Chapter 22

48 1 0
                                    

Chapter 22

Eillyza's POV

I can't take the pain anymore, habang nakikita ko silang magkayakap, sobrang nasasaktan ako.

"Eilly, wag mo na pahirapan yung sarili mo." sabay hawak niya sa kamay ko, pero tinabig ko lang ito. "Eilly, andito naman ako, handa naman kitang mahalin. If you will just open your heart for me."

"Can't you see, mahal ko si Chris! Hindi na magbubukas yung puso ko para sa iba, dahil para sakanya lang 'to!"

"Eillyza, iba ang gusto niya, at alam nateng hindi ikaw yun!"

Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niyang yon. Nanginig angnbuo kong katawan na para bang nabuhusan ng malamig na tubig. Pero kahit ganun pa man hindi parin ako susuko.

Umaasa parin ako na isang araw magkikita ulit kami ni Chris, hahalikan nya ulit ako, yayakapin. I'm still hoping na iiwan nya si Samantha.

"Magiging akin din siya Grey, pinapangako ko yan!" bulyaw ko habang kagat ang labi, ayokong umiyak please lang, andami ko ng niluha! Ayoko na.

Paalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko, ano ba Grey? Hindi mo ba makita at maramdaman na ayaw ko sayo? Bakit ba ang kulit kulit mo?! Bakit pinipilit mo parin pumasok sa buhay ko?

"I'm willing to change for you!" Sabi niya ng puno ng ngiti. Pero isang mapait na ngiti lang ang sinukli ko sakanya. "Eillyza hindi ako susuko hangga't mahalin mo ako." nilagay niya pa sa mukha nya ang mga kamay ko. God! Grey! Masasaktan ka lang!

"Grey, yung nangyare saatin.."

"Ano? Pinagsisihan mo?" Nakita kong pumatak ang luha ni Grey. Pero bakit? Bakit niya iniiyakan ang isang tulad ko? Bakit?

"Oo." Pinagsisihan ko ang nangyare saatin Grey, dapat hindi nangyare yun. Yun ang isa sa mga pangyayareng pinagsisihan ko sa buhay ko dahil nakuha niya saakin ang hindi dapat, na dapat si Chris ang nakakuha.

"Para saakin, yung nangyare ay isa sa pinaka-masayang nangyare sa buhay ko. Kasi Eillyza, kahit gago ako marunong akong magpahalaga."

"Grey, mapapagod ka lang saakin." kasabay nun ang paglakad ko palayo. Grey masasaktan ka lang, dahil lahat ng pagtingin ko ay na kay Chris parin. Kahit gusto kong bawiin ang puso at isip ko sakanya, hindi ko magawa! Hindi ko alam kung pano?!

"Eillyza, can you visit a funeral tomorrow?"

Napalingon ako sa sinabi niya, bakit? Why will I visit his funeral? Anong ibig nyang sabihin? Kinabahan ako sa sinabi niya, ganun ba kasakit yung nararamdaman niya para magpakamatay?

"Bakit?" Anong balak niya? Magpapakamatay ba siya?

"No, it's not what you think." sabay smirk niya. Natatakot ako sa naiisip niya.

Napahinga ako. Ayokong may mamatay ng dahil saakin, mukhang di kakayanin ng konsensya ko. Grey, please don't make a stupid mistake again!

"What do you mean by that?" sana naman sagutin niya na ang tanong ko. Nakikita ko parin kasi na magkayakap si Chris at Samantha, nasasaktan nanaman kasi ako.

Lumapit siya at bumulong.

"I will kill Samantha for you, that' how much I want you to be happy." sabay punas niya ng luha sa mga mata ko. "Sana maging masaya ka na, Eilly."

He will kill the person whom Chris loves just for me to be happy. But what about his own happiness? What about you Grey? Bakit handa kang maging kriminal para saakin? Bakit parang kumirot ang puso ko sa sinabi mo? Grey naman, magtira kadin para sa sarili mo!

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon