Episode 32 Part 1:Biggest Decision

108 8 0
                                        

Maloi's POV:

Flashback

Ngayon ay kausap ako ni Dad,kinakabahan ako
kasi kakaiba ang paraan ng pagtitig niya sakin nakakatakot eh,Napatigil nalang ako ng magsalita na si Dad "Maloi" Malamig na tono ni Dad natatakot
ako sa mga mata niya namumula ito halatang galit na galit siya ano kaya ang ginawa ko?
Bakit ganito ang mukha niya kakaiba talaga

"B-bakit po dad?" Kinakabahan ko'ng tanong

"Ano ito?" Tanong niya sabay pakita ng mga pictures sa akin napalunok naman ako ng laway
ng makita ko si Colet at ako na naghahalikan dun sa picture

"Sa dinami dami ng tao sa mundo babae pa talaga loi? ITO PA ISA PA'NG VERGARA ALAM MO BA KUNG ANONG KAPAHAMAKAN ANG DINALA MO SA AKIN? GUSTO MO BA'NG MAPAHAMAK TAYO?" Galit na sigaw ni dad na naging dahilan ng pagbaba nila kuya Jay at ate Jade at ni tita Jadeline at ako naman ay nakayuko na

"Dad bakit po?" Takang tanong ni ate Jade pero hindi siya pinansin ni Dad

"MALOI KAILANGAN MO SIYANG IWASAN NGAYON DIN KUNG HINDI.... " Putol na saad ni Dad at napatingin na ako sakaniya na umiiyak "Ipapapatay ko ang Munting Vergara na yan" Mahinahon niyang saad pero may halong pagbabanta niyakap naman ako nila Kuya Jay at Ate Jade

"Dad naman oh kahit ito lang pwede po ba"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman ko

"Nagmamakaawa ka na sa akin?" Saad ni Dad at tinignan ako ng napakatalim

"Dad please lang po gusto ko po'ng maging masaya kahit ito nalang po, Kinuha mo na po ang pangarap ko para sa kompanya hindi mo rin po ako pinapakanta at ni isa hindi mo po ako pinayagang makipaglaro kaya please lang po kahit ngayon lang po hayaan mo akong maging masaya" Pagmamakaawa ko at nakita ko namang nakapikit na si Dad nagulat naman ako ng bigla niya akong sampalin

"Dad?!!" Galit na sigaw nila Ate Jade at kuya Jay habang si tita Jadeline naman ay tumatawa ng tahimik

"WALA KA'NG KARAPATANG MAGING MASAYA DAHIL IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAWALA ANG NANAY MO IKAW ANG DAHILAN NG KANIYANG PAGKAMATAY KAYA HABANG BUHAY KA'NG MAGDUDUSA" Saad ni dad habang hawak na ang kwelyo ng damit ko

"Tama na po yan dad" Pagmamakaawa ni Ate Jade habang umiiyak ngayon ay yakap-yakap naman siya ni kuya Jay para patahanin

"Ngayon sabihin mo sa akin na lalayuan mo na ang LINTIK NA COLET VERGARA NA YAN" Sigaw pa ni Dad at tumango lang ako habang umiiyak "Mapagsasabihan ka naman pala eh" Saad nibDad at umalis na habang nakabuntot naman sakaniya si Tita Jadeline

Agad naman akong niyakap nila Ate Jade at kuya Jay at sinusubukan akong patahanin pero hindi ko magawa "Maloi dapat hindi mo na sinabj yun"
Saad ni Kuya Jay

"Pano eh lahat nalang ng mga bagay na makakapagpasaya sa akin kinukuha niya dahil pilit niya akong sinisisi sa pagkamatay ni Mommy kahit hindi ko naman sinasadya" Saad ko

"Naiintindihan kita Maloi kaya ikaw Jay wag ka nalang magsalita" Pagsaway ni Ate Jade kay Kuya Jay at tumahimik naman ito

"So anong plano mo basta mo nalang ba iiwasan si Colet nang hindi man lang sinasabi ang dahilan?"
Tanong ni Kuya Jay na pumukaw ng atensyon ko

"Siguro po kuya" Sagot ko

"Loi mas mabuti sana kung sasabihin mo nalang sa kaniya kesa naman sa pagpaalalahanin mo yung tao, baka magtaka siya kung sinaktan ka ba niya o nagkamali ba siya at baka maliitin niya ang sarili niya" Saad naman ni Ate Jade

Diary Season 1-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon