Chapter 7

84 2 0
                                    

© Mysterious Diva 2013

 ---------------

Chapter 7

“Dark Prince- I’m Still The Dark Prince”

-School-

Tss. Makikita ko nanaman yung babaeng yon. “Pre parang tulala ka? Problema?” nasa sulok kami ng classroom kung saan nakatapat ang aircon.

“Wala!” naiirita kong sagot, habang naglalaro sa itouch ko.

“Inlove ka noh?” kinuyom ko na ang mga palad ko. Parang masarap manapak ngayong araw!

Tumawa sya, “Chill Pre! Chill!” tapos tinapik nya ako sa balikat. Sinamaan ko siya ng tingin. “Wag kang masyadong defensive napaghahalataan.” Lalong kumulo ang dugo ko.

“ANONG PINAGSASABI MO?!” tanung ko na punong-puno ng pagpipigil. Talagang malapit na talaga, babangasin ko na mukha nya!

Nakita na nya na sobrang galit na ako kaya, “Joke lang Pre, di ka naman mabiro.” Sabay takbo sya.

HAAAAAAAAY!!! Inlove inlove? ‘Para lang yun sa mga baduy na mga tao, na walang magawa sa Mundo!’

Naglaro ulit ako sa Itouch ko, iniiwas ko ang sarili ko na mainis, kay aga-aga.

- - -

May lumapit naman na mga babae, “Dark Prince, balita ko wala ka na daw girlfriend..”

Nagulat ako sa bungad nya, di ako nakapagsalita.

Tapos kumapit na sya sa braso ko, at pinipilit akong halikan sya. POTEK!

“Can I be yours?” potek!

“Ganun  kabilis?” O________________O

Tumango siya at tumalikod saglit, “Di ka ba nahihiya sa ginagawa mo?!” naiirita na talaga ako kaya tinanong ko sakanya yon. Napaurong sya.

“Diba ganito naman dati yung ginagawa ng iba? Diba sinasagot mo naman sila?” naiirita na talaga ako. Anong akala nya, ganun na lang yun? Oo dati ganyan ako, pero di ba pwedeng MAGSAWA?!

Sakit lang sa ulo ang mga babaeng ganyan. Bwiset. >_____<

Kumalma ako, kahit papano babae parin to, at ayoko ng maulit yung nangyare dun sa babaeng alien, yung pagsangga ko sakanya. Hayst! Naalala ko nanaman yung mukha nya non, “Dati yon, and please just leave me alone.” Pinilit ko talagang huminahon.

“Chris, I like you……

And I know naman na you like me too.” Tapos lumuhod na siya sa harapan ko.

Pinatayo ko sya, “Tingnan mo nga yang ginagawa mo!” Bumalik nanaman ang pagka-inis ko. Dati naman pinapatulan ko sila, pero ngayon parang sawa na ko. Ayaw nya paring tumayo kaya iniwan ko sya don. Nakatingin na ang lahat nga mga tao at wala akong pakielam.

“Sagutin mo na Pre.” Pambubuyo pa ng mga lalaki kong kaklase.

“Kung ako yan, sasagutin ko na yan.”

Tapos nag-apir pa silang mga lalaking pa-epal sa gilid. “Pre, kung ayaw mo akin nalang!” nagsitawanan sila. Na parang mga tanga lang.

Sinundan nya parin ako, at ng mga studyante sa labas ng gate. Hindi na ko papasok, mag-cutting ako. Bad trip ang mga tao dito, di makuha sa isang sabihan.

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon