Episode 89:The Art Contest

12 1 0
                                    

📌This Picture is from Pinterest credit to the real owner

"Sabi nila si Ate Maloi daw ang kasali sa Art Contest pano nayan bukas na ang art contest?" Nag-aalalang tanong ni Jhoanna kumakain kami ngayon ng Tanghalian at iniisip kung ano Ang gagawin namin sa nalalapit na event kasi karamihan dun si Maloi ang kasali lalo na sa Art contest

"Pwede sana ako kaso kasali naman ako sa essay Contest!" Wika ko naman at napailing nalang wala na kaming maisip kung sino ang ilalaban namin sa Art contest kasi si Maloi lang naman talaga ang mahilig mag drawing sa amin marunong naman ako kaso hindi naman ako kasing galing ni Maloi eh

"Kung ok lang po sa inyo pwede po ako!" Pagrerepresenta ni Reign kaya napukaw ang atensyon naming lahat Oo nga pala marami na silang drawing ni Reign

"Oo pwede si Reign magaling siyang mag drawing atsaka magkapatid naman sila ni Maloi kaya tiyak na kaya niyang palitan ang ate Niya!" Pagsangayon ko nagulat naman sila sa sinabi ko

"ANO KAPATID MO SI MALOI?!!!!" gulat na tanong nila Mikha tumango nalang ako at si Reign naman ay nakangiti lang

"Hehe sorry kung ngayon ko lang sinabi maging din naman ako nagulat at hindi makapaniwalang si Ate Maloi pala ang nawawala ko'ng kapatid!" Nahihiyang wika ni Reign habang kumakamot sa kaniyang ulo

"Sa bagay may hawig naman talaga kayo ni Maloi at minsan din nga napagkakamalan kitang si Maloi lalo na kapag nakatalukod ka kadalasan kasi pareho kayo ng galaw!" Pagsangayon ni Ate Aiah at tumango naman kami Kahit din naman ako eh

"Pero 'wag kayong mag expect ng malaki ahh hindi ko kayang ibigay ang trophy sainyo hehe!" Nahihiyang wika ni Reign kaya naman tinignan siya nila Carla ng matalim

"Kahit kailan talaga apaka sinungaling mo noh! Ang galing-galing mo kayang mag drawing!" Inis na saad ni Carla kay Reign

Diary Season 1-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon