Chapter 12.5 (May 20, 2014)

61 1 0
                                    

Updated: 12/08/14

I'll try to finish this story bago matapos ang taon.

:)) property of mysterious_diva16/HappieAcosta/UDontCare15

----

Chapter 12.5

Chris POV

"Ano ba naman yung ingay na yun?" shit naman sobrang ingay. Parang may sunog.

Annoying. It's really annoying! Palakas ng palakas yung ingay!

Nagising ako sa sobrang ingay. Ginulo ko na lang yung buhok ko ng makita kong si Samantha yung nagkakalampag ng takip ng kaldero! Tinapat nya pa talaga sa tainga ko! Pffft Crazy girl!

"Stop it!" I yelled.

"Stop what? Ito ba?" sabay kalampag nya ulit. Aba talagang nag-iinis talaga! Tingnan lang naten!

Tumayo ako sa kama para sana habulin siya, kaso mabilis siyang nakababa!

"Hoy! Anong trip mo? Sinasapian ka nanaman ba?!" sabi ko habang nagsuot ng tshirt.

Kinalampag niya lang ulit yun, at nag-ingay pa habang kumakanta ng Happy Birthday. Kanino bang birthday? Teka, birthday niya kaya? Birthday nya ba ngayon?

"Hoy, birthday mo ba?!" tanong ko sakanya.

Tsk, para siyang baliw. Nagkakalampag parin na parang sira-ulo. Di pa naman bagay sa mukha niya, para talagang bata!

"Tinatanong ka ng isang Dark Prince hoy!" Sigaw ko sakanya. "Hindi mo ba ako sasagutin, o kikilitiin kita hanggang sa mawalan ka ng boses kakatawa, kapag nahabol kita?" Banta ko sakanya.

Tumingin siya saakin ng nakakatakot, taena. "Birthday nung kaibigan ko, ayun siya oh!" Sabay turo sa may pader. Huh?

Biglang nagsitaasan yung mga balabiho ko. "Wag m-mo k-kong pinaglolokong bata ka ha?" mautal-utal kong sabi.

Tumingin ulit siya saakin, napaka-creepy! Kala mo psychotic sa itsura niya!

Tapos humagikhik siya, cute sana kaso nakakaasar, pfft!, "Tigilan mo ko sa mga kalokohan mo!" Sabay talikod ko, matutulog na lang ulit ako. "Tyaka tigilan mo yang takip ng kaldero! Pwede?!"

"Hmm, sungit. Birthday mo kaya ngayon." Bulong niya pero malinaw na narinig ko yun.

"Tsk, anong paki mo?" Hindi ko na nga naalala yung birthday ko, pinaalala nya pa.

Tumawa lang siya, "Alam mo Chris, dapat mag-celebrate tayo!" Sabay pout niya na parang bata. "Masaya pa naman ako pag may nag-bibirthday."

Sabay takbo niya sa ref at may nilabas na cake, "Happy Birthday Chris! Happy Birthday Chris! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday to you!

Hindi ako natuwa. Lalapit na sana siya kasama nung cake kaso tinabig ko yun kaya nahulog lang yung cake sa lapag. Dapat di na niya pinaalala na birthday ko! Bwisit!

Nakita kong pinulot nya yun, "Chris, ano ka ba naman?! Pinagpuyatan ko yun!" sabay tawa niya ulit, "Pero Chris, may isa pa kong regalo, teka pupulutin ko lang 'to."

"Tigilan mo nga yan Samantha! Hindi ka nakakatuwa!"

Paalis na sana ako ng nakita kong pumasok ang mga kapatid ko, pati narin ang Step-Dad ko. Lalo akong nabwisit!

"Ano bang problema mo Bata?!" Sigaw ko sakanya, actually naiirita na talaga ako sakanya.

"Is this the proper way you treat your family?" Sabi saakin ni Ate Debrah, umupo siya sa may sofa tyaka binuksan ang T.V. Tsk. "You know what lil brother? Stop being so cruel to us."

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon