Part 5 "Mr. X Obsession"
Vester's POV-
Ngayon ang flight ni Cullen, nalulungkot ako and at the same time masaya dahil walang pipigil sa mga gusto kong gawin. Sa loob ng two weeks malaya akong magagawa ang mga gusto ko, namiss ko mag bar.
4am ginising nya 'ko dahil isasama nya daw ako sa airport, pinag bihis nya narin ako ng uniform para deretso na daw ako sa school.
"Mon chèri, let's go?" Tumango ako at sumunod sa kanya, hindi ko maiwasan na titigan sya. Ito ba yung 31y.o? parang 19 lang. He is very handsome in his airport outfit.
Nag lakad kami palabas ng bahay, ngayon ay nasa labas na kami ng gate.
"Prof sino hinihintay natin?" tanong ko, dahil hindi nya nilabas ang sasakyan.
"Si Ken, siya daw kasi mag hahatid sakin sa airport." Wtf! bakit yun pa!?
"My driver ka naman di'ba, or ako nalang mag hatid sayo? I can drive naman eh." saad ko, humarap naman sya sakin.
"Ok lang Mon chèri, nag offer narin kasi si Ken. Basta ingatan mo sarili mo huh, habang walang ako." Ngumiti lang ako sa kanya, he held my hands at inabot nya sakin ang isang card.
"Prof ano 'to?" tanong ko, I know this card dahil meron ako nito. Paubos na nga lang ang laman.
"Pwede mo gamitin yan, you can buy anything you want. Except sa alak at sigarilyo." He said
"No, I can't accept that prof. May pera pa naman po ako." Saad ko, binalik ko sa kanya ang card.
Halos pinipilit nya akong tanggapin ang card pero tinanggihan ako, sobra sobra na ang mga ginawa nya para sakin, ni hindi ko manlang masuklian lahat ng kabutihan nya. Sa gitna ng pag tatalo natigilan kami ng dumating si Ken.
"Tagal mo bro." saad ni Cullen habang pinapasok ang kayang maleta sa likod ng sasakyan ni Ken.
"Late lang nagising." saad nu Ken
Nakayuko lang ako, ayokong tumitingin kay Ken.
"Mon chèri, pasok na." saad ni Cullen, binuksan nito ang pinto
"Papasok ako ng school diba? sakay nalang ako ng taxi papunta dun." saad ko, alam kong si Ken nalang ang kasama ko pabalik pag sinama nya pa ako sa airport.
"Mon chèri, 7:30 pa pasok mo. Sama ka nalang pag hatid sakin, please." He said, fuck! bakit ba hindi ako makatanggi sa taong 'to! Wala akong ganang pumasok ng sasakyan, pag upo ko nag tama ang mga mata namin ni Ken mula sa salamin ng sasakyan nya. Umiwas ako ng tinggin pag pasok ni Cullen.
"Ok na ba?" tanong ni Ken sa malalim na boses,
"Oo bro, tara na." saad ni Cullen, umandar ang sasakyan. Hindi ako mapakali parang gusto ko ng tumalon.
"Mon chèri, tanggapin mo ng 'tong card, don't worry hindi mo naman kailangan bayaran ang magagastos mo." shit! akala ko, ok na yung kanina, hindi talaga sya titigil. Tinanggap ko nalang ang card ayokong makipag talo pa sa kanya.
"Nga pala si Ken muna bahala sayo habang wala ako, nag usap na kami nyan." nanlaki ang mga mata ko sa narinig, tang*na ano ako bata para iwan kahit kanino!? kaya ko naman sarili ko kahit pa wala sila!!
"Hindi mo 'ko kailangan iwan sa taong yan, may bahay naman ako eh dun nalang ako kesa makasama ko ang di ko kilala."
"Mon chèri, nakita ko ang mom at kuya mo sa labas ng bahay nyo mukhang hinahanap ka, diba ayaw mo na silang makita? pag nadatnan ka nila dun sasaktan ka lang nila. Ikaw lang naman iniisip ko, mabait naman 'to si Ken wag kang mag alala, ok?" hawak-hawak ni Cullen ang kamay ko habang kinakausap ako. I know na worried lang sya sakin, ayoko rin naman na makita pa ang mga yun, wala silang ibang ginawa kundi ang saktan ako. Ayoko rin naman makasama si Ken!
YOU ARE READING
Mr. X Obsession
FanfictionPlease read "I'm In love With My Criminal" before reading this story.