Episode 98:Good bye Flaire

18 3 0
                                    

“Hay Naku Reign hindi ka pa rin nagbabago akala ko nagbago ka na akala ko hindi na ikaw ang dating Reign na ubod ng bait na takot manakit ng tao pero ngayon napagtanto ko na hindi ka pa nagbabago at yun ang kahinaan mo!” Pagkasabi nun ni Flaire agad niyang tinapakan ang paa ni Reign kaya naman binitawan na siya nito at pinulupot niya naman ang kaniyang braso sa leeg ni Reign at tinutukan ng Kutsilyo

Agad namang hinawakan ni Reign ang braso ni Flaire na nakapulupot sakaniyang leeg at humahanap ng Bwelo bago niya ito paikutin na naging dahilan ng pag sigaw ni Flaire nagulat naman si Reign kasi bigla nalang sumigaw si Carla agad siyang napatitig doon at hindi alam na sasaksakin na pala siya ni Flaire buti nalang nakaiwas pa siya

Habang naglalaban sila Reign at Flaire nakaisip ng paraan si Colet pano siya tatakas sa pagkahawak nung lalaki sakaniya agad niyang hinawakan ang kamay nito at pinaikot din matapos niyang makalaya ay agad niyang sinuntok ang lalaking nakahawak kay Maloi at dahil dun tinutukan sila ng Baril ng tauhan ni Flaire

“Kuya Co------Justin!!!!” Madudulas na sigaw ni Reign at itinapon ang isang baril agad naman yung kinuha ni Colet at tinutukan ang mga tauhan ni Flaire habang hinahawakan niya si Maloi bilang pag protekta

“Wag ka'ng mag-alala diyan Maloi pro-protektahan kita!” Wika ni Colet habang nakayakap naman sa braso niya si Maloi Nagtataka naman si Maloi dahil hindi niya nakita ang peklat ni Justin sa braso niya may peklat kasi si Justin sa kaliwang braso nito at dahil dun labis na lamang ang pagtataka ni Maloi kaya bahagya siyang umatras at lumayo kay Colet

“B-bakit?” Nagtatakang tanong ni Colet hindi niya alam na hindi na naniniwala sakaniya si Maloi na nagdadalawa na siyang isip na kung dapat niya ba'ng pagkatiwalaan ang Justin na ito o hindi

“Wag Ka'ng lalayo baka mapahamak ka!” Nag-aalalang tugon ni Colet kay Maloi pero patuloy pa din ito sa paglayo dahil sa nababaling na ang atensyon ni Colet kay Maloi unti-unti nang nakkaalapit ang mga tauhan ni Flaire sa kanila habang hinihigpitan naman ng ibang tauhan ang pagkapit sa iba pa nilang kasamahan

“W-wala yung Peklat mo, May peklat sa braso ang totoong Justin tauhan ka ba ni Flaire?” Nagtatakang tanong ni Maloi bakas sa kaniyang mukha ang takot nginitian naman siya ni Colet at hinawakan ang kamay

“Maloi makinig ka hindi nga ako ang totoong Justin pero mapagkakatiwalaan mo ako isa ako sa mga tauhan ni Reign na naatasang magpanggap bilang si Justin Fiebos at isa sa tungkulin ko ang tulungan ka ngayon 'wag-----” Hindi na natapos ni Colet ang sasabihin niya kasi bigla nalang siyang tinamaan ng katawan ng baril sa batok napahawak naman siya sa kaniyang batok at iniinda ang sakit nito pero nawalan pa din siya ng makay susugurin na sana nubg mga lalaki si Maloi pero bigla nalang silang nabaril

Flashback

“Ahh!!!!” Sigaw ni Carla inapakan kasi nung lalaki ang paa niya dahil naman sa sigaw niya napatingin sa direksyon niya si Reign at akmang sasaksakin na sana ni Flaire pero mabuti nalang at nakaiwas siya dito

Habang nililibot ni Carla ang paningin niya sa paligid na halata niyang may binabalak si Colet kaya nung nakatakas ito at nakilaban sa iba pa'ng tauhan agad na kinuha ni Carla ang maliit na kutsilyo na nakatago sa Jacket nito at ginasgasan ang kamay nung lalaki napasigaw naman ang lalaki sa ginawa ni Carla para masiguradong ligtas ginawa niya itong hostage at habang abala sila Colet at Maloi sa paguusap sila Reign at Flaire sa paglalaban ay....

Agad siyang kumuha ng isang ilaw na at pinindot niya ang button nito kaya naman bigla nalang ito nagbigay ng isang nakakasilaw na liwanag na naging dahilan upang makaligtas ang iba pa, Nang makita naman ni Carla na may susugod kay Maloi hindi na siya nagdalawang isip na kunin ang tinagong baril sa kaniya ni Reign at pagbabarilin ito

End of Flashback

“Hoy Jus---- Hindi kita kilala pero gumising ka diyan!!!!!” Wika ni Maloi habang niyuyogyog si Colet na nawalan na nang Malay dahil sa malakas na pagtama ng baril sa kaniyang batok labis ang nararamdamang pag-aalala ni Maloi at Takot dahil sa napahamak pa ang lalaki (Babae) sa ginawa niyang hindi pagtiwala dito

“Huwag ka'ng magaalala ate Maloi magiging ok din si ate Co-----este si Kuya!” Wika naman ni Sheena at muntikan pang madulas mabuti nalang at hindi na nagtanong pa si Maloi at binantayan nalang ang lalaki (babae) nagulat naman sila kasi bigla nalang sumugod ang mga tauhan ni Flaire kaya wala na silang nagawa kundi ang labanan ang mga ito nagulat si Maloi ng makita niyang nakikipaglaban na din sila Stacey, Aiah at Sheena hindi niya kasi alam na marunong ito sa pakikipaglaban

Ilang minuto din ang lumipas bago magising si Colet ramdam pa din niya ang sakit ng kaniyang batok naging masaya naman si Colet ng makita ang nakangiting Itsura ni Maloi “Ayos ka na po ba kuya?” Nagaalalang tanong ni Maloi kay Colet tumango naman si Colet habang nakahawak pa din ang kamay niya sa batok nito

Isang lalaki sana ang sasaksak kay Maloi at mabuti na lamang at nabaril pa ito ni Colet pero dahil naman dun natakot na ang Dalaga hindi niya kasi lubos maisip na makakarinig siya ng ganun kalakas na putok ng Baril dahil na din sa lapit nito sa kaniya

“Pagpasensyahan mo na kung nagpaputok ako sa tabi mo Alam ko'ng magdudulot yun sayo ng Trauma pero kayang kaya niyo po yang labanan malakas po kayo eh!” Wika naman ni Colet nagpaoanggap na siya na tauhan ni Reign kaya naman Todo nalang ang pag po niya sa dalaga

“Ang dami ko nang ginagawang pagpapanggap nung una si Justin ngayon naman isang tauhan lord hindi ko na po talaga alam Identity ko!” Wika naman ni Colet sa kaniyang isipan at naka pout naman ito

“Hahaha ang cute mag pout ni kuya parang si Colet hay na kiss ko na tuloy Uyab ko!” Natatawang Wika naman ni Maloi sa isipan niya at tinitignan lang si Colet hinsi niya naman mapigilang matulala ng bigla nalang may kumuha sa kaniya at hinila siya papunta sa gitna hindi niya naman mapigilang sumigaw at dahil dun nakuha ang atensyon ng lahat at natigil sa pakikipaglaban

“Shi* anonong ginagawa mo Colet?!!” Galit at pangsisisi ni Colet sa sarili niya agad naman siyang tumayo kaya tinutukan siya ng baril nung lalaki nagulat naman ang lahat ng bigla nalang tumawa ang lalaki na nang hostage kay Maloi

“Hay naku napakaabala niyo kasi kaya ayan tuloy nagawa ko tuloy makuha ang munting Ricalde na ito!” Wika niya sa pangbabaeng boses at bigla nalang hinila ang kaniyang buhok at nagulat naman sila Colet nung bigla nilang nakita si Flaire napalingon naman sila sa kalaban ni Reign at hinila din nito ang kaniyang buhok at bumungad sa kanila ang isang Lalaking Moreno at matangos ang ilong na may kulay berding mata

“Ikaw alisin mo ang make-up mo kung hindi papatayin ko to!” Nagulat naman si Colet sa sinabi ni Flaire at mas nagulat siya nung itinutok sa kaniya ni Flaire ang baril napaturo nalang siya sa sarili niya dahil hindi niya alam kung susundin niya ba ito o hindi

“Oo alisin mo ang maskara mo alam ko na hindi yan ang tunay mo'ng itsura kaya alisin mo yan kundi papaputukin ko to sa ulo ng babaeng ito!!!!” Pagbabanta ni Flaire kay Colet agad namang binitawan ni Colet ang baril niya at tinaas ang dalawa niyang kamay dahan-dahan niyang hinihila ang kaniyang buhok ng bigla nalang mag salita si Reign

“Ano ba ang maitutulong ng tauhan ko kapag inalis niya ang maskara niya? Magkakaroon ka ba ng immortality at Ginawa mo pa talagang gamitin ang kaligtasan nang aking kapatid makita lang ang tunay na itsura at wangis ng aking Tauhan? Ganyan ka na ba talaga kadesperado Flaire?Akala ko ba matalino ka? Baka nga akala ko lang iyon!” Dahil sa sinabi ni Reign bigla nalang nagpaputok ng Limang beses si Flaire sa langit na agad namang ikinasigaw ni Maloi at tinakpan na niya ang kaniyang tenga dahil natatakot na talaga siya ng Sobra

“Tumahimik ka diyan Reign at baka gusto mo'ng patayin ko to'ng kapatid mo?” Pagbabanta naman ni Flaire kay Reign agad namang binitiwan ni Reign ang baril, kutsilyo at ano pa mang armas ang meron siya itinaas ang kaniyang dalawang kamay na nagpapahiwatig ng pagsuko pero nagulat na lamang si Flaire nang bigla itong kumalabit sa isang Wire at ginamit ito upang makarating sa likod niya nag paputok pa siya nang ilang beses nung nasa ere si Reign pero walang bala ang tumama, Nung matagumpay na nakarating si Reign sa likuran ni Flaire hindi na siya nagdalawang isip na pagbabarilin ang likuran nito kaya naman nabitawan na nito si Maloi agad namang niyakap nila Aiah si Maloi na umiiyak na dahil sa takot na nararamdaman nito

Diary Season 1-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon