Chapter 15

46 0 0
                                    


Chapter 15

Samantha's POV

Pag-gising ko nasa clinic nanaman ako. Ilang beses na ba akong napupunta sa clinic? Sobrang daming beses na yata, at laging si Chris ang naghahatid saakin dito. Napaka-lampa ko naman.

Lumapit saakin yung nurse, "Samantha, when will you tell the truth about your condition?"

Nabigla ako sa tanong ng nurse, what about my condition? Hindi ko alam ang sinasabi niya. I have no idea. "Ano po?" Magalang kong tanong sakanya. "Ano pong kondisyon ko?"

Tumawa ng bahagya ang nurse, "Nevermind, I guessed you're not yet ready to tell." Kumuha siya ng tubig at gamot at pinainom ako.

Naguguluhan ako sa sinabi ng Nurse, what about my condition? Ano bang alam ng Nurse na hindi ko alam sa sarili ko? Ang alam ko lang naman ang sabi ng Doctor ko, I have anemia. Pero hindi naman malala. I just have to take care of myself, and drink my medicines.

Di ko na lang inisip 'yun dahil baka about sa anemia lang naman yung sinasabi niyang condition ko.

Napahiga ulit ako sa clinic bed tyaka nag-isip. Naisip ko yung list ko, nakalimutan ko na pala dahil sa sunod-sunod na pagsugod saakin dito sa clinic. Dapat ngayon asikasuhin ko na yon.

--

1. To have friends
2. To give someone a rosary

Tapos ko na yung dalawa. Nagkaroon ako ng kaibigan, sa katauhan ni Alexa, Chris, Bernard at Blue, kaibigan ko na rin sana si Eilly kaso alam kong galit na siya saakin dahil sa ginawa sakanya ni Chris.

Napabuga na lang ako ng hangin.

Tapos ko na silang dalawa ng walang kahirap-hirap.

Yung number 2 nagawa ko na, naibigay ko na sakanya yung rosary. Naisip ko kasing ibigay yun kay Chris, dahil ang balak ko ibibigay ko yun sa taong walang paniniwala sa Diyos. Gusto ko sanang ibigay din yon sa mga kaibigan ni Chris kaso iisa lang 'yon. Kaya kay Chris ko nalang binigay dahil siya ang mas nangangailangan non.

Hmm. Yung pangatlo?

3. To wipe someone's tears even if you don't know that person

Kahapon kasi nakita ko si Chris na may kasamang babaeng umiiyak. Nuong una may hindi ako mapaliwanag na emosyon na bumalot saakin kahapon nung nakita ko silang mag-kasama, pero agad din yung nawala. Naalala ko yung pangatlo sa listahan ko kaya agad akong lumapit sakanila. Sinignalan ako ni Chris na wag lumapit kaso kailangan kong magawa yung pangatlo sa list ko. Hihi.

Nagawa ko narin yung pangatlo.

Yung pang-apat?

4. To find Yaya

Pero paano ko naman siya mahahanap? May pasok pa ko. At tyaka hindi ko alam kung nasaang probinsya siya. Namimiss ko na talaga si Yaya, sana bumalik na talaga siya. Pero since alam kong hindi ko pa mahahanap si Yaya. Iski-skip ko muna ito at tatalon muna sa number 5.

Ano nga ba ang number 5 ko?

Iniisip ko palang parang gusto ko ng mag-back out. Kaya nga hindi ko ginawang number 1 ito dahil alam kong hindi ganun kadali eh. Dapat matagal ko na itong ginawa kaso hindi talaga ganuon kadali. Nuong unang pasok ko dito, yun na agad ang sinabi kong misyon ko. Kaso.. Marami kasing nangyare sa buhay ko kaya hindi ko na natuloy ang plano ko. Dapat siguro gawin ko na ito.

5. To make the Bad Boys pray

Pagtapos niyan. Yung number 6 na mas lalong mahirap.

6. To make the bad boys change

Lord help me.

--

Chris's POV

"Pre." Naka-ngising sabi ni Blue. May inaabot nanamang siyang pakete ng droga kaso hindi ko tinanggap. Ayoko yung tikman, oo gago ako, pero yun ang bagay na ayokong tikman at ayokong ka-adikan sa sistema ko.

Umiling ako sa alok niya. "Blue, asan yung kapatid mo?"

Kailangan kong makausap si Grey. May papagawa ako.

Kanina ko pa hindi nakikita si Grey, asan kaya yung kumag na yun. Nakita ko yung dalawa pa, si Liam at Cedrick, may kasama nanamang mga babaeng nakapalupot sakanila. Ayoko na silang tanungin kung nasaan si Grey baka makaistorbo pa ako sa mga pinag-gagawa nilang hayop sila. Mga manyak talaga, ano pa bang aasahan mo sa mga kagaya nila?

"Eh, chicks nalang? Wag mong sabihin na ayaw mo parin?" Nakakaloko yung tingin niya saakin, halatang sinusubukan niya ako. Sarap sapakin nitong si Blue, kung hindi lang ako magmumukhang defensive ay ginawa ko na!

I just smirked, "Mind your own business, freak!" Maangas na sagot ko sakanya. Tyaka ko siya tinulak, naglakad ako papunta sa pintuan. Pupuntahan ko si Samantha, baka napano na si bata.

"Easy.. man! Laki na talaga ng pinagbago mo!" tapos natatawa-tawa pa siya. "He's just your little sister right?"

Lumingon ulit ako, hindi ko alam kung bakit nag-panting ang tainga ko. Kaya agad ko siyang hinarap, nagulat yung ibang mga kasama ko, pero wala akong mga paki sakanila sa pagkakataong ito. Gusto ko lang masapak ang isang to.

Tumawa lang siya, sinusubukan niya talaga ang pasensya ko!

"You don't own her Chris, Dark Prince whatsoever. Hindi naman kayo magkasintahan, kaya wala akong aagawin sayo pag nagkataong liligawan ko siya." Sabay tawa niya.

Sabog na siya.

"Tigilan mo si Samantha, kundi babaliin ko ang mga buto mo!" Pagbabanta ko sakanya.

"Bakit ba nagkakaganyan ka? Mahal mo siya?"

Natameme ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Mahal? Ano ba yong ibig sabihin non? Ganito ba yun?

Nagsalita pa ulit siya at lalo akong napipi, hndi ako makasagot. "Ano wala kang masagot? Kung balian lang din ng buto, payag ako. Di kita aatrasan. Pero kung masasabi mo saaking mahal mo siya, pare for the sake of friendship titigilan ko siya. Pero kung hindi mo parin masasabi saakin, magbabago ako para kay Sammy at liligawan ko siya."

Binitawan ko ang kuwelyo niya tyaka ako lumabas ng bahay nila. Tang-ina! Ano ba tong nangyayare saakin! Samantha ano ba tong ginawa mo saakin at naging ganito na ang buhay ko! Bakit naguguluhan ako ngayon?!

"Bakit ba nagkakaganyan ka? Mahal mo siya?"

Iniisip ko palang na hahawakan ni Blue si Sammy, nagagalit na ko. Ayokong mapunta yung bata sa kanya. Mapanganib siyang tao, pero magababago daw si Blue para sakanya? Hindi ko parin matanggap. Ayoko!

"Bakit ba nagkakaganyan ka? Mahal mo siya?"

Tangna, why I am acting like this? I am really falling for her? This can't be. I am the Dark Prince, I am deadly dangerous. Ayokong isang araw sapian nanaman ako at masaktan ko siya.

At ang isang tulad ko ay di dapat minamahal.

Pero paano kung mauto si Sammy nung blue na yon? Paano kung si Nard naman ang makauto sakanya? Tangna! Bakit ba napapaligiran si Sammy ng mga taong di karapat-dapat sakanya?

Kahit sarili ko pinagdududahan ko. Alam kong pati ako ay di nababagay sakanya dahil masama ako. Wala akong kasing-sama. Sammy didn't know me that well kaya nasasabi nyang mabait ako out of my tag name na Dark Prince. Hindi niya pa ako ganun kakilala. Hindi niya alam na I almost killed someone.

Gulong-gulo ako. Ano bang gagawin ko! Lintik naman. I thought that my life will be easier if I will be the dark prince that they've known me to be, i am they're boss, and everything will be under my control. Pero hindi yun nangyare because of one girl.

Samantha.

I don't know if I can change myself?

I don't want to try cause I am hopeless. I am hopeless.

Kaya it's better if I just protect you from afar, but I'll make sure na hindi ako mawawala sa buhay mo, cause this Dark Prince will kill again if anything bad will happen to you. Samantha nothing will happen to you.

You will be my angel, just let me be the devil, but this devil will be always be here to protect you.

--

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon