Part 1 Happy Birthday Prof

1.1K 33 20
                                    

Part 1 "Mr. X Obsession"

Vester's POV

Four years have passed;

Mula nung iniwan ako ni Ken wala akong ibang ginawa noon kundi umiyak at mag mukmok. Umasa akong gusto nya 'ko, but I realized na katawan ko lang ang gusto nya. Bakit nga ba kasi ako umasa na mamahalin nya ako, I'm so stupid at all!

Kasabay pa nun ng palayasin ako ng step mom ko sa sarili kong bahay, no matter what I begged, they did not listen to me. Maging sasakyan ko ay hindi nila binigay sakin. I'm just 22y.o wala akong kakampi nung mga panahon na yun, wala akong laban sa kanila,
durog na durog ako. Nag stop narin ako sa pag-aaral.

I am always at my bar dito narin ako laging natutulog, halos ako na ang nakakaubos ng mga alak, natuto narin akong manigarilyo. Until one day hindi na'ko makapasok sa sarili kong bar, nalaman ko na benenta pala ito ni kuya.

I haven't done anything, kundi ang umiyak at mag wala. Wala na sakin ang lahat, ang bahay ko, ang company, pati ang bar na nag sisilbing tahanan ko. Buti nalang talaga hindi kinukuha sakin ang card ko, kung nag kataon ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

Marami akong pinagdusahan, pinag hirapan, halos hindi narin ako nasasaktan sa tuwing nabubogbog ako sa mga bar na napupuntahan ko, my life seems to have no destination.

___

Sa kabila ng lahat nang nangyari sa buhay ko, naisipan ko parin na mag aral ulit.

Nag enroll ako sa dati kong school. Sa Oasis North Academy, gusto ni dad na dito ako mag tapus. Ito nalang ang pangako na pwede kong matupad sa mga hiling ni dad.

Kumuha ako ng maliit na dorm malapit sa school para hindi na 'ko sasakay, lalakarin ko nalang. At least may matutuluyan ako araw-araw. Condo sana ang kukunin ko kaya lang ay baka maubusan ako ng pera sa sobrang mahal ng condo dito, tuition ko palang sobrang mahal na. Hindi ko alam saan ako kukuha ng pera pag naubos laman ng card ko, but I guess matagal pa maubos ang 3Million bago ako mamulubi.

Sinusubukan kong mag hanap ng trabaho just in case na maubusan ako ay marunong na akong kumita ng sarili kong pera, pero walang tumatanggap sakin dahil mukha daw akong maarte at anak mayaman.

Fuck this life!

I'm 26y.o now pero parang wala parin kasiguradohan ang takbo ng buhay ko. At my age madalas akong mapagalitan ng head Proffesor namin, kung hindi sa bar ay sa school ako napapaaway.

Tulad ngayon, suspended na naman ako ng one week. Nakita kasi ng guard ang pocket knife sa bag ko at isang kahon ng cigarettes.

Nasa pinaka taas ako ngayon ng building ng school namin, I wanted to end my fucking! useless! life!

Pumikit ako at ready ng tumalon,

"Hey stop!! anong gagawin mo?" sigaw sakin ng lalaki, bigla nya akong hinila kaya bumagsak ako sa kanya. Parang tumigil ang takbo ng oras ng mag kalapit ang labi naming dalawa. Inangat ko ang mukha ko at tinitigan ko sya.

"Oh my god prof! I'm sorry." mabilis akong umalis sa ibabaw nya, tinulungan ko naman syang tumayo. Nakayuko lang ako I know sesermonan na naman nya ako.

"Bakit ba gustong gusto mong mamatay huh? ilang beses ba kitang pipigilan??" tanong nya sakin, napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam anong isasagot ko, lagi nya kasi akong pinipigilan sa tuwing mag papakamatay ako, he always saved me.

"Ahm prof uwe na po ako." yumuko ako at lumakad, natigilan ako ng hawakan nya ang braso ko.

"Nasugatan ka oh, halika gamotin natin." he said, hindi na 'ko nakatanggi ng bigla nya akong hilain.

Mr. X Obsession Where stories live. Discover now