At dahil nga napapatagal na kami ni Colet nakapag desisyon na nga kaming dalawa na bumalik na, At pagkabalik namin nakita naming nagtatawanan na ang lahat habang sila Jhoanna at Stacey hindi pa din matigil sa pag aaway
Aiah:Ohhh, Mabuti at naisipan niyo pang bumalik
Kunwareng Gulat na tanong ni Ate Aiah, Habang nakahawak kay Mikha
Mikha:Musta boss? Mukhang nadakip ka ni ate Maloi ahh
Panga aasar naman ni Mikha at agad ko namang iniwas ang paningin ko sa kaniya ng maalala ko kung anong ginawa namin ni Colet
Stacey: Jhoanna naman kasi eh, Sabing Pink ang bilhin mo eh
Narinig naming galit na saad ni Stacey kay Jhoanna na hawak-hawak na ang Phone niya
Jhoanna:Bumili nga ako ng Pink, Para nagpabili lang ako ng isa pa at kulay Blue para Couple tayo
Bigla namang natahimik si Stacey dahil sa sinabi ni Jhoanna at bahagya pang namula ang pisngi niya na ikinatuwa ko naman
Stacey:H-huh? Parang Hindi naman tayo bagay
Nauutal na wika naman ni Stacey habang si Jhoanna pa tawa-tawa lang, Pero deep inside kinikilig na siya hahaha
Jhoanna:Ok sabi mo eh
Kunwareng pagpayag na saad naman ni Jhoanna na agad namang ikinalingon ni Stacey. Nagulat naman kami kasi biglang kinurot ni Stacey si Jhoanna nang bigla itong ngumingiti sa kaniyang Phone
Stacey:At sino na namang babae yang binibilog mo gamit ang mga Pogi typings mo na yan abir? Aba malapit ka na talagang makulong dahil sa pambababae mo
Galit na panenermon ni Stacey kay Jhoanna agad naman akong napailing kasi Parang Girlfriend lang eh noh?
Sheena:Ito naman si ate Stacey kung makaasta parang Girlfriend, Hayaan mo na yan at isa pa maghanap ka na lang din ng lalandiin mo para hindi ka mainggit
Bahagya naman kaming natawa ni Colet Dahil sa sinabi ni Sheena habang si Stacey panay lang at irap at si Gwen? Walang nakahawak na sa kaniyang sintido habang umiiling
Gwen:Bebe kung ano-ano na ang pinagsasabi mo, Hayaan mo nalang sila at baka sampalin ka pa ni Stacey ng Cellphone Case niya na Color Pink
Pag suway naman ni Gwen kay Sheena at agad namang nag peace sign si Sheena kay Stacey na agad namang ikinailing ni Stacey
Aiah:So Guys May plano ba kayong ganap for todays vid?
Dahil dun agad na napukaw ang lahat nang atensyon namin, Lahat kami nakatingin na ngayon kay ate Aiah habang si Mikha wala panay lang ang ngiti habang pinagmamasdan ang kamay ni Ate Aiah na nasa bisig niya
Mikha:Gala naman tayo guys. Para naman may bonding din tayo
At dahil dun agad na nag ingay si Jhoanna, Pasigaw sigaw pa siya kaya naman agad siyang sinuntok ni Stacey pano ba naman kasi nasa Cafeteria kami tapos ang ingay ingay niya baka pagalitan na naman kami katulad nung nasa Library kami
Stacey:Kapag tayo napagalitan na naman ng dahil sayo malilintikan ka talaga sa akin
Pagbabanta ni Stacey kay Jhoanna at akma sana itong susuntukin pa ng isa ng biglang mag pout si Jhoanna kata umirap lang si Stacey at bumaling nalang sa amin
Gwen:Maganda yun Mikhs. Pero saan naman?
Tanong naman ni Gwen na talaga namang napaka halaga kaya naman natahimuk na kaming lahat para sa pagiisip ng mga pwedeng puntahan
Sheena:Ate Maloi at ate Colet ano sa tingin niyo? Ang tahimik niyo kasi kaya kayo nalang ang mag decide
Dahil dun bahagya kaming nagulat ni Colet pero napangiti din naman kami kasi si Sheena na yun eh, Baka ano pang gawin niyan kapag hindi kami pumayag
Me and Colet: Sleep Over nalang tayo guys
Agad naman kaming nagkatinginan ni Colet sa isa't isa ng mapagtanto naming pareho ang sinabi namin, Bahagya ko namang tinaas ang isa kong kilay para naman hindi mahalata nila ate Aiah na kinikilig ako
Ene be
nanakainesh naman kashi ehh
Ang pangit ko pala kiligin?
Aiah:Aba ano to, Chemistry Check?
Pang aasar naman ni ate Aiah na agad ko namang kinairap pero tinawanan lang talaga nila ahh, Ang kapal talaga
Mikha:So yun na nga, Dahil nagsabay ang ating Macolet Yun na ang gagawin nating bonding, Ang tanong... Kanino?
Dagdag na tanong naman ni Mikha agad naman akong napangiti at agad na tinaas ang isa ko'ng kamay para mag volunteer
Maloi: Sakin nalang na Condo
Colet:Sakin nalang malaki yun
Sabay na pag volunteer namin ni Colet na naging dahilan ng pag taas ko ng isa ko'ng kilay at agad ko naman siyang tinarayan
Maloi: Gaya-gaya talaga ang isa diyan
Galit na pagpaparinig ko kay Colet kaya naman agad niya akong hinawakan at hinarap sa kaniya ang lapit na ng mukha namin baka ano pa ang sabihin ng iba kaya bahagya akong umatras
Colet:Pinaparinggan mo ba ako?
Galit niyang tanong habang ako pinipigilan na ang pagtawa ko kasi napaka seryoso ng itsura Grabe In Character pa din si Colet
Maloi:Nag drop ba ako ng Name? Di ba hindi? Kaya kung natamaan ka edi sorry
Pang aasar ko'ng tanong kay Colet nakita ko naman ang itsura niyang galit na galit kaya napa smirk ako, Pero medyo kinabahan ako kasi ng tumingin ako sa mga mata niya napaka seryoso ng mga mata niya at halatang galit nga
Teka sineryoso niya ba?
Aiah:Tama na nga yan magpapatayan na kayo sa titigan niyo'ng yan eh
Mabuti na nga lang at agad kaming pinagsabihan ni ate Aiah kasi kung hindi, Hindi ko na alam ang mangyayari pero ng tignan ko si Colet hindi nakawala sa mga mata ko ang nakakaloko niyang ngiti
Sheena:Hay ano ba yan parati nalang may gulo sa COF natin, Wala ng bago. Basta sa Sabado ahhh mag s-sleep over tayo para walang away kila ate Maloi muna and sa Linggo naman kay ate Colet na
Agad naman kaming tumango sa sinabi ni Sheena habang kami ni Colet nagpapalitan pa din kami ng nakakamatay na tingin, Panigurado ako kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa kami nakabulagta dito ni Colet
Hmm Ano kaya ang pinaplano nito?
May kakaiba sa kaniya eh
At ng matapos na nga kaming kumain agad na nga kaming nagkahiwalay, Kasi may time pa naman sila ate Aiah at Mikha naglakad lakad muna habang sila Gwen at Sheena pumunta sa Dance troupe Room kasi gusto raw mag tiktok ni Sheena kasama si Gwen, At sila Jhoanna at Stacey pupunta muna sa Mini Mall kasi bibili na ng Damit si Colet pumunta ng Library at ako dumeretso nalang ako sa Classroom kasi wala naman akong gagawin pa
BINABASA MO ANG
Diary Season 1-2
Любовные романыThe story of two women who were dog and cat at first but became closer because of their Diary
