palabas ng bar. Nagpumiglas si Alliana, ngunit hindi niya ito magawang pigilan. Isinakay siya ni Marshall sa kotse, mabilis na umalis sila.

Sa gitna ng gabi, huminto si Marshall sa isang tahimik na lugar. Pinagmasdan niya si Alliana, ramdam ang bigat ng nararamdaman, at sa isang hindi mapigilang sandali, dahan-dahan niyang inangkin ang mga labi nito.

Sa bawat halik ni Marshall, si Alliana naman ay parang nauuhaw, isang pananabik na hindi niya mapigilan. Niyakap niya si Marshall nang mahigpit, pinulupot ang mga braso sa leeg nito habang magkahalong emosyon ang gumugulo sa kanyang isipan. Sa kabila ng pagdududa, hindi siya nag-atubiling sumabay sa nararamdaman.

Hingal si Alliana habang hinila niya si Marshall papunta sa backseat, na ikinagulat naman ng binata. Ibang-iba ang Alliana na nasa harap niya ngayon-mas tiwala sa sarili, mas mapusok.

"Alliana..." mahinang bulong ni Marshall, na nakatingin sa dalaga habang unti-unting tinatanggal ang kanyang damit. Ang init ng sandali'y naging dahilan para makalimutan niya ang lahat ng alinlangan.

"Marshall, please..." bulong ni Alliana habang muling inaangkin ang mga labi ng binata. "Ibigay mo na sa'kin ang lahat."

Hindi na nagdalawang-isip si Marshall at sinunod ang kagustuhan ni Alliana, ang bawat paghinga nila'y puno ng pananabik at damdaming matagal nang kinikimkim.

Hinayaan ni Alliana na angkinin ni Marshall ang buong pagkatao niya. Ramdam niya ang init na bumabalot sa kanyang katawan, isang damdaming hindi na niya kayang pigilan. Ang mga kamay ni Marshall, na marahang dumadampi sa bawat bahagi ng kanyang katawan, ay lalo pang nagpasidhi sa nararamdaman niyang pagnanasa. Bawat haplos ay parang apoy na nagpapalalim sa init ng sandaling kanilang pinagsasaluhan, at sa bawat segundo, lalo pang nawawala si Alliana sa kontrol ng kanyang damdamin.

Marahas na hinubad ni Alliana ang damit ni Marshall, ngunit bigla silang napahinto nang may kumatok sa bintana ng kotse. Nagkatitigan sila, parehong gulat at humahabol ng hininga. Agad kumalas si Alliana mula sa pagkakahiga, itinulak si Marshall, at nagmamadaling nag-ayos ng damit.

"Bilisan mo," bulong niya, kaba sa boses habang pilit na sinusuot ang sariling blouse.

Si Marshall naman ay tila natataranta, mabilis na dinampot ang kanyang shirt at isinusuot ito, nagtataka at hindi pa rin makapaniwala sa biglaang pagkakatigil ng kanilang sandali.
.
.
.
.
.
Haahaha e surprise kita babe syempre 😄
Sisirain ko ang utak mo..

"MY MARSHALL" ( MIKHAIA )Where stories live. Discover now