Chapter 26

42 1 0
                                    

Chapter 26

Chris's POV

Lasog-lasog ang katawan, halos di na makilala, yun ang kinasapitan ng pinsan ko. Dapat hindi ako maapektuhan sa pagkamatay niya, dahil gago siya, pero hindi ko na rin napigilan.

Habang tinitingnan ko siya, may kumikirot banda dito sa puso ko. Wala na yung pinsan na dati ay parang kapatid ko na. Wala na siya. Wala na yung pinsan na tinuring kong kapatid nuon.

Kung iisipin, napaka-aga pa para kunin siya, napaka-bata niya pa, ni hindi pa nga siya tumutuntong ng kolehiyo. Yung pangarap niyang maging piloto hindi na matutupad.

Lumapit ako kay Althea, pang-apat na araw na burol na ito ni Leonard pero halos araw-araw andito siya, at sa araw-araw na pumupunta siya dito ay walang mintis din siyang umiyak. Siguro sobrang hirap ng nararamdaman niya, triple pa sa nararamdaman kong sakit sa pagkawala ng pinsan ko.

"Althea, you should go home, pagod ka na."

Kanina pa kasi siya nandito, halos buong araw na siyang umiiyak. Dito nga pala binurol sa bahay nila si Leonard, halos mahimatay na ang Mama niya ng malaman ang balitang patay na si Leonard, ang Papa naman niya'y muntik ng atakihin, hindi nila matanggap na wala na si Leonard. Sino bang nakatanggap?

"Hindi," garalgal na ang boses ni Althea, sobra na kasi ang iniyak niya mula pa kanina, gusto ko ngang tanungin kung bakit sa kabila ng lahat ng masamang ginawa sakanya ni Leonard ay nagawa parin niya itong patawarin. Siguro talagang mahal niya ang pinsan ko? "Ayokong umuwi, ayoko siyang iwan dito, Pasensya na kung araw-araw akong nandito, hindi ko kasi maiwan si Leonard," kasabay nun ang pagpatak nanaman ng mga luha niya. Nakaupo parin siya habang nakatitig sa kabaong ni Nard.

"Kapag napagod ka na? O kung gusto mo ng umuwi, papahatid na lang kita,"

"Salamat Chris,"

Ilang minuto ko siyang tinabihan, naririnig ko siyang nagdarasal sa Diyos. Talaga bang may Diyos? Bakit niya to pinahihintulutang mangyare? Kung totoo ka sana ingatan mo diyan ang pinsan ko, kasi kahit gago yun, mahal ko yun.

Dumaan pa ang maraming studyanteng nakikiramay.

Hanggang sa dumating sila Ate Debrah, kasama ng Step-Dad ko at ni Kuya, lahat sila namumugto ang mga mata, siguro pinipigilan nilang umiyak, lumapit sila sa mga magulang ni Leonard, at nag-condolence, tyaka nila ito niyakap.

Ito ang unang beses na may namatay sa mga Guevarra, kaya hindi magiging madali ang pagtanggap namin dito lalo pa't bata pa si Leonard.

Pinagmasdan ko lang sila, ayokong lumapit.

Nakita ko si Sammy na papalapit, marami parin siyang galos dahil sa pagtalon nya mula sa kotse, kitang-kita kong nasasaktan siya dahil sa mga nangyare, ako na ang lumapit sakanya, pero naunahan ako ng Mama ni Leonard, niyakap niya si Samantha.

Emotional parin si Tita, kaisa-isa nyang anak si Leonard kaya sobrang sakit sakanila ang nangyare. Pagkatapos daw ng libing ay mangingibang-bansa silang mag-asawa, at itong bahay nila ay ibebenta, masyado na daw malungkot dito sa Pilipinas kaya napagpasiyahan nilang pumunta sa Canada.

"Iha? Napatawad mo na ba ang anak ko?"

"Opo, mabait po kasi ang anak nyo, dapat po.. Kaming dalawa tung mamatay, pero sinagip niya po ako.."

"Mabait? Pero bakit nya magagawa ang mga bagay na yun?! Bakit muntik ka nyang gahasain, muntik ka nyang patayin."

"Kasi po may mga hindi po kayo alam kay Nard, biktima po siya dati." kasabay nun ang pag-pipigil ng luha ni Sammy, "Sobrang hindi po maganda ang pinag-daanan niya, kahit ako po hindi ko lubos maisip na.."

Biktima? Bakit hindi ko alam ang bagay na yun? Biktima siya ng alin?

Huminga ng malalim si Sammy, sabay tumingin kay Althea, "Bestfriend nya po si Althea, sakanya lang po siya nagkekwento ng masasaya at malulungkot na bagay tungkol sa pinagdadaanan ni Leonard. Kanina po ihiningi ko ng tawad si Leonard sa mga taong nasaktan niya at higit kay Althea, sinabi nya pong naging biktima si Leonard ng isang proffesor nung bata pa siya, hindi niya nagawang magsumbong dahil may baril ito, nuong makatakas siya, nuong pinalipat nyo po siya ng school.."

"Binalak niya pong gumanti, muntik na po siyang makapatay, muntik na po nyang mapatay yung prof na gumawa sakanya ng masama, pinilit niyang magbago pero hindi niya makalimutan ang lahat, hanggang sa namatay siya hindi niya po naamin sainyo ang nakaraan niya dahil ayaw nya po kayong mamoblema, mahal na mahal po kayo ng anak nyo, pero may mga bagay lang po na hindi niya na maalis sa sarili niya, dahil sa murang edad ay napag-samantalahan na siya.."

Halos mahimatay nanaman si Tita dahil sa mga narinig niya, hindi ko akalain na ganun pala ang pinagdaanan ni Leonard.

Naglakad si Tita habang umiiyak papunta kay Leonard, kahit siya wala siyang alam sa pinagdadaanan ng anak niya.

Lumapit ako kay Sammy, napatingin kami sa isa't-isa.

"I miss you." sabay haplos sa buhok niya.

Bago pa man siya magsalita ay hinalikan ko na siya sa labi niya.

"Sam, hindi ko na papayagang maghiwalay pa tayo, I'll always be near to you kahit mairita ka pa saakin." ani ko, "Tandaan mo walang sino man ang may karapatang paghiwalayin tayo."

Tapos ngumiti siya saakin,  it was a sweet smile halos mabaliw nanaman ako pag nakikita ko siyang ngumiti.

Ayoko na siyang mawala sa paningin ko, sana naman hindi matuloy yung pangarap niya na magmamadre siya.

--

"Sam, uwi na tayo?"

Patuloy parin siyang lumuluha. Nakatingin siya sa mga labi ni Nard. "Nard, dapat ikaw na lang ang nabuhay.."

"Sam, bat mo nasasabi yan?"

Humarap siya saakin, magang-maga ang mga mata niya, "Ako, wala na akong mga magulang, kahit kailan pwede akong mawala.. Pero siya? May mga magulang siya, may nagmamahal sakanya.."

"Sammy, anong tingin mo saakin?" hinawakan ko ang kamay niya tyaka kami naglakad papunta sa labas sa may bandang garden nila Tita, "Sam, ngayon mo sabihin saakin? Wala lang ba ako sayo?!"

Umiiyak nanaman siya, "Mahalaga ka saakin Chris, pero naisip ko sobra na tong nangyayare saatin, pakiramdam ko may pumipigil na magmahalan tayo, Chris mukhang mali ito.."

Gusto ko siyang yakapin, pero nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, "Alam mo ba Sammy," pinipigilan ko ang pag-luha ko, "Sammy, magbabago na daw ang Bad Boys, diba ang saya non? Magbabago na kami!" pinipilit kong sumaya si Sammy kaso malungkot parin siya, "Si Grey magiging Ama na, buntis si Eillyza," pero hindi parin siya ngumingiti.

"Chris, tama na to." pagmamakaawa niya. "Chris.."

Niyakap ko siya ng mahigpit, "Hindi! Hindi! Akin ka lang Samantha!" tang-ina ayokong umiyak pero sa mga sinasabi niya na nasasaktan ako, ngayon lang ako nasaktan ng ganito sa buong buhay ko, parang sinasaksak ang puso ko. Tang-ina ganito pala kasakit magmahal!

Samantha, sana maramdaman mo kung gaano kita kamahal na halos mabaliw na ako nung mawala ka, "Ikaw ang hiniling at dinasal ko sa Diyos, kung totoo talaga siya hahayaan nya tayong maging masaya, alam ko.."

"Alam mong..?"

"Sam, alam kong mag-mamadre ka, pero hindi ako papayag!"

Ayoko Sam, bakit mo ba sinasaktan ang damdamin ko?! Magbabago naman ako para sayo, pero bakit parang gusto mong bumalik ako sa dati?

"Chris, itigil na naten to. Please lang nagmamakaawa ako.."

"Tumayo ka nga diyan! Hindi! Hindi ako papayag na mawala ka pa, ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong ayusin ang sarili ko para maging karapat-dapat para sayo! Samantha, hindi ako papayag na mawala ka pa, naiintindihan mo ba ako? Ha bata!?"

"Chris, gusto.ko.maging.isang.madre.."

"Wag mo naman akong saktan ng ganyan Samantha!"

"Chris, please?" humahagulgol ulit siya.

Dark Prince met A soon to be Nun (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon