Chapter 14

54 0 0
                                    


Chapter 14-Little Sister

Chris's POV

"Wtf! little sister?" natatawa-tawang sabi ni Blue. Gusto ko siyang kwelyuhan pero nag-pigil ako.

Hinila ko na lang palabas si Samantha. Di ko alam kung bakit ako naapektuhan sa sinabi niya pero I dismissed the thought. I don't care.

"Hey, big brother!" Tapos humahagikgik siya.

Ang cute..

Ah mukha siyang bata! "I'm not your big bro, wala akong kapatid na kagaya mo." Bigla namang lumungkot ang mukha niya. "Diba girlfriend kita?" Di ko naiwasang tanungin. Shit! Bakit ko ba nasabi yun? Hay.

"Yes." Tapos ngumiti siya. Di ko na lang namalayan na napapangiti narin ako na parang baliw lang.

Kumapit siya sa may braso ko at hinayaan ko siya, "Thank you for bringing me sa clinic kanina."

"K." Matipid kong sagot.

"Ate mo ba yung kanina?" tanung niya.

"Step-sister." sagot ko.

Bigla ko nanamang naalala yung sinabi ng Ate ko. Hindi ko tuloy maiwasan na kamuhian si Ate Debrah, she's hopeless! Pati ba naman fiance ng kapatid ko aagawin. Shit! Nagagalit nanaman ako.

"Bakit ka ba laging nagagalit?" Inosenteng tanong ni Samantha saakin. Hindi ko siya sinagot. "Tyaka bakit mo sinaktan si Eillyza? Para saakin? I'm okay naman eh!"

Naglakad kami. Pauwi na kaming bahay, iniwan ko na lang yung mga kaibigan ko dun, malaki nasila at kaya na nilang umuwi.

Napansin ko na biglang lumungkot nanaman si bata. Di ko alam kung bakit kung ako laging nagagalit, siya naman lagi namang malungkot. Yes, she's smiling but I know it's not true. Pero ayaw ko muna siyang tanungin, ayokong magmukhang concern, baka kung ano pang isipin niya.

Papa-gabi na, at napapansin ko na naantok na siya. Maraming nangyare ngayong araw at alam kong pagod na siya. Kaya binuhat ko na lang siya. Pumayag naman siya, at agad siyang nakatulog sa mga bisig ko.

--

Samantha's POV

Nagising ako, madaling araw palang. Naku mahihiparapan nanaman akong matulog neto. Nagulat ako kung sino yung nasa tabi ko, si Chris habang natutulog. Hindi na pala kami nakapag-palit ng damit at nakakain dahil sa sobrang pagod.

Hayst, bakit ganun bumibilis nanaman yung pintig ng puso ko?

Hindi naman siya sumisigaw, o nagagalit?

Pinagmamasdan ko lang naman siyang matulog na mahimbing.

Iniwas ko na lang ang sarili ko sa pag-iisip na yun. Nagdasal ako.

Sana Lord, sana. Sana po..

Sana po hindi na tumibok itong puso ko ng ganito kabilis. Sana normal na lang.

Amen.

--

Hindi parin ako makatulog. Ginawa ko ng lahat pero hindi parin ako maantok-antok. Kaya hinayaan ko na lang na mulat ako. Wala rin namang pasok bukas kasi holiday.

Sinubukan kong tumayo kaso biglang napayakap saakin si Chris.

Bumibilis nanaman yung takbo ng puso ko, ayoko ng ganito kaya agad kong tinanggal ang kamay niya.

Nagising siya sa lakas ng pagkakatanggal ko ng kamay niya. Hindi ko naman sinasadya pero ang bigat kasi ng kamay niya.

"What?!" Sigaw niya, napatakip ako ng tainga. Galit nanaman siya.

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon