Episode 97:Trouble

17 3 0
                                    

Ngayon ay tumahan na si Maloi kaya naman agad na silang umalis nang nakalabas na sila ng Building nagulat sila kasi nasa labas ng building si Flaire hawak hawak ang iba nilang kasamahan na sila Jm, Ehra, Lakiesha, Aiah, Gwen at Stacey at ang iba pa nilang mga kasamahan na pulis

"Magaling ka din talaga Reign pinabilib mo ako hindi ko yun inaasahan hindi ako makapaniwala na nagawa mo ako'ng linlangin napakagaling nang plano mo!" Saad Ni Flaire habang pumapalakpak

Flashback:

(Reign all plans)
-

Ang plano ni Reign ay una may magpapanggap bilang sila Ehra, Lakiesha, Gwen, Aiah, at Stacey at sila ang obligado sa paghahanap kila Maloi samantala sila Jm naman at ang kasamahan nitong Pulis ang magsasabi sa kanila kung saan nakatago ang mgabkalaban para hindi magtaka sila Flaire magpapanggap na nahuli ng tauhan ni Flaire ang isa sa pinakamagaling na pulis at sa oras na mahuli siya magiiwan siya ng Isang device sa pader na kung saan magbibigay ito ng impormasyon sa buong building na iyun namang aasikasuhin ni Carla si Carla ang naka assist sa mga Sulok sa building at kung ilan ba ang tauhan ang meron ang isang sulok

Pagkatapos nun siyempre makikipaglaban sila kay Flaire at sa oras na mahanap na nila sila Maloi eh hihintayin muna nilang makapasok ito ng ligtas sa Van kasama nag iba pa at sila namang natira ay kakalabanin si Flaire

Yun lang naman ang buong plano ni Reign pero naagrabiyado dahil nahuli nila Flaire sila Jm
-

Ang tanong pano?

Habang nagsusugal ang ibang tauhan ni Flaire ay nakaupo lang siya malapit sa mesa at nagaantay na may tumawag sa kaniyang tauhan dahil na babagot na siya agad siyang pumunta sa kaliwang building kung nasaan sila Gwen nakita niya ito na naghahalungkat ng gamit kaya agad niya itong pinahuli

Agad niya namang ginamit ang Isa sa nahuli niya para tawagan sila Reign at sabihing Dun nalang daw sila sa labas magkita-kita na kung saan nakahanda na ang mga tauhan ni Flaire kaya ayun sila Reign na set-up

End of Flashback

"Laban lang naman ito sa pagitan nating dalawa 'di ba? Flaire dinamay mo na ang kapatid ko'ng si Ate Maloi kaya tigilan mo na ito 'wag mo na silang idamay kung gusto mo akong suntukin sige 'wag ka lang mandamay ng mga inosenteng tao" Matapang na wika ni Reign tinutukan naman siya ng Baril ni Flaire kaya napataas siya ng Kamay

Dahan-dahan namang lumapit si Flaire kay Reign at bahagyang tinaas ang damit nito at tinignan kung may bullet proof ito pero nang makita niyang wala napangiti siya "Hindi mo na ako mauuto sa bullet proof mo!" Pagkatapos sabihin ni Flaire ang salitang yun bigla niya nalang sinuntok ang tiyan ni Reign nang napakalakas dahilan upang mapaubo ito ng dugo

"Reign!" Nag-aalalang wika ni Carla lalapit na sana siya kay Reign ng bigla siyang tutukan ng Baril ni Flaire sa ulo napataas naman ng Kamay si Carla at wala nang nagawa kundi tumayo lang samantala hawak pa din ng mga tauhan ni Flaire sila Gwen at ngayon inutusan niya itong kunin pa ang iba pa'ng kasamahan ni Reign

"SABING 'WAG MO SILANG IDAMAY EH!!!!!!" galit na sigaw ni Reign nagukat dun sila Ehra, Lakiesha, Carla at Jm Dahil First time palang nilang nakita na magalit nang ganun si Reign ang pagkakakilala kasi nila kay Reign ay Ambivert na tao minsan Masaya Oa o Extrovert Minsan naman tahimik Kj nonchalant o Inrovert hindi nila nakitang magalit o pagtaaasan man lang sila ng boses ni Reign kaya ngayong nakita nila ang ganitong Reign tumaas ang kanilang balahibo

"Ayyy patawad Reign, Wag ka nang magalit diyan pwede ba?" Mapangasar na wika ni Flaire kay Reign sinenyasan niya naman ang mga tauhan niya at na lalaki nagulat naman si Reign kasi bigla itong ngumiti sa kaniya at hinalikan ang leeg niya ng mga ito nagpupumiglas naman si Reign habang umiiyak naman sila Maloi at walang magawa kundi ang panoodin ang ginagawang pang ha-harass kay Reign

"Pu*ang***!!!!!" Sigaw ni Carla at bigla nalang siyang may tinapon na isang bagay na pa box bigla naman iting sumabog at nagkaroon ng usok agad naman nilang tinakpan ang ilong nila kaya nagkaroon ng Tyansa si Reign na Gumalaw nagulat si Flaire ng may marinig siyang mga sigawan galing kay Reign akala niya dahil ito sa mga tauhan niya pero laking gulat niya nang makita niya si Reign na punit-punit na ang damit at may hawak na kutsilyo,Kitang-kita sa itusra ni Reign ang pagiging seryoso bigla niya namang kinuha ang kaniyang panyo at itinali ito sa kaniyang ulo

"Intersex din si Ate Reign?" Gulat na tanong ni Lakiesha kay Ehra napatango nalang si Ehra at tiningnan si Reign na napaka seryoso na ang itsura napanganga naman sila Jm at Carla ng makita ang ganda ng hubog ng katawan Ng dalaga o binata?

"Alam niyo ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung may hahalik sa akin gusto ko ako yung humahalik at hindi ko gusto na lalaki ang gagawa nun meron na akong napili at wala kang karapatng magdesisyon kung sino yun dahil hindi naman kita kaano ano kahit pa magulang kita wala ka pa ring karapatan dahil buhay ko to!" Mahinahong Wika ni Reign napalunok naman ng Laway si Carla sa nakita niya

"Grabe talagang ibang-iba siya sayo ate Maloi mas higit na nakakatakot siya kumpara sayo at mas malakas din siya kumpara sayo!" Saad naman ni Sheena na natulala na dahil sa nakikita niya

"Reign Ngayon ko lang nakita ang ganiyan mo'ng itsura napaka-seryoso ginaganahan tuloy ako" Masayang wika ni Flaire halata sa itusra niya ang pagiging ganado niya pero wala lang ito kay Reign nagulat naman ang lahat ng bigla nalang tumakbo si Reign at hinawakan ang Kwelyo ni Flaire sa bilis ng takbo niya hindi na nagawang makawala ni Flaire

"Ang liksi mo din kailan mo pa yan natutunan?" Nagtatakang tanong Ni Flaire "Nakakinis ka!!!! Alam mo ba na ito yung unang beses na may humalik sa Katawan ko?!!!!!" Galit na sigaw ni Reign pero tinawanan lang siya ni Flaire kaya naman mas hinigpitan niya pa ang paghawak kay Flaire kahit mas matanda sa kaniya si Flaire ng Sampung taon nagawa niya pa din iting buhatin gamit ang isang kamay dahil sa taglay niyang lakas at tangakad

"HINDI KO GUSTO ANG MGA LALAKING YUN NA HALIKAN AKO DAHIL HINDI NAMAN SILA SI CS!!!!!!" Sigaw pa ni Reign nagulat naman ang kahat sa sinabi ni Reign napatingin naman si Maloi kila Carla at tinanong kung sino yung Cs na tinutukoy ni Reign

"Ehra, Lakiesha, Jm at Carla sino yung Cs?" Nagtatakang tanong ni Maloi napailing naman ang tatlo samantala natulala naman si Carla

"Baka alam po ni Carla kasi silang dalawa ni Reign ang Close eh!" Wika ni Ehra at napatango naman si Lakiesha tinignan ni Maloi si Carla at bigla nalang itong natulala nakatingin lang ito kay Reign kaya sinigawan niya na ito umiling naman si Carla pero nagtaka pa din si Stacey

"Carla anong tunay mo'ng pangalan?" Out of the Blue na Tanong ni Stacey tinignan naman siya nila Aiah na para ba'ng sinasabi nilang Anong klaseng tanong yan?

"C-carla!" Nauutal na sagot ni Carla lalapitan sana ni Stacey si Carla pero pinigilan siya nung tauhan kaya wala na siyang nagawa

"Carla.....?" Paguusisa naman ni Jhoanna Talagang bagay kayo kasi pareho kayong usisera Umiling naman si Carla at natahimik na dahil dun nagdesisyon silang huwag nalang kulitin ang bata dahil ayaw naman nitong sabihin

"HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD!!!!!!!" Galit na sigaw ni Reign at bigla nalang siyang nagpaputok sa langit ng Tatlong beses kaya naman napasigaw na sila Maloi, Sheena, Stacey at Aiah habang umiiyak si Maloi naman at Sheena ay gusto nang matakpan ang kanilang tenga pero hindi kasi hawak ng tauhan ang kanilang mga kamay habang sila Stacey at Aiah naman ay natulala na dahil sa takot

"Grabe naman ang galit mo ganun na lamang ba talaga ang iyung nais na si Shane ang unang makahalik saiyo?" Pangaasar ni Flaire at dahil dun naubo si Carla sa kaniyang Narinig (Hahaha Carla Don't worry ibang tao ka na dito -Hailey)

"Huwag mo akong pagtawanan perket hindi ka nagustuhan ni Tom dinadamay mo na ang Love life ko?!!!!" Dahil sa sinabi ni Reign natigilan si Flaire at natahimik kaya sa pagkakataong yun si Reign naman ang tumawa

"Shane? So ang C is ano? basta C stand for blank and S stand for Shane?" Nagtatakang wika ni Jhoanna natawa naman si Stacey at nawala na ang takot niya kasi mas binibigayan pa ng atensyon nang kaniyang jowa ang pagkilala sa tinutukoy na babae nila Flaire at Reign na dapat ang unang halik ni Reign

"Grabe mas abala ka pa diyan hoy tignan mo nga kung anong klaseng sitwasyon ang meron tayo ngayon" Seryosong wika ni Stacey at natawa naman si Jhoanna habang si Sheena naman ay nagiisip na din

"Oo nga Carla may kambal ka ba?O baka ang tunay mo'ng pangalan ay Carla Shane?" Nagtatakang tanong ni Sheena

Diary Season 1-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon