Chapter 29

143 1 3
                                    


This chapter will be long. Hihi.

Nung nakaraang chapters masyadong maiikli, yung mga importante na lang kasi yung sinusulat kong part, malapit na kasing matapos ang storyang ito. Haha. Next Summer kasi hindi ko na magagawa ito.

But for now enjoy!

Chapter 29

Samantha's POV

Mas masakit palang makita sila? Pero mas masakit yung nakita mong masaya sila, yung makita mong okay na siya, yung makita mong may kahawak-kamay na siya. Naiisip ko lang yung mga araw na pinapasan nya ako sa likod niya, yung tinatabihan nya ako sa pagtulog dahil alam nyang natatakot ako.

Mas masakit ngayon yung nakita ko habang hinalikan ni Chris yung kamay nung babae at ipinakilala pa sa mga kaibigan nya. Masakit yung parang pakiramdam na hindi na nya ako kilala, hindi na nila ako kilala.

Pumasok ako sa loob ng classroom, wala na nga akong makita dahil namumuo nanaman ang mga luha ko sa mata. Ganito pala talaga masaktan sa pag-ibig.

Dumaan ang ilang buwan, ilang days nalang gragraduate na. Matagal ko ng hinahantay ang graduation, gusto ko ng grumaduate at makapag-kolehiyo, at ang mag-madre. Kinumpisal ko lahat ng alam kong naging kasalanan ko sa Diyos, alam kong lahat naman tayo nagkakamali, ang inportante ang huminge tayo ng kapatawaran.

Sa labas nakita ko nanaman si Chris at Maine kasama ang mga kaibigan nila, si Grey, Blue, Liam at Cedrick, nakakatuwa nga dahil may pagbabago na sakanila. Maayos na ang mga suot nila, hindi ko na naririnig na nakikipag-away sila, nag-aaral at nagtyatyga na silang mag-aral. Ginagawa na silang example ng mga teachers dahil sila yung mga studyanteng aakalain mong wala ng pag-asa pero mayroon pala. Totoo pala ang pag-babago.

Pinapansin naman nila ako, madalas nga hinahatid nila ako sa bahay. Yung Daddy ko? Nasa bahay din kasama ang family niya. Sa una masakit tanggapin pero lahat naman ng humihinge ng tawad ay dapat pinapatawad. May mga bagay lang talaga siguro na hindi talaga nakalaan para saatin, gaya ng Mommy at Daddy ko. Gaya namin ni Chris.

Halos araw-araw nakikita ko silang magkakasama. Nakakapasok dito yung kasama nilang babaemna balita ko girlfriend na ni Chris, tumutulong kasi sila sa mga gustong maging scholar students sa susunod na taon para sa mga lower years kaya halos nandito na siya lagi sa school. Mabait siya at mabuting tao kaya wala akong dahilan para hindi siya magustuhan para kay Chris. She will be a good influence.

Pagkaupo ko sa may upuan ko. Naririnig ko yung mga kaklase kong nag-uusap. Pinilit kong wag makinig pero gusto yata talaga nilang marinig ko.

"Di hamak naman na mas maganda yung foreigner dyan kay Samantha, patpatin na nga at putlain, medyo isip bata pa! Eh yung kasama ngayon ni Dark Prince parang anghel na bumaba sa lupa sa sobrang ganda!"

"Agree."

That snapped a string.

Masakit pero totoo yung sinabi niya.

Masakit pero yun ang katotohanan.

Kailangang tanggapin. Sinubukan kong wag mag-paapekto dahil tama naman sila sobrang ganda niya, tanggap ko iyon. Nagwagi naman ako, dahil parang wala na lang saakin ang sinasabi nila. Ngumiti nalang ako dahil alam kong di ako naapektuhan. Ibig sabihin nun alam kong kuntento ako sa binigay saakin ng Diyos.

"Tingnan mo naman yung babae, mukhang Diyosa!"

"Oo nga! Walang-wala tayo!"

"Hayaan mo na.. Pero bagay sila ni Chris, parehas silang aakalain mong mga foreigners, pati yung mga kasama niya! Ang gagwapo!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon