CHAPTER 46

11.8K 785 429
                                    

Nandito ako sa suite ni Azalea, nakaupo sa kanyang kama habang siya naman ay nakakandong na nakaharap sa akin, at mahigpit na nakayakap sa aking leeg

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nandito ako sa suite ni Azalea, nakaupo sa kanyang kama habang siya naman ay nakakandong na nakaharap sa akin, at mahigpit na nakayakap sa aking leeg. Hindi ko lubos akalain na siya ang mastermind sa likod ng lahat ng ito. Marami akong tanong na nais mabigyan ng kasagutan, at alam kong siya lang ang makakasagot sa mga ito.

Pero ayaw kong putulin ang sandaling ito. Gusto kong lasapin, namnamin, at sulitin ang tamis ng kanyang labi. May nagtutulak sa akin na magpatuloy, na palalimin pa ang bawat halik, pero pilit kong kinokontrol ang sarili.

Bumaba ang kanyang labi sa aking baba, marahang kinagat-kagat ito bago nagpatuloy pababa sa aking leeg. Napangiwi ako nang bigla niyang kagatin nang mariin, kasunod ang isang malakas na pagsipsip. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kanyang bewang, at siya naman, sa tindi ng gigil, ay buong diin na kinalmot ang aking batok.

"Baby, did something happen between you and Ines?" Bigla niyang tanong habang inaangat ang ulo upang tingnan ako sa mata.

"Ha? Wala?" sagot ko, bahagyang naguguluhan sa kanyang tanong. "Also, hindi ko alam kung may karapatan ako sa inyo... Ayaw kong magalit sa akin si Rhea." Mahinang bulong ko, ramdam ang bigat ng sitwasyon.

Ngunit bago ko pa matapos ang iniisip, bigla niya akong sinunggaban muli ng halik—mas mapusok, mas mariin. Kasabay nito, itinulak niya ako pababa sa malambot na kama, dahilan upang mapasinghap ako sa gulat.

"Alright then, ask me anything. Whatever it is, I'll answer honestly," bulong niya sa pagitan ng aming magkadikit na labi. Ramdam ko ang mainit niyang hininga, at bago pa ako makapagsalita, muling bumaba ang kanyang mga halik—unti-unting gumagapang pababa sa aking leeg, pababa pa sa aking katawan.

Napapikit ako, pilit nilalabanan ang init na bigla niyang pinapalaganap sa akin. "A-Azalea..." mahina kong tawag, pero parang hindi niya ako narinig, mas lalo lang niyang pinalalim ang kanyang mga halik, iniwanan ng marka ang balat ko na parang gusto niyang ipaalala kung sino ang tunay na may-ari sa akin.

Napasinghap ako nang maramdaman ang mas mariin niyang pagsipsip sa aking balat, alam kong bukas ay may maiiwang marka—isang bagay na siguradong mapapansin ng iba. Pero sa ngayon, wala akong pakialam.

"Azalea... dahan-dahan lang," mahina kong sabi habang pilit kong hinahanap ang kanyang mga mata.

Ngunit sa halip na tumigil, mas lalo siyang naging mapangahas, ang kanyang mga labi at kamay ay patuloy sa kanilang ginagawa, tila ba pinapaalala sa akin na siya ang nauna, na hindi ako makakatakas sa kanya.

"Baby," bulong niya sa aking tenga bago niya ito bahagyang kinagat, dahilan upang mapaliyad ako. "Did you know that for five years, no matter what I did, I couldn't get you out of my mind? And now that you're here again... I'm never letting you go."

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Aza..."

"Hmm?"

"Paano mo nalaman nandito ako?"

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ (ꜱꜱ) : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ʀʜᴇᴀ ᴡʀᴇɴ ᴀᴍʙʀᴏꜱɪᴏ (ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) Where stories live. Discover now