Episode 9:Cupcake

31 3 0
                                    

Colet:Alam mo Maloi kung masakit ang tyan mo o ano pa man magsabi ka saming mga kaibigan mo bakit?Kasi kaibigan mo kami

Sakit naman nung kaibigan, Kaibigan lang ba talaga Colet?

Maloi:Sige salamat ulit
Colet:May binili din pala ako,Bagong flavor to oh tikman mo(Sabay harap sakin nung Donut na para bang gusto  nyang subuan ako)
Colet:Sige na

Wala na akong nagawa kundi ang tikman ang pagkain,nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang bibig ko May dumi raw kasi

Gosh ang ganda ng labi niya gusto ko na tuloy i-kiss,Maloi it's not the right time

Colet: masarap bah?
Maloi:Ah oo,Sa totoo lang parang favorite ko na din Toh(Kasi sinubo mo sakin)
Colet:Talaga?Buti naman at nasarapan ka,Ayyy bumili din pala ako ng Juice bumili na ako ng Chocolate at Mango
Maloi: Cho-colet nalang
Colet:Hindi ako kasali noh
Maloi:Hahahhaa
Colet:Sige akin na ang Mango kasi parang Ma-loi
Maloi:Ikaw ha bumabanat ka na rin
Colet: Siyempre
Maloi:Tanong ko lang kilala mo ba si Cupcake?
Colet:San mo naman siya nabalitaan?
Maloi:Masasabi ko lang sayo andito siya sa University nakikita mo siya at minsan mo na ring nakausap
Colet:Kung ganun kilala mo siya?
Maloi:Yes, kilalang-kilala
Colet:Sino?
Maloi:Secret muna yun Cupcake
Colet:So bakit mo ako tinatawag na Cupcake?Ikaw ba si Cupcake at saan mo ba yan nabasa o narinig sakaniya ba mismo?At pano mo naman nalaman na ako talaga ang taong yun?
Maloi:Alam mo kung makapagtanong ka akala mo Ai yung kinakausap mo eh noh?Hoy hinay-hinay din pag May Time pero wag na pala nagpapakapagod ka lang kasi hindi ko naman sasagutin ang lahat ng Tanong mo kahit pa isa lang magmakaawa ka na diyan at mag tumbling walang mangyayari
Colet:Loi naman

Hindi mo ko madadaan sa mga pacute mong yan ok?

~Time Skip~
  5 days After

Adviser:Ok Class alam kong alam niyo na ang nagyari tungkol kay Prof Michael kaya ngayon ako at si Prof Chua ang makakasama niyo ngayong oras lumabas na kayo at magp-p.e. tayo

Ng sabihin yun ng Adviser namin agad na nagsigawan ang mga kaklase ko lahat naman talaga kami natutuwa kapag P.E. na siyempre Oo malalaki na nga kami at gaya ng sinabi ko malalaki na kami wala na kaming oras maglaro kaya na-miss din talaga namin ang Childhood namin

Ngayon nasa labas na kaming lahat alam ko ang mangyayari dito pero hindi na ako sigurado ko'ng ganun pa ba talaga ang mangyayari kasi nga tuluyan ko na itong nabago ang tanong pano?
At saan o kailan ko to nabago?

Gwen:Tulala ka ata Ate Maloi?
Maloi:Ahh wala inaantok pa kasi ako eh
Mikha:Same
Aiah:Ano ba kayo gigising din yang mga kaluluwa niyo promise
Adviser:Ok ngayon ang Boys ay sasama kay Prof Chua
Prof Chua:Ok Boys wag kayong malikot ang makikita kong malikot ay bibigyan ko ng Grades na 75 at papaluin ko din,bukod dun kinakailangan niya ding mag push-up ng 20 Times
Boys:Grabe naman yan sir
Prof Chua:I'm serious kaya wag kayong basta Basyang maglalaro diyan tara na
Adviser:At para naman sainyo Girl's ganto lang naman yan,Pipili ako ng Anim na babae Randomly at meron akong anim na papel dito 1-6 ang nakalagay sa number
Kaye:Ok po maam
Adviser:First Gwen,Second Aiah Third Kaye,Fourth Maloi,Fifth Jho and lastly Sixth Hannah

Patay nagbago nga diba ako yung Six?
At agad namang bumunot ang lahat ng hindi natawag

Stacey:ANO?!!!!Lord sa dinami-daming tao si Jho pa talaga?
Jho: Nagrereklamo ka pa diyan dapat ka ngang magpasalamat kasi mabubuhay kita eh
Stacey:Hatdog mo
Jho:Hoy wala ako niyan
Stacey:Gaga
Maloi:Sino'ng nabunot mo Shee?
Shee:Ok lang naman yung nabunot ko mabait kasi si Ate Gwen eh
Gwen:Oh
Hanah:Sino nakabunot sakin?
Z:Ako
Kaye:Sakin?
Mae:Ako
Maloi:Lord
Aiah:Out May Chance ang Macolet ko
Maloi:Kunware ka pa gusto mo lang kasing maging kakampi si Mikhs eh
Mikha:Hoy
Colet:Hahahaha
Jho:So Number Reveal naman dyan oh
Stacey:Kaya nga
Colet:Ok (Agad na pinakita ang number at ang nabunot niya is Number 2)

Oh my God Tuluyan na ngang nagbago ang hinaharap Ano na ang gagawin ko?

(The Numbers)

Z:6(Hannah)
Mae:3(Kaye)
Shee:1(Gwen)
Stacey:5(Jho)
Mikha:4(Maloi)
Colet:2(Aiah)

Adviser:Ok meron na tayong partners so ngayon ang kailangan nalang nating gawin is mag warm-up kailangan niyong ma i-stretch ang mga katawan niyo bago sumabak sa mga laro
Maloi:I'm Ready na
Mikha:Ok Loi ganto Jogging muna tayo
Maloi:Ah sige
Mikha:Next Jumping Jack naman ang gawin natin

————————————————————
Colet's POV:

Hindi ako maka-focus sa pag wa-warm-up kasi abala ako sa pagtitig kila Maloi ganun din naman si ate Aiah eh,hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng Galit Nagseselos ba ako? Bakit naman ako magseselos eh wala namang Kami?

At mas umapoy ang aking ulo ng makita ko'ng hinawakan ni Mikha ang Kamay ni Maloi parang gusto ko na talagang ihagis ang malaking estatwa na to kay Mikha eh

Jho:Parang May naaamoy ako
Stacey:Ay naaamoy mo din?
Gwen:Ang alin?
Shee:Ano ba'ng naamoy niyo?
Jho:Nangangamoy Selos
Stacey:Kawawang nilalang nagseselos kahit wala namang karapatan
Gwen:Ouch
Shee:Lagot kayo
Colet:Ready na ako Ma'am

Nagliliyab na ang damdamin ko ngayon tatalunin kita Mikha Malalagot ka sakin hinawakan mo pa talaga ang Kamay eh noh?
Teka nagseselos ba talaga ako?

Aiah: Gawin natin ang lahat Colet
Colet:Oo
Adviser:Ready Start Go

Agad ko'ng binuhat si Ate Aiah at tumakbo ng napakabilis nakita ko naman si Mikha na buhat-buhat si Maloi at hawak-hawak pa talaga ang kamay ni Maloi ah,Hindi pa talaga nakontento agad ko namang binilisan ang pagtakbo kasi gusto kong matalo sila Mikha

Papatunayan ko sayo Mikha nako ang panalo oo hawak mo nga ang kamay niya ngayon pero pansamantala lang yan malalagot ka sakin sa oras na ako ang manalo hinding-hindi mo na yan magagawa pa kailan man

At sa wakas kami nga ni Aiah ang nanalo

Aiah:Ang galing mo Colet apakabilis mo'ng tumakbo
Colet:Siyempre ako pa
Mikha:Nice one boss (Sabay Alok ng Shake Hands)

Akala mo tatanggapin ko yan?
Siyempre tinalikuran ko siya agad naman akong nag warm-up para sa next naming laro hindi pa tayo tapos Mikha nag-uumpisa palang tayo at ito na ang senyales na kailangan mo ng maghanda

Habang inaayos ko ang Sintas ko nagulat naman ako ng biglang umupo sa tabi ko si Maloi

Maloi:Bakit parang galit ka kay Mikha ano bang nangyari?
Colet:.....

Ayaw parin kitang kausapin pinayagan mo talaga si Mikha na hawakan ang kamay mo?

Maloi:Kausapin mo naman ako ilang araw na tayong hindi naguusap ok?
Colet:So?
Maloi:Ang sungit mo naman sakin (Sabay hawak sa kamay ko)
Colet:Bakit kamay ko ang hinahawakan mo?Andiyan naman si MIKHA oh (Sabay Walk-out)
Mikha:Bakit?

Galit na galit talaga ako sainyong dalawa ni Mikha kaya sorry nalang kasi tatalunin ko kayo ngayon,hindi ako magpaparaya at hinding-hindi ko rin kayo pagbibigyan na makuha ang 1st Place

Humanda na kayo sa inyong pagbagsak ako ang magiging dahilan ng inyong pagbagsak

Pero teka bakit ba talaga ako nagkakaganito?Hindi naman ako ganto dati 'di ba?So anong dahilan kung bakit ko to ginagawa at nararamdaman?Selos naba talaga ito?Maloi ano ka ba talaga sakin?Gano ka ba kahalaga sakin?At bakit mo ko nabibihag?

Diary Season 1-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon