Chapter 9

90 3 1
                                    

Written By: Mysterious Diva

(Chris POV)

Pag-gising ko umaga na. Tumingin ako sa paligid nakita ko na wala yung alien na babae sa tabi kop. Asan naman kaya yun.

Pagbaba ko nakahanda na ang almusal. May kumatok sa may pintuan, agad kong binuksan. Tapos biglang may bumagsak pagbukas ko, “Huy! Ano nanamang nangyare sayo?!” sabi kop sakanya. Ayun nahimatay nanaman siya. Baka sinasadya nya lang yan. Nakakainis naman. Hindi sya sumasagot. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya, namumutla siya at tuyo rin ang labi niya.

Kaya no choice ako kundi buhatin siya. “Dapat hinde nalang ako pumayag na tumira dito eh.” Ayan nagsisi tuloy ako. Kinumutan ko siya, at lumabas ako ng kwarto. Pumunta ako sa baba, para kumain na. Pupunta nalang ako kila Grey ngayong araw, mababaliw ako sa babaeng yun..

Pagkatapos ko kumain, naligo muna ako, di ako nakapagpalit kasi wala naman akong dalang damit. Sumakay ako sa kotse ko, at nagpunta muna sa Condo ko. Nag-impake ako ng konting damit for 1 week lang. Hinde ko na yata kayang tagalan yung babaeng yun, at isa pa dapat hinde ako maawa sakanya.

Pagtapos kong mag-ayos ng damit. Dumiretso na ako kila Grey at Blue.. Tumawag muna ako para sure na.

“Pre, punta ako dyan..” sabi ko sakanila.

“Sige Pre, maraming chicks dito. You’ll ejoy them!”

“Magaganda ba yan?” sabi ko. Matagal tagal narin akong di nag-hahappy happy.

“Oo Pare!!! Si Eillyza andito, yung campus sweetheart Pre! Wild na wild!” sabi nya na halatang enjoy na enjoy. Kaya minadali ko yung pagmamaneho para makapunta na sakanila. Type ko yun so Eillyza. Di ko yun pinapansin dati, pero ngayon lagot ka sakin.

- - -

Pagpunta ko sa bahay nila, agad kong nakit ang mga babae sa loob, puro schoolmates at classmates namen to ah..

“Pre andito ka na pala, ambilis mo ah!” bati sakin ni Grey na halatang sabog na. Nakita ko na rin si Blue na nakikipaghalikan sa isang babae. Agad hinanap ng mata ko si Eillyza. Pero hinde ko siya Makita.

“Pre, gamitin mo to..” inabot saakin ni Grey yung sachet ng drugs, kinuha ko nalang. Pero wala akong balak gamitin.. Nakita ko si Liam, at di na ako nagtaka na babae ang kasama niya.

Kumuha nalang ako ng maiinom, katabi ko si Grey at Blue, binati ako ni Liam pero tinanguan ko lang siya. Galit parin ako sa ginawa nya, pwede naman kasi gumalaw siya ng babae, wag lang yung mga inosente.. Tsk..

Hinanap ko din si Cedrick, yung umagaw nung girlfriend ko. Nakita ko nga siya dun sa malayo may kasayawan. Bago nanaman yung girlfriend nya.

Uminom pa ulit ako ng alak, maya-maya lang may lumapit na sakin..

“Dark Prince…” she said in a seductive voice.

Tumingin ako dun sa mukha nya, “Eillyza Carbonelle…” hinde ko siya pwedeng di makilala, siya ang first love ko… at dahil narin sa kaduwagan ko nuon kaya hinde ko siya nagawang ligawan. Pero ngayon, hinde ko na pwedeng palagpasin ito..

“Chris..” nakainom na siya, at halatang may tama na siya. Umupo siya sa lap ko at sumasayaw sayaw siya. Niyakap ko siya. Eillyza, how I wish matagal ko ng ginawa to nuon.

“Pre, may kwarto dun, umi-score ka dyan..” sabi ni Grey. Nagdadalawang isip pa ko. Hinde ko yata kaya, ito ang magiging unang beses ko.. Kahit naman loko-loko ako, hanggang kiss at make-out lang ako.. Pero ngayon, parang di ko na rin kayang palagpasin ang pagakakataong ito.. Tinanong ko si Eillyza..

“Eilly, gusto mo ba?” hinde na siya sumagot sa halip. Hinalikan nya ako, gumanti naman ako.. Alam ko na ang gusto nya…

Agad ko siyang inalalayan sa may kwarto, parang di ko kaya.. Tinanong ko ulit siya, “Ayos lang ba sayo?”

“Gustong-gusto kita Chris, matagal na akong may gusto sayo.. Kaya please do it!” hinubad na niya yung damit nya. Kitang-kita ko ang ganda ng hubog ng katawan nya, pero parang hindi ko talaga kaya, naiisip ko nanaman si Ate..

Nilapit nya ang katawan nya saakin, inamoy ko yung leeg nya, mukhang di naman siya nakainom. So, nag-papanggap lang siya?

“C’mon Chris!” lumuhod na siya at nag-makaawa pa. Ayoko ng ganito, ayoko ng may nag-mamakaawang babae saakin.. kaya agad ko siyang tinayo… At hinalikan….

(Sammy’s POV)

Gabi na pala. Pumunta ako sa may terrace at nakita ko si Nard sa baba. “Sammy!” sigaw nya. Agad akong natuwa.

Bumaba ako at binuksan yung pinto, niyakap nya ako, at gumanti din ako, “Nard! Namiss kita!” kumusta na kaya sila? Tagal ko rin kasing nawala sa School.

“Miss narin kita. Ano ba kasing nangyare? Why are you absent these past few days?” pag-aalala nyang tanung. Sumimangot ako..

“Baka bukas papasok narin ako..” sabi ko sakanya. Hinila ko siya papuntang living room.

“Sino nga pala ang kasama mo dito?” tanung niya.

“Si Chris..” sabi ko.

“ANO?! O_____O” bigal siyang napatayo.

“Bakit? Pano?” sabi niya. Hindi parin siya makapaniwala.

“Wala naman sigurong masama, bahay ko naman ito. Iniwan na kasi ako ng mga magulang ko…” tanggap ko na iniwan na nila ako. Kaya naiiyak nanaman ako..

“Anung klaseng magulang sila??” –Nard. Hinimas nya yung likod ko, kasi naiiyak nanaman ako.

“Iniwan din ako ng Yaya ko.. Si Chris lang ang di nang-iwan saakin..”

“Ano? Di mo pa siya ganoon kakilala, baka mamaya may masamang balak yon sayo..”

Ngumiti ako at sumagot, “Alam kong hinde ganung tao si Chris..”

“Pero..” ngumiti nalang siya.

“Asan si Alexa?” tanung ko, namiss ko na rin siya sobraa.

“Hinde ko muna sinama. Magkikita naman kayo bukas..” napatalon ako sa tuwa. Papasok na talaga ako bukas, miss ko na talaga ang School ko!

“Sammy, gusto mo samahan kita dito?” sabi nya. Nagulat ako pero isa lang ang naging sagot ko..

“Nard, okay na ako kay Chris..” Okay na ako kasama si Chris, kasi yun naman ang misyon ko eh, yun kasi ang magsisilbing calling ko.

Parang nalungkot yung mukha ni Leonard, pero biglang ngumiti, “Sammy, pasok ka na bukas ah..” tumango ako. Niyakap nya ako, at niyakap ko din siya pabalik…

Hanngang sa biglang bumukas yung pinto, at nakita ko si Chris na masama ang tingin kay Nard.. O_________O

- - - - -

Enjoy! Vote and Comment po!

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon