Chapter 16

45 0 0
                                    

Chapter 16

Samantha's POV

*Lumipas ang isang linggo.*

Pagtapos ng klase namin, palabas na ako ng room. Iniiwasan ko kasi si Chris, isang linggo na. Ayoko muna siyang makita dahil naalala ko yung pag-papaalis ko sakanya.

Nahihiya ako. Buti nalang din wala sila Alexa at Nard dahil nauna na sila sa Practice para sa play. Nagpaiwan ako, si Chris naman hindi pumasok, hindi ko rin siya nakita kaninang umaga sa bahay,

Medyo naramdaman ko yung sugat ko sa tuhod ko kaya napahawak ako sa may kaklase ko. Kaso agad nya rin akong binitawan at inirapan. "Alam mo masyado kang pa-inosente, lahat na lang lumalapit sa'yo dahil feeling inosente ka! Tse! If I know mas malandi ka pa saakin!" Sabay ikot ng mata niya. Huhuhu.

Yun na pala yung tingin ng mga tao saakin? Ganuon na ba ako kasama? Huhuhu. I am not flirting anyone. Paano ko na lang magagawa yung pang number 5 at 6 sa listahan ko?

Nagbubugso nanaman ang luha sa mga mata ko, gusto nanaman nilang pumatak. Ang hirap din pala.

"Damn! Paharang-harang ka! Pasalamat ka talaga prinoprotektahan ka ni Dark Prince kundi matagal na kitang kinalbo! Di ka nakuntento kay Nard at pati narin si Dark Prince sinunod mo? Sino pa ang isusunod mo?" sabay tulak nya saakin, pero nakahawak ako sa may wall.

Hindi pa pala natatapos dun. May isa ulit na bumangga saakin at sinabi ang mga masasakit na salita na iyon. Nakakapang-hina. Masakit palang mahusgahan Lord. Hindi ko po gusto yung mga sinasabi nila saakin dahil wala naman po yung katotohanan.

"Kaya ka siguro iniwan ng parents mo, because you're nothing but a pathetic child na laging nagmamaktol kapag hindi nakukuha ang gusto nya? Kapal din pala ng mukha mo!" sabay sampal nya saakin.

Pinagtutulungan nila ako. Halos palibutan nila ako. Gusto kong umalis sa lugar na ito, kaso naka-hawak sila sa mga kamay ko at balak nila akong saktan pa.

"Mali. Hindi tama yang mga iniisip nyo! Nagkakamali kayo!"

Pinipilit kong magpaliwanag pero sarado ang mga pag-iisip nila. Pinagsasampal ako ng isang babae, hindi ako makaalis dahil mahigpit nilang hinahawakan ang mga kamay ko. Pinasok nila ako sa classroom ulit, wala na yung teacher namin. Nilagyan nila ng busal ang bibig ko para hindi ako makasigaw. Nilagyan din nila ako ng piring.

Gusto kong humingi ng tulong pero nakatakip ang bibig ko. Lord, help me please. Ikaw na lang ang mahihingian ko ng tulong ngayon. Please don't forsake me like what my parents did to me. Lord, i need you now.

Sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko.

"Umiiyak yung batang malandi!" Sigaw nung isa sabay hampas saakin ng isang bagay, parang belt. Napahiyaw ako sa sakit. "Bat ka umiiyak? Nararapat lang sa'yo yan dahil puta ka!"

Isa pa ulit na hampas.

Nadaplisan ang sugat ko kaya napatiklop ang mga tuhod ko. Hinampas pa ulit nila ako, at naririnig ko ang pagtawa nila.

Niyurak nila ang pagkatao ko, sobrang baba ng tingin nila saakin.

Wala akong ginagawang masama pero bakit ko nararanasan ang lahat ng ito? Bakit ko natatanggap ang mga paghuhusga nila sa  pagkatao ko?

Iyak lang ang naging tugon ko.

Halos buong katawan ko'y hinampas na nila.

Siguro mapupunta nanaman ako sa clinic neto? Medyo natawa nalang ako sa naisip ko, Araw-araw yata akong nakatadhana na mapunta sa clinic? Suki na ko ng clinic. Pero ngayon siguro hindi na si Chris ang maghahatid saakin dahil wala naman siya.

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon