Episode 100:Sappy Ending

118 4 12
                                    

2400++ Words

(So Sad but this is the End kung may nahalata kayo sa Picture Edi kayo na!!!)

Maloi's POV:

Ilang araw na din ang Lumipas simula nung nangyari yung pagkidnap saamin at simula nung kinuha na nang mga nurse si Reign wala na kaming naging balita tungkol sa kaniya hindi namin alam kung saang hospital siya dinala kaya nalulungkot ako kasi hindi namin ma ilibing ang kaniyang katawan ng maayos

"ANO MAY KAPATID KA?!!!" Gulat na tanong ni Dad ikwenento namin sakaniya ni Colet ang lahat ang tungkol sa pagkatao ni Reign at kung pano siya nabuo "Hindi ko naman alam na nagkaroon pala ako ng anak kay Maricris hindi ko naman ginusto na mangulila ang anak ko sa pagmamahal at aruga ng isang ama ni hindi ko man lang siya nakita at nabati!"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Dad akala ko kasi nagtratrabaho dito sila Ehra bilang kasambahay "Dad naman 'di na naging kasambahay natin si Reign kasama siya nila Ehra lima silang nag apy!" Wika ko at nagulat naman si Dad dun

"Huh anong lima? Eh apat lang naman talaga sila eh si Carla,Ehra,Lakiesha at Jm sila lang naman ang naging Kasambahay natin kasi yung Reign na tinutukoy mo na anak ko pala eh busy sa school kaya hindi ko siya nakita!" Wika naman ni dad kaya naman niyakap ko siya

"Kumusta na pala kayo ni Colet ano na ang plano niyo niyan?" Tanong ni Dad nginitian ko naman siya at huminga nang malalim,Pumayag na kasi si Dad na bumisita dito si Colet simula nun araw araw na siyang pumupunta dito pero ngayon tinutulungan niya na sila aling Nie (Stephanie) sa pagluluto para na din naman mabigyan kami nang oras ni Dad na makapagusap kailan lang kasi eh abala itong si Dad sa kaniyang business kaya hindi na kami nakakapag kamustahan ngayon nalang talaga kasi wala naman na siyang gagawin eh

Ang totoo po niyan dad wala pa po kaming plano ngayon ni Colet gusto lang po namin magsimulang muli,Nagsisimula muna po kami sa pagiging magkaibigan lalo na po't hindi pa naayos ang Arrange Marriage desidido na po talaga ako dad na si Colet na talaga po ang papakasalan ko hindi ko na po gusting magpakasal sa iba pa kasi siya naman na po talaga ang nagpatibok sa puso ko ng ganito!" Sagot ko sabay ngiti

"Alam mo anak suportado na kita diyan kahit sino pa yan basta magiging masayabka ang akin lang naman kasi gusto ko yung mabibigyan ako ng apo para naman kahit papano may kalaro ako!" Pagbibiro naman ni Dad kaya natawa ako

"Ang totoo po niyan dad Intersex si Colet----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla naman akong tinignan ni Dad nang napakatalim yung paraang kakainin ka na niya ng Buhay

"Bakit nag chukchakan na ba kayo at nalaman mo yan?" Seryosong tanong ni Dad napa ubo naman ako sa sinabi niya at umiling Kahit totoo naman

"H-hindi po sinabi niya po sa akin sila po'ng apat nang kaibigan niya ang totoo nga po niyan si Reign intersex din siya eh!" Pagsisinungaling ko pa at napailing naman si Dad Gosh alam niya ba? Pano ko to lulutasan?

"Maloi anak magsinungaling ka na sa lahat 'wag lang ako so Mabibigyan mo na ba ako nang apo niyan?" Mapangasar na tanong ni Dad sa akin agad ko naman siyang hinampas ng mahina lang Siyempre baka sunduin pa ako niyan ni Reign eh

"Dad Oo na,Pero lasing naman po kami nun kaya hindi naman po namin yun sinasadya!" Pag amin ko pero napailing na naman si Dad Ano ba kasing gustong malaman nito? Grabe ka Dad

"Alam mo kahit sabihin mo pa'ng Lasing kayo hindi ka parin makakatakas sa katotohanang ginusto mo naman!" Dahil dun sa sinabi ni Dad naibuga ko tuloy ang Tubig na iniinom ko at naubo ng bahagya "Hindi naman ako nainform na may Dragon pala akong anak"

Diary Season 1-2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon