Dark Prince met A soon to be Nun

391 7 0
                                    

 ------------------

Dark Prince met A soon to be Nun

by: Mysterious Diva

----------

Pinag-iisipan ko kung papasok ba ako, o hindi.

Ngayong nakilala ko na siya, parang ang bigat sa'kin ang pumasok sa lugar na ito. Ang hirap. Ang sakit.

Hindi ko akalain na magmamahal ako ng ganito. Hindi ko akalain na dahil doon magdadalawang-isip ako sa isang matagal ko ng pinangarap.

"Samantha? Are you sure tutuloy mo pa? Pa'no na Siya?" napaluha ako. Mahal ko na si Chris. Pero nakapangako ako sa Diyos na paglilingkuran at pagsisilbihan ko Sya.

"Kailangan kong tuparin ang pangako ko. Kailangan kong gawin ito. Alam nyo naman diba? Bago ko pa sya nakilala, nakapangako na'ko."

"Pero, kung mahal mo naman sya? Diba maiintindihan naman ng Diyos yun?"

"Mahal ko sya. Kaso bago ko pa sya nakilala, mahal ko na rin ang Diyos.."

"Samantha, sa pagkakakilala ko sa Diyos. Hindi Sya maramot. Maiintindihan nya ang lahat."

Mas lalo akong umiyak sa mga sinabi ng kaibigan ko. Alam ko naman na hindi maramot ang Diyos. Pero, nakapangako ako, at ayokong pakuin 'yon. Hindi ako tutulad sa Daddy ko na umalis, nangakong babalik, pero hindi nya tinupad. Hanggang sa namatay na lang si Mommy kaka-hintay pero wala parin.

"Samantha, Isipin mong mabuti.. Dahil pagpasok mo sa loob. Wala ng balikan, wala ng palitan ng desisyon.."

Sabi ko nuon, at pinangako ko sa sarili ko na tutulungan ko si Chris ang dating "Dark Prince". Na magbago, pati narin ang grupo nyang "Bad Boys."

Ngayong natupad na 'yon. Alam kong ito na ang oras para tuparin ko naman ang pangako ko sa Diyos. Ang maging isang MADRE.

Ang hirap pala ng nasa ganitong sitwasyon. Tama ang kaibigan ko, kapag pumasok ako, wala ng atrasan. Wala ng balikan. At kung di naman ako pumasok, wala na ring atrasan.

"Sammy.." narinig ko ang boses ni Chris, ang Dark Prince na minahal ko. At ang dahilan kung bakit nagdadalawang isip ako. Nasa harap na'ko ng Kumbento. Kasama ang mga kaibigan ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit, hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang tangayin ako ng pagmamahal na nadarama ko sakanya. Naguguluhan ako Chris..

"Sammy, ako ang piliin mo." napabitaw ako. Naguguluhan na talaga ako. Kailangan kong magdasal para sa kalinawagan.

"Wag kang pumasok sa... loob, parang..awa mo na.." ngayon ko lang syang nakitang lumuluha. Sa tagal ng pagkakakilala ko sa'kanya. Ngayon ko lang nakita ang mga luha na 'yon.

"Sammy..." niyakap nya ako ulit, "Mahal kita.."

Ngayon ko lang rin narinig mula sakanya ang mga salitang yon, parang umapaw ang puso ko sa saya. Pero kailangan ko ng gumawa ng desisyon..

"Chris.." napatingin silang lahat. Dahil sa pagtawag ko sa pangalan nya.

"Chris.. I love you.. At sa pagpasok ko duon, mamahalin parin kita.."

Sa pagsabi ko nuon, buo na ang desisyon ko. Alam kong mauunawaan Nya ako.

Read Dark Prince met A soon to be Nun

----------

 Dedicated to Lee_Miyaki. Salamat po dun sa vote and comment. Kaso nabura ko po yung una kong pinublished. Waaaaah! :(( T___T Nakakatouch po yung comment nyo. Salamat po! :))

What can you say? <3 NABURA PO YUNG NAUNANG PINUBLISH KO KAYA INULIT KO TO..

T__________________________T

Tyaka sorry kay  Realmadrid12...  Inadd nya na to sa library nya kaso. Shunga ako at nabura nga T____________T

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon