Chapter 21

62 0 1
                                    

Chapter 21-Forget

Chris's POV

"Chris, you can stay in my condo, if you want?"

Hindi parin ako makapag-isip ng maayos. Naalala ko parin kasi ang mukha ni Samantha nung umiiyak siya sa harap ko na parang nasasaktan. Ilang araw na ba simula nung nangyare yun?

Mag-iisang linggo na.

"Chris, are you with me?"

Tumingin na ako kay Eillyza, "Wag na, babalik na lang ako sa Condo ko dati."

Yumuko siya, na parang napahiya.

"Okay, I'll just pretend na hindi ako nasasaktan. Diba sabi mo let's give it a try? Sige kahit masakit papayag ako. Because I love you Chris."

Umiiyak siya. Ganito na ba talaga ako kasama para ang isang Eillyza ay mapaiyak ko?

Pero pag naaalala ko si Samantha mas lalong nadudurog yung puso ko. Gusto ko ng magpakamatay nalang sa dami ng problema ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko!

"Tutulungan kita na kalimutan si Samantha, Chris just let me help you." Then she kissed me.

I didn't respond. Na-iimagine ko kasi na umiiyak nanaman si Bata. Lagi nalang siyang nasa isip ko.

Humiwalay siya, "Chris, tulungan mo rin ang sarili mo. Alam ko naman na may pagtingin ka na kay Samantha, pero hindi pa naman ganun kalalim yun diba? Kaya mo pa naman akong mahalin, diba Chris?"

Nag-echo sa utak ko yung salitang 'Mahal'.

Mahal ko na nga ba si Samantha?

Kasi kahit nasa harap ko na si Eillyza, siya parin ang naiisip ko.

"Chris, could you please speak, atleast for once, answer me?"

She kissed me again. I felt nothing. Si Samantha parin ang nasa isip ko, how I kissed her lips, how she let me kiss her. It was full of emotions, it was full of..

Love.

"Chris, I'm really okay with this set-up, as long as we're together." She smiled bitterly.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagsorry nung pagtapos kong halikan si Sammy, hindi ko alam, sa sobrang gusto ko siyang halikan ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko baka may iba akong magawa. I don't want to be a monster sa paningin niya, hindi ko alam pero gusto ko kahit papano may isang taong katulad niya na naniniwala parin na kaya ko pang magbago.

"Pinagsisihan mo na na hinalikan mo ko?"

"Ha? H-hinde."

''Mahal mo ba talaga siya Chris?"

"H-hinde."

Nauutal ako.

Niyakap ko na lang siya para hindi na siya maiyak. Kanina pa kasi siya iyak ng iyak. Tang-ina namang buhay to! Kahit yakap yakap ko na si Eillyza, yung unang babaeng minahal ko, si Bata parin ang naiisip ko!

"I love you Chris." Bulong niya sa tainga ko.

Napangiti ako sabay sabing, "I love you, Samantha."

---

Samantha's POV

"Na-cancel na yung play dahil madalas kayong absent ni Chris."

Lumapit ako kay Alexa para sabihan siya na wag na niyang banggitin ang pangalan na yon, dahil nasasaktan ako. Tumango siya.

Naglakad na lang ulit kami papunta sa canteen, katatapos lang kasi ng klase at break na.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante, tinaasan lang sila ng kilay ni Alexa, "Artista? Artista kami?!" bulyaw niya, hinatak niya ang kamay ko papunta sa bilihan ng yoghurt, natakam ako, pero naiisip ko kasi si Chris, hindi ko alam pero pag nakakaalala ako ng bagay na tungkol sakanya, nasasaktan ako.

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon