Chapter 24

37 0 0
                                    


Chapter 24

Chris's POV

"For pete's sake! Gawin nyo lahat para mahanap siya!" sigaw ko dun sa pulis.

"Ginagawa namin ang lahat para mahanap si Ms. Samantha, hindi kami nagpapabaya, sadyang wala kaming mahanap na lead kung nasaan siya."

"Andami nyong mga palusot, palibhasa wala kayong ibang kayang gawin kundi ang palakihin ang mga tiyan nyo!"

Naiinis na ako, ayokong sumapit ang araw at hindi ko parin nakikita si Samantha. Tsk! Ayokong may mangyare nanamang masama sakanya.

Tumawag ako kay Blue, pero bago yun pinaalis ko na ang mga pulis sa condo ko, dito muna ako umuwi, mas hindi ako mapapakali kung nasa bahay ako ni Samantha.

"Blue, patawag naman ang grupo, ngayon lang ako hihingi ng tulong sainyo, nawawala si Samantha."

("Nawawala, kailan pa?") Blue.

"Kanina lang, wala paring lead kung nasaan siya. Walang nakakaalam kung nasaan siya." napahawak nalang ako sa noo ko, at minasahe ito. Masisira na talaga ang ulo ko. Sana okay ka lang Samantha, hintayin mo ko!

("Sige, san ba magkikita?")

"Dito pre sa condo na lang."

Tapos binaba ko na. Nasuntok ko na lang ang salamin na nasa dingding, "Shit! Samantha asan ka ba?!"

Dumaloy ang sariwang dugo mula sa mga kamao ko. "Diba may Diyos ka Samantha? Bakit ganun, bakit pinahihirapan niya tayo! Bakit?!" sabay suntok ko ulit ko sa salamin.

"Aaaaaah!" Gusto kong ilabas lahat ng galit ko.

Sino naman kaya ang hayop na gagawa non? "Leonard?" biglang pumasok sa isip ko si Leonard, yung pinsan ko.

**Flashback**

Isang sapak. At isa pa, at isa pa. "Putang-ina mo, humingi ka ng tawad!" Sabay hampas ko ng baseball bat sa likod niya. "Magsalita ka!"

"Wala akong sasabihin!" sabay angat niya. "Wala akong dapat ihingi ng tawad!"

Hinampas ko ulit ang likod niya dahilan para umubo siya ng dugo, nanlilisik ang mga mata ko sa galit, gusto ko siyang patayin. Pero dahil sa naiisip ko ang isang tao, hindi ko magawa.

I loved her not for the way she danced with my angels, but for the way the sound of her name could silence my demons.

"May araw ka rin, sisiguraduhin kong makukulong ka!" sabay hampas pa ulit sa likod niya.

**

Pagtapos nun agad siyang tumakbo palayo. Hindi kaya? Hindi kaya gagantihan niya si Samantha? O tatapusin na nya ang buhay nito para hindi siya makulong?

**Flashback**

"Gago ka pala, tingnan mo nangyare sa mga kalokohan mo! Buti daplis lang ang bala ang inabot mo!" sabay sapak ko sa pinsan ko. "Ano bang pumasok sa maliit mong kokote at gusto mong manghalay ng babae?"

Sabay sapak ko ulit, close kame ng gagong 'to pero ngayon mukhang malabo na, "Asan si Marty at Drake?"

Pinunasan nya lang yung ilong nya sabay tumayo, "Tumakas silang dalawa kasama nung babae, si Marty ang bumaril saakin, yung hayop na yun may araw din siya!"

"Gago! Buti nga yung dalawa may konsensya pa, pero ikaw ano? Ikaw pa ang pasimuno ng lahat ng yon!"

"Tigilan mo nga ako Chris, naka-droga kami, anong magagawa mo? At nangyare na, hindi ko naman nagalaw yung babae."

Sinapak ko ulit siya, nanlilisik ang mga mata ko, "Buti nalang at di mo nagalaw! Pero Leonard, oras na malaman kong hindi ka parin nagbabago, ako na mismo ang magpapakulong sayo!"

**Another Flashback**

Isang babae ang halos madapa-dapa na sa kakatakbo, tumigil lang siya ng makita niya ako. Basang-basa ng luha ang mga mata ko, "Chris!" para siyang naghihisterical.

Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat, "Anong nangyare?" para siyang takot na takot.

"Si.." nakita ko yung palda niya, puno ng dugo.

"Bakit?" tanong ko ulit. Tyaka na siya ngayon yumakap at halos puro iyak na lang ang narinig ko sakanya. Pinilit ko siyang pakalmahin, sinuot ko yung malaki kong jacket sakanya. "Miss, ano bang nangyare sayo?"

"Si Nard.." hindi parin siya makapag-salita ng maayos, "Akala ko okay siya, akala ko mabait siya.. We've been friends since first year high school pero para siyang demonyo kanina, pinilit nya ako.." halos hindi na siya makahinga, "He.. He.. Raped me. Nakatakas lang ako."

"Nasaan siya?" kalmado kong sabi. Mamaya ko ibubuhos ang galit ko. Maghintay ka Leonard, puputulin ko ang sungay mo.

"Sa gym." nanginginig parin siya habang sinasabi yun. Malamang trauma ang inabot niya.

Binuhat ko siya, ngayon nakikilala ko na siya, siya yung president ng student council, hinatid ko siya sa clinic. Sinabi ko sakanyang ako ng bahala kay Leonard, at wag muna siyang magsusumbong. Ako ng bahala.

--

Isang sapak. At isa pa, at isa pa. "Putang-ina mo, humingi ka ng tawad!" Sabay hampas ko ng baseball bat sa likod niya. "Magsalita ka!"

"Wala akong sasabihin!" sabay angat niya. "Wala akong dapat ihingi ng tawad! matigas talaga siya, hinampas ko siya ng hinampas.

"Inulit mo nanaman?! Diba sabi ko sayo pag inulit mo to ako mismo ang magpapakulong sayo!"

Hinampas ko ulit ang likod niya dahilan para umubo siya ng dugo, nanlilisik ang mga mata ko sa galit, gusto ko siyang patayin. Pero dahil sa naiisip ko ang isang tao, hindi ko magawa, si Samantha.

I loved her not for the way she danced with my angels, but for the way the sound of her name could silence my demons.

"May araw ka rin, sisiguraduhin kong makukulong ka!" sabay hampas pa ulit sa likod niya.

"Ginusto ni Althea ang nangyare, gusto nya dito daw sa gym." sabay hagalpak niya kahit puro dugo na ang bibig niya, sa kabila ng pagbugbog ko sa katawan niya ay sobrang lakas niya parin na parang wala lang.

Sinuntok ko ulit siya pero bumangon siya, walang tao sa gym kaya siguro dito nya ginawa ang kababuyan nya, "Tang-ina mo, naka-droga ka parin ba?" tinulak-tulak ko ang balikat nya. "Ano? Droga nanaman?"

"Oo. Wala akong magawa sa buhay ko, pagod na ako sa pagbabago. Parang di naman ako nakikita ng Diyos, wala siyang Awa. Tingnan mo ang nangyayare saatin? Kung talagang totoo siya, matagal na nya tayong tinulungan!"

"Alam mo lagi mong sinasabi kay Samantha na gago ako, na mapanganib ako, pero sino itong gago diba ikaw?!" I smirked, "Leonard, sa pagkakataong ito magdasal ka na, dahil anytime pwede kang kasuhan ni Althea sa ginawa mo. Humingi ka ng tawad kung gusto mong maabswelto, sabihin mong pananagutan mo siya, pero kung magmamatigas ka, ako mismo ang magpapakulong saiyo kahit pa pinsan kita!"

--
Clinic

"Althea, ikaw ng bahala kung papakulong mo ang pinsan ko o hinde."

Nakatulala lang siya habang umiiyak. Naaawa ako sakanya. Siguro talagang pinilit siya ni Leonard, kung si Samantha ang ginawan nya ng ganito, hindi ko alam ang magagawa ko, baka pugutan ko siya ng ulo.

"Chris, alam ng buong School na masama ka, pinapakita mong masama ka, pero alam mo hinahangaan kita." sabay pahid niya sa mga luha niya, "Kasi ikaw totoo ka pala, pero siya---- tinatago niya lang."

Napa-tango nalang ako sa sinabi niya.

--

*Present*

Shit, sana mali ang iniisip ko. Si.. Leonard ang tangkang gumahasa kay Samantha, sana mali ang naiisip ko! Sana nagkataon lang!

Pero yung sinabi ni Samantha nuon? Parang ganun nga ang nangyare! Fuck! Shit! Si Samantha yung babaeng muntik na nilang gahasain!

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon