Episode 36:Reporting?

203 7 1
                                        

Colet:Nakakainis ka anong oras na ohh, Kanina pa tunog ng tunog ang alarm mo hindi ka pa din nagigising

Panenermon pa sa akin ni Colet Nanay ko ba to?

Pano ba naman kasi ako gigising ko'ng napaka ganda naman nang panaginip ko?

Colet:Hoyy kanina ka pa diyan tulala, Tulog pa ba ang kaluluwa mo? Mamaya na ang Reporting natin kaya gisingin mo na

Agad naman akong napa irap sa sinabi ni Colet, Puro ba naman kasi Reporting kinakausap lang kasi ako ng tao na to kapag tungkol sa Reporting na talaga namang nakakainis

Kapag hindi na tungkol sa acads dedma nalang tong si Colet, Sa panaginip ko lang talaga to nabibiro eh. Kapag hindi niya pa din ako kinausap na hindi tungkol sa Acads hindi ko na siya Crush, Promise

Colet:Maloi ayos ka lang ba?Mukhang may masakit ata sayo, Sorry kung sinigawan kita kanina ahhh

Mahinhin at malambing na pangangamusta at paghingi ng tawad sa akin ni Colet na talaga namang naging dahilan ng pamumula ng pisngi ko

Hindi na talaga kita Crush!!!!

MAHAL NA KITA!!!!

Ackkkk, Kinikilig esophagus ko,

Anti ko!!!!

Maraming salamat at nabuhay ka,

Mga Tao sa mundo maraming salamat at nabuhay kayo

Colet:Ayos ka lang ba namumula ka na? May sakit ka ba?

Tanong ulit sa akin ni Colet pero hindi ako makapagsalita dahil sa kilig na nararamdaman ko agad naman siyang lumapit sa akin at hinawakan pa ang noo ko habang nagmamaneho

Maloi:Wag mo na akong alalahanin nagmamameho ka ohh, Baka ma aksidente pa tayo niyan

Pagpigil ko sakaniya nakita ko naman ang pag pout niya kaya naman agad ko'ng pinisil ang pisngi niya at hinalikan ito

Maloi:Wag na tampo ang Anger ko na yan

Naka babytalk ko'ng Pang aasar kay Colet akaka ko nga magagaliy siya ngunit nagulat ako kasi bigla siyang ngumiti at kinuha ang isa ko'ng kamay at hinalikan ito

Colet:Mamaya nalang po kita lalambingin Aking Coquette Girl

Agad na namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Colet

Bumabawi ba siya?

Bakit naman siya nagkakaganito?

Hmmm Inaasar kaya ako nito?

Sinasadya niya ba?

Or...

Ahhh basta kuhang-kuha mo na ako Vergara

Tigilan mo na ok??

Ma'am Mendez: Ms Vergara at Ms Ricalde Why you're late?

Isang nakakatakot at nakakamatay na tingin ang bumungad sa amin ni Colet ng makarating kami sa School pagkakita niya sa amin agad niya kaming binigyan ng Napaka Talim na tingin at isamg nakakamatay na tanong

Colet:S-sorry po ma'am, Na flat po kasi yung Kotse ko kaya natagalan pa po kami ni Maloi, Malayo din po kasi ang bahay nila dito eh

Pagrarason naman ni Colet agad ko naman siyang tinignan at agad niya naman akong kinindatan pero napaka bilis lang nun kasi walang nakakita nun kundi ako lang,

Pero yung sinabi niya, Siyempre hindi yun totoo kasi hindi naman talaga yun ang dahilan eh

Flashback:

Diary Season 1-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon