📌This Picture is from Pinterest credit to the real owner
Kinabukasan
Abala na kami sa paghahanda naglagay kami ng mga secret protection Wow secret protection Para naman hindi talaga kami masyadong masaktan ouch siyempre mahahabang damit ang suot namin para matakpan ito at kahit pa manipis ang suot namin hindi pa rin nahahalata ang nilagay naming proteksyon
"Wow naman Staks nasa isang Seryosong sitwasyon na nga tayo tapos nakapink at crop top ka pa diyan?" Pangaasar na wika ni Ate Aiah natawa naman si Stacey at umirap
"Aba dapat lang Pink is my life you know!" wika naman ni Stacey kaya nagtawanan sila agad namang tumigil ito ng biglang magsalita si Reign
"Bago na ang plano natin" Nagulat ang lahat sa sinabi ni Reign maging ako naman Ang bilis naman magbago ng isip to "Natatandaan niyo ba si Faith? Hindi siya ang tunay na Faith sigurado ako'ng kasama niya si Ate Maloi ngayon isa yun sa tauhan ni Flaire meron kasi yung make-up artist na nagagawang gayahin ang itusra ng isang tao na parang siya talaga about naman sa boses ng tao at galawan nun eh meron siyang Device na ginagamit ang paraan lang para malamang peke yun ay ang kaniyang mata kasi kung dry ito isa lang ang ibig sabihin nun Cctv camera yun kaya ko tinapon ang tubig kasi meron siyang iniwang Mini Camera dun para irecord ang plano natin ngayon dahil kunti lang naman tayo sinabi ko na kaya ko nalaman ang technique na yun dahil pinakita yun sakin ni Flaire kaya 'wag na kayong mag reklamo pa diyan"
"So ngayo ano na ang gagawin natin?" Tanong ko napangiti naman si Reign kaya agad na kumunot ang noo anong klaseng tao ba to nagagawa niya pa'ng ngumiti sa ganito'ng klaseng sakuna Nakakatakot pala ang kapatid ni Maloi akala ko wala nang nakakatakot sa kaniya meron pa pala Hindi ko na talaga aawayin ang mga Ricalde
Ngayon ay nasa base na nila kami nandun na kami sa lugar kung saan ang binigay na location ni Flaire sa amin tatlo ang building dito pero nakalagay na Dito raw kami sa gitna kasi nandun daw sila
"Alam niyo na ang gagawin ok?" Narinig ko'ng wika ni Reign at tinakpan na niya ang mukha nila Ehra, Lakiesha, Aiah,Gwen at Stacey nung panyo bago sila umalis ganun pa man palihim silang umalis sa Van at nung umalis na ang mga pekeng sila agad na kaming bumaba
"Sigurado ka ba sa plano mo Reign?" Naninigurong Tanong ni Carla hinawakan naman ni Reign ang kamay niya at nginitian siya Lord sorry na po sadyang dictionary lang talaga po
Flashback:
"Ate Colet pakibigay nga sa akin nung Location?" Agad ko namang binigay ang Cellphone ko at napailing siya nung makita yun
"Ito na nga ba ang sinasabi ko tatlong building ang meron diyan sigurado ako dun sa Gitna na kung saan pinapapunta tayo ni Flaire ay andiyan ang mga patibong sigurado ako'ng wala diyan sila ate Maloi at malamang sa malamang nasa Kanang Building sila kasi hindi yun nabubuksan nang ganun kabilis Minsan ko na siyang sinundan diyan ng hindi niya alam kaya sigurado ako'ng magugulat siya dito, Tawagin mo ang mga pekeng tauhan!" Utos ni Reign kila Ehra at Lakiesha Ibang iba siya kapag usapang labanan na kitang-kita na seryoso talaga siya at mukhang wala to'ng pinapalampas
"Ganito ikaw pekeng Stacey, Aiah, Ehra, Lakiesha at Gwen sasama kayo sa amin at kayo namang mga tunay suotin niyo ito yan ang mga Costume ng mga tauhan ni Flaire magpapanggap kayong mga tauhan at pupunta kayo sa kanan at kaliwang building para hanapin si Ate Maloi siyempre kung sa kanan nga sila na kakulong siguradong nasa kabilang building ang susi kaya kayo na ang bahalang mag-isip ng paraan!" Wika pa ni Reign
"At kayo namang hindi ko nabanggit sasama kayo sa amin ni Ate Colet tayo ang maglalakas loob na pasukin ang Gitnang Building para harapin ang patibong at panganib na dala ni Flaire!" Tumango naman kami sa sinabi niya at napangiti naman ako
BINABASA MO ANG
Diary Season 1-2
RomanceThe story of two women who were dog and cat at first but became closer because of their Diary
