Chapter 20

45 0 0
                                    

Chapter 20

"You're the angel that gives me reason, but I can't start to cut my demon."-Chris
--

Samantha's POV

(Play: Jar of hearts)

He kissed me passionately. Like there was no tomorrow. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya tinulak, pero alam kong gumaan ang loob ni Chris nung ginawa nya 'yon.

Alam kong kasalanan yung ginawa namin pero bakit parang gumaan din yung pakiramdam ko, nagkakasala na po ba ako?

Hindi ko po kasi pinagsisihan yun.

Humiwalay na kami, tyaka siya umalis, hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang lumayo. "Shit! Sorry Samantha!" Tyaka siya tuluyang umalis.

Sumakit yung banda dito sa puso ko.

Akala ko matutulungan ko siya, hindi pala. Mukhang di ko na matutupad yung 10 things na dapat kong gawin.

Lord, sorry po I just a kissed someone, and I like how it feels. Napaiyak ako, sorry po kung nagkakasala na po ako.

--

Iyak ako ng iyak habang hinahantay si Chris pero 4am na wala parin siya. Hindi ba siya papasok ng school? Sana Lord wala pong nangyareng masama sakanya.

Hinantay ko parin siya kahit napipikit na ang mga mata ko.

Hinantay ko siya kahit nararamdaman kong nahihilo na ako.

Bumababa ako para sana kumain, at makainom ako ng gamot. Pero nagulat ako sa nakita ko.

Parang sinaksak ang puso ko..

May kahalikan si Chris..

Kusang pumatak nanaman ang mga luha ko habang nakikita silang naghahalikan. Pakiramdam ko talagang may sumasaksak sa puso ko. Humihikbi na ako ngayon, naupo ako sa sahig habang pinapanuod sila.

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, kung bakit ako nasasaktan. Sobrang sakit na hindi na ako makahinga. Para akong inaatake ng asthma, pero alam kong wala naman ako nun. Ang sakit.

"Chris, why did you stop--" sabi nung babae, kilala ko siya.

Si Eillyza.

Naramdaman kong lalapit saakin si Chris pero ako na yung unang tumayo, sinampal ko siya. Kusa na lang yung rumehistro sa utak ko na sampalin ko siya, pakiramdam ko kasi kailangan kong gawin yun sakanya. Umiiyak ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Sam, sorry. Hindi ko sinasadyang halikan ka kanina."

"Sorry?" Sarkastiko kong sabi.

"Samantha, nabigla lang ako kanina."

"Nabigla ka lang ba din ngayon kaya mo nahalikan si Eilly?" Tanung ko sakanya habang umiiyak.

"Samantha, I don't have to anwer that question." mahina nyang sabi.

Parang sinaksak ulit ang puso ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, sobrang sakit. Hindi ko na kaya yung sakit. Tinawag siya ni Eillyza at lumapit siya.

"Chris, i think.." Masasabi ko kaya to. Hagulgol na ang ginagawa ko, halos maligo na ako sa sarili kong luha, "Chris, i think you have to leave. Please don't come back anymore."

Yung mga salitang yun ang mas lalong nagpaiyak saakin, ang malamang mawawala na si Chris sa buhay ko. Siguro nga Lord, ito na yung kinatatakutan ko..

Lord, sorry po

Dahil nagmahal na ako.

--

Dalawang araw akong hindi nakapasok. Hindi ako makakain, hindi ako makatulog. Hindi ako makainom ng gamot. Pakiramdam ko paralisado ako. Pakiramdam ko kasi masakit parin yung puso ko.

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon